bc

Asher's Secret

book_age16+
3.5K
FOLLOW
24.2K
READ
family
sensitive
independent
brave
dare to love and hate
drama
comedy
office/work place
lies
secrets
like
intro-logo
Blurb

Meet Asher Justin Montelumiere, a rich man who owns the famous AML Cosmetics Company. Ideal man? Yes. Handsome? Check. Seems like he's the perfect guy that have everything other men dreamt about— but it's not.

He has his own dirty little secret that he can't tell others. A secret that only his dear family and relatives are allowed to know.

But in a sudden turn of events— in a sudden accident happened inside a coffee shop, he didn't expect that a girl like Chesca Del Rosario, his angel in disguise, will discover his secret— the secret he hid for a long span of time.

So Asher need to do something. He need to make her mouth shut or else his secrets will be revealed. But what if, it's not the only thing Chesca will discover?

When the world seem small and time seems running faster than we expected, and when Asher suddenly fell inlove the girl he didn't expect to end to, how would love respond to the revelations of these so called secrets if Chesca's father had anything to do with one of the things Asher was hiding?

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
"Chekay!" sigaw ni Maylori nang makita ako sa labas ng mall saka kumaway. Tumayo ako sa aking kinauupuan at sinalubong siya. "Nakakahiya naman sa 9 A.M. sharp mo kuno. 9:30 A.M. na, bakla." Inirapan ko siya at nakipagbeso. "Sorry na. Na-traffic ako. Malay ko bang ganito pala ka-traffic pumunta sa Robinson's Galleria," pagdadahilan niya. Ang taray ng aurahan ni ate girl. Nakasuot siya ng sleeveless apple green shirt na akala mo bata ang nagtabas ng manggas dahil hindi pantay ang pagkakagupit. Tapos, ripped jeans ang kanyang pambaba at puting sneaker. "Hindi ka mukhang pulubi sa suot mo. Sana pinapantay mo man lang ang pagkakagupit sa laylayan." Tinuro ko sa kanya ang mangilan-ngilang sinulid na nakalaylay. "Huwag kang pakialamera." Umismid siya at marahas na hinila ang sinulid at pinakita sa aking natanggal niya na ito. "Ano ba iyong pinapabili ni Monique?" tanong ko sa kanya. Parami na nang parami ang mga taong papasok sa mall dahil may three-day sale promo ang mga piling brands ngayong weekend. Wala dapat talaga akong balak gumala ngayon at gusto kong magpahinga. Sadyang nayaya lang ako nitong si Maylori dahil may bibilhin kaming birthday gift para kay Monique. "Ayan." Ipinakita niya sa akin ang peachy pinkish matte lipstick shade na na-i-send sa kanya. "Sana available iyan." Niyaya ko na siya sa loob upang magsimula na kaming makapaghanap sa mga cosmetic shops. "Eto ba?" Pinakita ni Maylori ang shade na inilagay sa kanyang palapulsuhan ngunit umiling ako. Nasa pangatlong cosmetic shop na kami pero hindi pa rin namin nakikita iyong tamang kulay ng lipstick na hinahanap namin. "Ano, may nakita ka?" Umiling ako at napakamot ng ulo. "Bakit ba napakaarte niya sa regalo?" tanong ko sa kanya. Nalalanghap ko na ang amoy ng chicken mula sa Jollibee na nagpapadagdag ng gutom ko. "Bakit kasi tinanong mo pa kung anong gusto niyang regalo?" She grunt out of frustration. Teka, bakit parang ako pa ang may kasalanan? "Excuse me, malay ko bang magsasabi siya ng gusto niya. Hindi ko naman alam na may wish list pala siya. Nagtanong lang naman ako dahil wala akong ideya sa kung anong ireregalo ko sa kanya. Mamaya regaluhan ko siya ng deodorant tapos bigla siyang magalit," paliwanag ko. "Gaga." She cursed. Dahil parang gusto ko nang dukutin ang singkit niyang mga mata sa pagsama niya ng tingin sa akin, ako na lang ang gagawa ng paraan. "Fine. Titignan ko sa AML Cosmetics baka meron," suhestyon ko. "Susubukan kong tignan sa Watson's tapos bibili na rin ako ng milk tea. Pupuntahan na lang kita roon." At sabay kaming naghiwalay ng landas. Good choice, friend. Mapagtya-tiyagaan ko na iyang milk tea. Hihingal-hingal at tagaktak ang pawis ko nang huminto ako sa labas ng AML Cosmetics. Medyo malayo kasi nang kaunti ang nilakad ko dahil wala silang pwesto sa loob ng mall pero nasa tapat lang ito ng Robinson's Galleria. Nanunuot kagaad ang malamig na hangin galing sa anim na airconditioner na nakapalibot sa buong shop nang makapasok ako sa loob. Hindi ko rin inaasahan na ganito kung dumugin ng mga tao ang tindahang ito dahil hindi mahulugang karayom ang dami ng tao. Mukhang may sale rin sila tulad ng mall. "Hi, ma'am. Good afternoon. How can I help?" tanong sa akin ng isang babaeng mas bata sa akin ng kaunti. Nakasuot siya ng unipormeng kulay itim na may nakatatak na AMLC at slacks pang-ibaba. Naka-ayos rin ng low bun ang buhok niya. "Ah, may ganitong shade ba kayo?" Ipinakita ko sa kanya ang shade na nasa cellphone ko. Lintik na shade ito. Kapag wala pa ito rito, hindi na lang kami pupunta ni Maylori sa birthday ni Monique! Napakaarte. "Hmm." Tumango siya. "Samahan ko po kayo sa lipstick section para ma-confirm kung available ba iyang shade dito sa main branch." Pumayag ako at sununod sa kanya papunta sa isang malaking estante 'di kalayuan sa counter. Pinaupo muna ako sa sofa matapos ipakitang muli sa sales clerk ang shade sa kasama niya at pumunta sa stock room. Kinuha ko ang isang magazine na nasa ilalim ng coffee table at nag-browse rito. "Chekay!" Inabot sa akin ni Maylori ang binili niyang milk tea. "May nahanap ka?" tanong niya sabay upo sa tabi ko. "Hinahanap pa nila kung mayroon." "Ano iyang binabasa mo?" Nakisilip siya sa binabasa ko at nahinto kami sa isang pahinang pumukaw sa atensyon ko. "Hindi ko nga alam kung bakit hawak ko ito, pero pogi siya." Tinuro ko ang isang lalaking nakasuot ng suit and tie ngunit bukas ang tatlong butones ng kanyang pang-itaas at seryosong naka-pose sa magazine. Pang-model ang datingan. Kulay kayumanggi ang buhok niya at gulo-gulo ito—baka style. May kasingkitan ang kanyang mga mata at mapanga ang mukha. "Wow. Look who's here." Bahagya akong napahinto sa pagbabasa nang marinig ko ang isang baritonong boses ng lalaki. Huminto siya sa pagtayo sa aking harapan ngunit hindi ko pinansin ang pagbati niya at nagpatuloy lang sa pagtingin sa hawak ko. "s**t!" Napatayo ako sa pwesto nang bigla niyang sipain pataas ang baso ng milktea na hawak ko at tumapon iyon sa pink hoodie jacket na aking suot. Pinagpag ko ang mga pearl na dumikit at matamang tinignan siya sa mga mata. "Ganyan ka ba talaga kabastos, George?" Nanggigigil kong tanong sa kanya. Ngumisi siyang bigla at nginuya ang chewing gum na para bang isang kambing. Sa lahat ng naging ex ko, dito ako natutong lumaban. "Nag-break lang tayong dalawa ganyan ka na? Bakit may pinagmamalaki ka na ba?" Naamoy ko kaagad ang alak sa kanyang paghinga noong sigawan niya ako. Napakamalas lang naming dalawa dahil dito pa kami nagkita. "Tigilan mo ako. Wala akong panahong makipagdiskusyon sa iyo." Patuloy akong nagpagpag sa suot ko ngunit hindi ko nagustuhan ang sumunod niyang ginawa sa akin. Isang mainit at matunog na sampal mula sa kanyang palad ang dumampi sa aking pisngi. Napasabay ang kalahati ng katawan ko sa lakas ng sampal na iyon. Patakbo akong dinaluhan ni Maylori at inakbayan. Maski ang mga tao sa paligid ko ay napahinto sa kani-kanilang ginagawa dahil sa pag-echo ng sampal na iyon. Pakiramdam ko ay nasa akin ang mga mata ng mga taong nandito ngayon. Nanginig ang mga kamay at paa ko sa takot na baka hindi lang iyon ang danasin ko kapag sumagot pa ako sa kanya kaya tumahimik na ako. Iba si George sa lahat ng lalaking karelasyon ko. Siya iyong tipo ng lalaking hindi dapat nagkakaroon ng girlfriend dahil magagalitin siya. Hindi lang ito ang unang beses na sinaktan ako ni George. Kada susunduin niya ako noon sa trabaho nang nakainom ay nagkakasagutan kami at nauuwi sa p*******t dahil sa selos. Napakalakas lang talaga ng loob niyang saktan ako ngayon dala ng espiritu ng alak na nananalaytay sa dugo niya. "George, ano ba?! Hindi ka ba nahihiya?" awat sa kanya ni Maylori. Nakakaramdam na ako ng takot sa talim ng pagkakatitig niya sa akin ngunit hindi ko iniyuko ang ulo ko matapos niya akong sampalin. Gusto kong maramdaman niyang tumapang ako at kinaya kong wala siya. "Ano, nasaan na iyong pinalit mo sa akin?" malakas na tanong niya. Luminga-linga pa siya sa paligid na para bang naghahanap ng makakaaway. "Umalis ka na rito. Anong karapatan mong manakit?" Nakipagsukatan ako ng titig sa kanya. Pabilis nang pabilis na ang t***k ng puso ko ngunit kailangan kong siyang harapin. Nakaamba na ang kamay niya upang sampalin akong muli nang biglang may lumabas na lalaki mula sa aming likuran. Hindi niya man hinawi ang kamay ni George ngunit napahinto siya sa pagsampal sa akin. Matangkad ang lalaking nasa unahan ko ngayon. Siguro'y hanggang balikat niya lamang ako at mukhang matipuno ang pangangatawan. Dahil nakatalikod siya, ang kanyang kayumangging buhok lang ang aking nakita. Nakasuot rin siya ng itim na longsleeves na nakatupi hanggang siko at naka-tuck in ito sa slacks niya. "Bakit ka nandito, George?" Mababa ang kanyang boses at parang napaka-strikto magsalita. "Ash, man. Anong ginagawa mo rito?" Ang kaninang naaasar niyang pagmumukha ay naging maaliwalas at sumaya nang makita niya ang lalaki. Kailan ka pa naging plastik, George? Lahat naman ng tao sa loob ng shop ay nakatingin lang sa lalaking naka-itim at nakaawang ang kanilang mga labi. Tila ba nakakita sila ng sikat na artistang dumalaw rito sa shop. Maririnig naman ang pagbubulungan at pagchi-chismisan ng iba. "What are you doing here? This is MY shop." Doon na kami nagkatinginan ni Maylori. Maski si George ay napaatras sa gulat dahil sa sinabi ng lalaki. OMG. "You gotta be kidding me, Ash." Umiling-iling pa siya at ngumiti sa lalaki. "Sa tingin mo ba, nagbibiro ako?" Sumeryoso ang mukha ni George. "Anong nangyari? Bakit mukhang nagkakagulo rito?" sunod-sunod na tanong ng lalaki. "Ah, kasi ano, nagkatampuhan kami ng girlfriend ko." Akma niya akong lalapitan ngunit umatras kami ni Maylori. "Hindi mo na ako girlfriend." Matapang kong sinabi sa kanya. Pinandilatan niya pa ako ng mga mata. Sorry pero hindi mo na ako madadaan sa mga paandar mo. "Chesca naman. Huwag mo naman akong ipahiya sa harap ng mga tao." Gustung-gusto ko siyang murahin at sabihin sa kanya ang ginawa niyang pagpapahiya sa akin ngunit ayoko nang magsayang ng laway sa walang kwentang lalaki na katulad niya. "Are you drunk?" Tinanong muli siya noong lalaki saka ito namulsa. "H-Hindi ah," iiling-iling pa siyang sumagot. "By the way..." May kinuha siyang envelope sa estante at pinakita iyon kay George. "...I will not hire you in my company." Nanlaki ang mga mata namin nang punitin niya ang kanyang hawak sa harap mismo naming lahat. Nanginginig ang mga mata ni George habang tinitignan ang pagpira-piraso ng mga papel at paglagpak nito sa checkered tiles na sahig ng tindahan. "N-No, Ash. Bakit? I badly need money. Please…" pagsusumamo niya. Lumuhod pa siya sa harap ng lalaki at halos magmakaawa na para sa kontratang iyon. "Alam na alam mo kung ano ang ayoko sa isang tao, George—ang sinungaling. Kitang-kita ko ang ginawa mo sa CCTV." Luminga-linga kami sa paligid at nakitang may nakatutok pala na CCTV sa tapat namin. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa na tumayo. "Umalis ka na. Huwag kang magtangkang bumalik dito. Pakiusap." kalmadong utos ng lalaki. Umiwas ako sa sulyap ni George bago niya tuluyang nilisan ang tindahan. Pumalakpak ng tatlong beses ang lalaki at pabirong sumigaw, "Back to work. Tapos na ang shooting." Agad nagtakbuhan sa kani-kanilang pwesto ang mga sales lady at maski ang mga mamimili ay nagsipag-galawan na rin. Hindi ko alam kung matatanggal ba ang kaba ko sa sinabi niya o mas lalo akong matatakot dahil ako ang dahilan kung bakit nangyari ang komosyon na iyon. "Okay lang kayo?" tanong niya sa amin pagharap. s**t. As in Holy s**t! Siya iyong nasa magazine!! His deep set brown eyes is staring at me. Mapanga nga siya ngunit talaga namang bumagay iyon sa hubog ng kanyang mukha. Maski ang buhok niyang long fringes ang estilo ay nagpadagdag ng kagwapuhan sa kanyang kabuuan kahit pa parang mukha siyang bagong gising sa gulo nang pagkakaayos nito. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin pero agad akong nakaramdam ng pagkagusto sa kanya. Alam kong ang tanda ko na para sa "Love at first sight" pero sino bang may pakialam? "Oo. Okay lang ako. Ewan ko lang dito sa kaibigan ko," sagot ni Maylori. Siniko ko siya sa tagiliran at ngumiti sa lalaki. "Okay lang kami. Salamat." Tumango siya at ngumiti. Shems, labas na labas ang biloy sa magkabila niyang pisngi na nagpadagdag pogi points sa itsura niya. Kung ire-rate ko siya, 101/100! Manipis ngunit mapula ang mga labi nito at may pagkamatangos ang ilong. Parang napakasarap mapadikit sa mga iyon, ano? "Chesca!" Nahinto ako sa pagbusisi sa kanyang mukha nang kunin ni Maylori ang atensyon ko. Napakagaling. "May dumi ba ako sa mukha?" tanong sa akin noong lalaki. "W-Wala. Pasensya na." Umiling-iling ako. Gusto ko rin batukan ng very light iyong sarili ko dahil para akong nama-magnet kapag napapatitig ako sa mukha niya. "Oo nga pala, baka sakaling may ganito kayo." Pinakita ni Maylori ang kanyang cellphone. "Wait." Iniwan niya kami at kinausap ang babaeng kausap ko kanina. "Tila ka na-engkanto. Diyos ko." Sinundan ko si Maylori sa pag-upo. "Sorry. Medyo nagulat lang ako sa mga pangyayari ngayong araw," pagdadahilan ko. "Shuta ka. Nagulat? Eh kulang na lang, i-mukbang mo iyong may-ari, Chekay. Konting menor naman!" pang-aasar niya. "Sigurado ka bang okay ka lang?" Napahinto ako sa pag-iling. Umupo ang lalaki sa harap namin at may hawak na kahon. "Oo." Tumango ako. "Ito na pala iyong shade na hinahanap ninyo." Nakalagay ito sa isang gintong box at Sailor Moon pa ang design ng lipstick case nito. "OMG, bakla. Ayan na nga iyon," usal ko kay Maylori. Narinig namin ang mahinang pagtawa ng lalaki habang ibinababa ang wax ng lipstick at tinakpan ito. "Hindi po ako bakla, ah. Bakla lang po talaga tawagan namin," pagtatama ni Maylori. Mukha namang pinaniwalaan siya noong lalaki sa sinabi niya dahil tumango ito. "Magkano kaya iyan?" tanong ko sa kanya. "Free na iyan. Tapos kunin ninyo na rin ito." Binigay niya sa amin ang dalawang kulay itim na glossy paper bag. Malaki iyon at alam namin pareho na hindi lang make up ang laman noon sa loob. "Hala. Bakit?" sabay naming tanong ni Maylori. "I just want to thank you guys. Medyo alanganin kasi akong tanggapin si George dahil may pending case siya sa isa kong kaibigan," pagpapaliwanag niya. Kaso? Ano kaya ang kasong iyon? "Ang dami naman nito." Hindi makapaniwala si Maylori na may pang-isang taon na siyang beauty products. "Thank you," sambit ko. Ngumiti lang siya sa akin. Gustong lumukso ng puso ko sa pagngiti niyang iyon. "Ako nga pala si Asher, may-ari nitong AML Cosmetics. Kung may kailangan pa kayo, sabihin niyo lang sa mga staff ko. See you around." Kumaway siya sa amin bago naglakad palayo. "SIGURADO ka bang atin na 'to?" tanong sa akin ni Maylori habang nasa kalagitnaan kami ng traffic at nakasakay sa taxi. "Shuta naman! Panglimang ulit mo nang tinatanong sa akin 'yan. Kung ayaw mo, iuuwi ko na lang sa bahay." Bigla niyang iniwas sa akin ang paper bag na yakap niya at umirap. "Bakla, buti na lang nakipaghiwalay ka kay George, ano?" "Kung hindi ko siya nahuling nakikipaghalikan sa ibang babae at kung hindi niya ako sinasaktan, hindi naman talaga ako makikipaghiwalay sa kanya." Kung alam ko lang na magiging ganoon ang sitwasyon ko dati, sana nakinig na lang ako kay mama. "MA, nandito na ako." Tinanggal ko ang aking sapatos at pumasok sa loob ng bahay. Tahimik at mukhang walang tao kaya dumiretso muna ako sa kwarto at nagbihis. Pagbaba ko'y nakita ko si Papa na nanonood sa cellphone niya. "Pa, saan ka galing?" tanong ko sa kanya habang naghahain. "Diyan lang sa labas. May pinag-usapan lang kami tungkol doon sa planta ng mga Montelumiere." Tumango ako kahit hindi ko kilala kung sino ba iyong pinag-uusapan nila. "Si mama?" "May binili lang daw siya." Habang kumakain ako ay saka naman ang dating ni mama na may yakap-yakap na babasahin. Ngiting-ngiti pa siya at pasayaw-sayaw sa gitna ng sala. "Anak, may ipapakilala ako sa iyo." Lumapit siya sa akin at mukha taaga siyang excited sa sasabihin niya. "Sino, Ma?" "Charan!" Naibuga ko ang kanin nang makita ko kung sino ang nasa front page ng men's magazine na hawak niya—si Asher iyon at nakasuot ng suit and tie katulad doon sa magazine na hawak ko kanina sa cosmetic shop ngunit mas seryoso ang mukha nito. Kinuhaan ako ni Mama ng tubig at pinainom. "Diyos ko, masyado bang gwapo?" biro niya pa. Oo ma. Napakagwapo. "Bakit meron ka niyan, Ma?" tanong ko sa kanya. "Crush ko." Kinindatan niya ako nang mapatingin ako dahil sa sagot niya. Diyos ko, may kaagaw na ako kaagad?! "Hayaan mo na iyang mama mo. Nasa menopausal stage na iyan kaya ganyan." Muntik na ipalo ni Mama kay Papa iyong magazine na hawak niya ngunit niyakap niya ito at binasa ang nilalaman sa sofa. Paano at bakit nagkaroon ng fandom si Asher dito sa bahay namin?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
504.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
330.3K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

OSCAR

read
227.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook