Chapter 14: Falls

2223 Words
Mabatong daan ang lalakaran namin bago marating ang waterfalls na huling lugar na pinuntahan namin. Malayo pa kami sa bukana nito pero dinig na dinig na namin ang malakas na lagaslas ng tubig. Mas tumindi tuloy ang excitement na nararamdaman ko. Habang papalapit kami sa sadya namin ay dinig mula sa pwesto namin ang malalakas na tawanan at hiyawan ng mga bata na nageenjoy sa paglamoy at pagtatampisaw. Kahit medyo madulas ang mga bato ay nagmadali na kami sa paglalakad. Hawak ni Sir Lei ang isang kamay ko para alalayan sa paghakbang sa malalaking tipak ng bato. pagkarating namin sa bukana ay napasinghap ako. I was so amused and shock about the place. I felt so rewarded with the beautiful scenery of the Waterfalls. Hindi sapat ang salitang maganda sa lugar na ito. This place gives me goosebumps. the water flowing from the top of the mountain is breathtaking. the trees and flowers that cover the entire falls are fantastic and the rock formation was stunning "Naiinggit ako gusto ko ding nagSwimming" sabi ko habang nakatingin sa mga batang naliligo. "No! you're not going to swim" tiim ang bagang nitong sabi. "It's dangerous, We don't know what's in there. baka mamaya bigla nalang may humatak sayo." "for real Sir Lei? you believe in that phenomenon?" I frowned at him then I laughed. I have heard many stories before from adults that there are fairies or whatever wonders can be encountered in such remote places. Buy the only thing I believe in, is how amazing God is for creating this wonderful sanctuary. "Basta, hindi ka maliligo wala akong balak maguwi ng bangkay sa manila." asik nito sabay hablot sa aking braso. Mahigpit niya akong hinawakan para di ako makaalis sa pwesto ko at hindi magawa ang tangka kong paliligo. "Ang OA mo naman. Delikado ba yan? kita mo ngang ang daming batang naliligo." sinamaan lamang niya ako ng tingin. "Siguro hindi ka marunong lumangoy noh? kaya ayaw mong maligo. Tsk, tanda tanda na. Daig ka pa ng mga bata" pang aasar ko dito habang nakanguso kaya naman mas hinigit pa niya ang braso ko palapit sa kanya. "Nagrereklamo ka ba ha?" tanong niya habang nilalapit ang mukha sakin. Alam ko na ang sasabihin niya kaya di na ako nagreact pa. Nadinig nalang namain ang tudyo ng mga bata kaya napatingin kami. "Kiss....kiss.....kiss..." panunukso nila sabay mostra pa ng kamay. Ramdam kong pinamulahan ako ng mukha kaya tinabig ko si Sir Lei para magkalayo ang mga mukha namin. "marinig ko pang magreklamo ka" pagbabanta niya. "I will kiss you until you can no longer breathe" Ilang beses ko pa siyang kinulit pero ayaw niya talaga akong payagan. Unti-unti na ring naguuwian yung ibang mga bata na naliligo dahil ilang oras nalang ay magdidilim na. Napapahalukipkip nalang ako sa panghihinayang na hindi ko manlang maranasang makaligo sa waterfalls. "Sir" sigaw ko dito. Naglalakad lakad kasi ako sa mga bato malapit sa tubig. Habang siya ay nananatiling nakatayo sa pwesto namin kanina. "Payagan mo na akong maligo kahit dito lang sa mababaw. Sige na!" pagkumbinsi ko dito. "Please! tayo nalang ang andito wala ng makakita sayo kung langoy aso lang ang alam mong langoy" tumatawa kong pang aasar dito. Inirapan lang niya ako at umakmang babatuhin ng bato. tinawanan ko lang siya at umakmang sasanggahin ang ibabato niya. hindi ko siya tinantanan hanggat hindi niya ako pinapayagang maligo. Kinukulit ko siya ng kinukulit hanggang sa mapapayag ko din. "Hhhaayyyy! sige na nga. Napaka tigas ng ulo mo" aniya sabay kamot ng ulo. "Talaga?! Yes...." sabay takbo palapit sa pwesto niya. "oh! dahan-dahan baka madulas ka" "alam mo para kang tatay ko" natatawa kong buska sa kanya habang hinuhubad ang damit ko. Nanlaki ang mata niya at agad akong pinigilan sa akmang paghubad ng damit. "Hey, what are you doing?" kunot noo niyang tanong sakin. "mag swimming?! diba pinayagan mo na ako?!" "alam kong magswimming ka......P-pero......B-bakit ka naghuhubad?" napabuga ako ng tawa sa reaksyon niya para bang takot na takot siya sa gagawin ko. "Huwag kang magalala may suot akong short at crop top sando sa loob....Pinaghandaan ko ito 'noh Girl scout kaya ako" ngumingisi kong sabi sa kanya saka ko pinagpatuloy ang paghububad. "tara na dali! magdidilim na" aya ko sa kanya pagkatapos kong makapag palit ng white crop top at black and white linen short habang nakalugay lang ang itim at hanggang bewang kong buhok. umiling lang siya at sinabing hindi siya maliligo. Babantayan nalang daw niya yung gamit na dala namin. Hindi ko na siya pinilit pa dahil ligong ligo na talaga ako. "ang lamiiiiiiigggg" tumatawang sigaw ko ng makalubog na ako sa tubig. Tinatawag ko pa si Sir Lei para ayain siya pero seryoso lang siyang nakatitig sakin. Na takot tuloy ako sa klase ng titig niya kaya umiwas nalang ako ng tingin at hindi na muling nagabalang ayain siya. Wala akong ginawa kundi ang lumangoy ng lumangoy dahil napaka sarap sa balat ng malamig at malinaw na tubig. Kahit sinabihan ako ni Sir Lei na sa mababaw lang ako ay nagpumilit parin akong abuti yung mismong falls. Hindi naman kalaliman ang tubig at sanay naman akong lumangoy kaya hindi ako nagaalala. Sa bahagi lang ng tubig na pinaglanguyan lang din ng mga bata ako naglalalangoy para makasigurado. Ayoko ding pagalalahanin ng sobra si Sir Lei. Ilang segundo pa akong sumisid para namnamin ang tubig after nito aahon na ako dahil mukhang naiinip na si Sir Lei. Pag angat ko ng ulo mula sa tubig ay hindi ko na natanaw sa pwesto niya kanina si Sir Lei. Naroon ang mga gamit namin pero siya ang wala. Luminga ako sa ibang parte ng bukana pero wala din siya. 'Siraulo talaga, mukhang iniwan akong magisa dito?' napailing nalang ako at muling nilublob ang sarili sa tubig dahil sa inis. Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng sinablig ng tubig. "s**t ano yun?" nakaramdam ako ng takot dahil ako nalang magisa dito kaya lumangoy ako papalapit sa mga bato. Nagulat nalang ako ng biglang may humatak sa paa ko dahilan para mapalubog ulit ako sa tubig. Nagpupumiglas ako dahil sa higpit ng kapit niya sa paa ko. Naalala ko tuloy ung mga kwento ng mga matatanda na may mga paliguan na may mga malignong nangunguha ng tao. Kaya naman buong lakas kong sinipa yung kamay na mahigpit na nakakapit sa paa. Nung matanggal yun ay agad akong umahon sa tubig. Ilang beses pa akong mapaubo dahil sa nainom na tubig. Laking gulat ko ng may biglang umahon sa tubig na nasa harap ko. Tumatawa pa ito habang hinahawi ang buhok. "Bwisit ka Sir Lei!" sabay hampas sa tubig na malapit sa mukha niya dahilan para magtalsikan ito sa mukha niya. "tinakot mo ako akala ko kung anong maligno na ang humatak sa paa ko" "ahahaha ang kulit mo kasi. Sinabi ng sa mababaw ka lang" aniya. "mababaw naman ito ah? pasaway ka.. ang sakit nung kapit mo sa paa ko" rereklamo ko. "Sorry na! tara na dito" hinatak niya ako papalapit sa kanya. Iginiya niya yung dalawang kamay ko papunta sa batok niya habang ang mga kamay naman niya ay mahigpit na nakahawak sa aking bewang na para bang magkayakap sa ilalim ng tubig. Ilang minuto pa kaming nagbabad sa tubig para lumangoy. Sa buong sandali na yun ay hindi niya ako binitawan ni isang beses. Kung hindi sa bewang ay sa braso siya nakahawak sakin o di kaya naman ay sa kamay. Masaya kaming nagkukwentuhan at nagtatawanan. We also try different water activities habang nandito kami. Nagbabad kami sa ilalim ng waterfalls kung saan bumabagsak ang ragasa ng tubig mula sa taas ng bundok. We also did side tripping inside the cave and carved our names on the rock. Nagaya din siyang mag cliff diving tulad ng ginawa niya. I refused at first because I was afraid of heights. Hindi daw niya ako iiwan. Sasamahan daw niya ako at sabay kaming tatalon. Kaya napapayag niya ako. "Ayoko na Sir. Bababa nalang ako" sabi ko habang umiiling. Hindi ko alam na ganito pala kataas ang tatalunan. Sa baba kasi ay parang mababa lang pero sobrang tarik pala pag nandito ka na sa taas. "You can do it. I'm here. Don't worry Sabay tayong tatalon" pagsisigurado niya. Hinawakan niya yung kamay ko bilang paghahanda sa aming magtalon. Mariin akong pumikit saka huminga ng malalim. "I will count one to three and then we jump okay?" Tumango ako kahit pakiramdam ko'y sasabog na ang dibdib ko sa sobrang takot. Dahil sa alam kong kasama ko siya hindi na ako nagalinlangan sa pangako niyang hindi na niya ako bibitawan. Pagkatapos niyang magbilang ay sabay kaming tumalon mula sa bundok. Malakas ang naging impact namin pagbagsak sa tubig kaya kahit mahigpit ang pagkakahawak namin ay nagawa parin naming mabitawan ang isa't isa. Kinampay ko ang aking mga paa para makaahon agad sa tubig. Pagkaangat ko ay kita ko na agad si Sir Lei na lumilinga sa tubig marahil at hinahanap ako. Noong matanaw ako ay agad niya inabot ang kanyang makay sakin. "Ayos ka lang? may tumama ba sayo?" may pagaalalang tanong nito. Nang mahawakan niya ang kamay ko'y agad niya akong inilapit sa katawan niya para yakapin. "Okay lang ako" sabay tango. "hindi ko na uulitin yun nakakatakot" nakangisi kong sabi. Habang ikinakalang ang mga braso ko paikot sa kanyang batok. Ilang sandali pa ay nagaya na rin akong umuwi dahil papadilim na. Mahirap kung doon pa kami abutan ng gabi wala pa naman kaming ibang kasama at kakilala sa lugar na yun. Nauna akong lumangoy papunta sa batuhan habang siya ay nasa likod. Paahon na ako sa tubig ng tawagin niya angnpangalan ko. "Cielo" balak ko sana siyang biruin dahil first name basis na ang pagtawag niya sa akin na dati ay Ms. De Guzman. Bago pa man ako makalingon ng tuluyan sa kanya ay agad na niya akong hinatak sa aking braso para mapalapit sa kanya. Ang isang kamay naman niya ay mabilis na humatak sa aking bewang. Nanlaki ang mata ko dahil mariin niyang pinaglapat ang aming mga labi.Magkalapat lamang ito nung una pero ilang sandali pa ay nagumpisa ng gumalaw ang kanyang mga labi. Salitan niyang pinaglalaruan at sinisipsip ang itaas at ibabang labi ko. Nanginginig ang isang kamay kong napahawak sa kanyang balikat. Nanghihina ako. Nahihirapan akong huminga. Pakiramdan ko'y para akong nauupos na kandila sa mga halik na ginagawad niya sa akin. Inabandona ng isang kamay niya ang braso kong hinatak niya at marahan itong inihaplos sa aking balikat papunta sa aking leeg na nagbigay ng kiliti sa aking buong katawan hanggang sa mahigpit na itong humawak sa aking batok para mas palalimin ang kanyang mga halik. Sinisipsip. Hinihigop. kinakagat ganyan ang paulit ulit niyang ginagawa sa labi mga labi ko na nananatiling nakatikom. Hindi ko magawang tumugon sa mga halik niya. Bago lang ito sa akin at hindi ko alam ang gagawin. Ito ang unang beses na may humalikk sa aking mga labi. "part your lips please" bulong niya ng hindi pinaghihiwalay ang aming mga labi. Kinagat kagat niya ng mas madiin kesa kanina ang ibabang labi ko na naging dahilan para tuluyan kong pagpartihin ang aking mga labi. Mas humigpit pa ang hawak niya sa aking batok na sinasabayan pa niya ng paghatak ng aking buhok kaya mas naging madali sakanyang lasapin mabuti ang aking mga labi. Sinamantala niya ang pagbuka ng aking mga labi para ipasok ang kanyang dila at simulang makipaglaro sa loob. Nagtaasan lahat ng balahibo ko mula paa hanggang ulo. Hindi dahil sa lamig ng tubig kundi dahil sa sensasyong hatid ng kanyang mapaglarong dila. Napaka sarap ng halik na ipinaparanas niya sa inosente kong mga labi. Ang malambot at mapaghanap niyang mga labi ang nagpapalambot ng aking buong kalamnan. Nararamdaman kong malapit na akong mawalan ng ulirat. Kaya ito ang naging hudyat ng katawan ko para magbalik sa reyalidad. Hindi ito tama. I need to stop him bago pa humantong sa kung saan ang mapupusok niyang halik sa akin. Kahit hirap sa pagkilos at sa paghinga ay buong lakas ko itinulak ang kanyang dibdib upang pigilan at makawala sa kanya. parehas kaming naghahabol ng hininga ng makawala kami sa mainit na halik na yun. Mariin siyang nakatitig sa akin samantalang ako naman ay hindi makatingin ng deretso sa kanya. Napahawak nalang ako sa mga labi ko kong nangangapal dahil sa paghalik niya. Agad na akong tumalikod at naglakad palayo sa kanya. Napaupo ako sa mga bato sa bukana ng waterfalls dahil sa panghihina ng aking mga tuhod. Puro bakit ang tamong na pumapasok sa isip ko. Sandali akong nagpahinga para pakalmahin ang sarili ganun din ang nagwawala kong puso. Sa gilid ng mata ko'y kitang kita ang paglapit niya sa pwesto ko. Habang ang mga mata niya ay malamlam na nakatitig sakin. Parehas kaming natahimik at tanging mga huni lamang ng mga ibon at lagaslas ng tubig mula sa talon ang maririnig. Maya-maya pa'y ilang mga tikhim at buntong hininga ang narinig ko mula sa kanya. "Cielo baby" bulong niya. Tumikhim siya at muling huminga ng malalim saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Alam ko galit ka sa ginawa ko. Pero gusto ko lang malaman mo na hindi ko pinagsisisihan na hinalikan kita." walang emosyon ko siyang tinitigan habang nagsasalita. "Ginusto ko yung ginawa ko. Gusto kong halikan ka Cielo..........at UULITIN KO YUN! PAULIT ULIT KONG GAGAWIN YUN!" aniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD