KABANATA 2

2187 Words
TUWANG-TUWA si Monique sa lipstick na niregalo namin sa kanya. Hindi namin alam na may birthday card palang kasama iyon dahil sa sales lady ko lang naman nasabi na ipangreregalo ko ang lipstick na iyon.  Hindi rin siya makapaniwala na may pirma at sulat pa iyon ni Asher kaya mangiyak-ngiyak siyang parang tanga noong nag-celebrate kami ng birthday niya sa Kim Sarang's Café.  Nakwento ko rin kay mama ang tungkol sa pagkikita namin ni Asher sa shop nito. Gulat na gulat si mama at para bang inagawan ko siya. Dahil mabait akong anak, pinaghatian namin iyong laman ng paper bag na ibinigay sa akin. Quits na kami.  NAGING maganda ang takbo ng isang buong buwan para sa akin. Sa wakas at natanggap na ako bilang assistant teacher doon sa tutorial center na nabanggit ni Ate Madel na sister-in-law ni Maylori Hindi ko alam na siya pala ang taga-hawak ng pera at taga-budget dito.  Ilang buwan din akong kuntodo sa paghahanap ng trabaho pero heto ngayon, isa na akong ganap na may pakinabang sa bayan! Hindi man minimum ang sahod pero ayos na rin basta may trabaho na akong mapapasukan. Kailangan ko kasing pag-ipunan iyong balak kong iregalo kay papa sa darating na Pasko—isang bagong wheelchair.  PWD kasi si papa. Naaksidente siya pauwi sa bahay at naputol ang binti niya. Ang lakas lang ng loob ni papa dahil hanggang ngayon ay may napapasukan pa siyang trabaho malapit lang sa amin.  Ngunit matapos ang isang buwan na iyon, heto ako ngayon. Mukhang tangang nakatayo sa saradong pinto ng tutorial center.  "Kuya, pwede bang 10 minutes pa?" pagmamakaawa ko kay Kuya Jigs.  "Chesca, alam mo naman rules dito sa subdivision, eh. Hanggang 6 P.M. lang ang mga outsider." Sumimangot ako sa kanya at tiningnan muli ang aking relo.  Ilang araw na akong pabalik-balik dito sa center dahil kailangan kong makuha iyong payroll ko noon pa dapat a-kinse pero hindi ko pa rin natataggap ngayon kasi bigla na lang nawalang parang bula ang dalawang may-ari at si Ate Madel. Ngayon ko tuloy naisip ang sinabi ni Maylori na masama ang kutob niya sa pag-aalok sa akin ni Ate Madel. Hindi ako nakinig sa kanya at nagpatuloy pa rin dahil nagbaka-sakaling akong papalarin sa pagkakataong ito.  Matapos kasi ang maayos na schedule ko at pagpapasweldo nila sa akin sa loob ng isang buwan, nabago at nagulo naman ito noong sumunod na 15 days.  Kung saan-saang lugar nila ako pinapunta hanggang sa nakarating na ako ng Novaliches kahit na sinabi ko na sa kanila noong una na hanggang Ortigas lang ang alam kong ibyahe.  Hindi rin bayad pasok ko ng Sabado at Linggo ko kahit na sila ang nag-insist na papasukin ako. Inuutusan kasi nila akong mamigay ng flyers sa Diliman buong maghapon kapag weekends.  Kaya heto ako ngayon na parang asong naghihintay kung kailan sila babalik. Hindi rin sila sumasagot sa tawag at text ko ni isang beses. Maski sa madaling araw na tatawagan ko sila ay hindi rin sil sumasagot.  "Hindi ko pa kasi nakukuha iyong sahod ko kuya." Malungkot kong sabi sa kanya.  "Naku, isa pang problema iyan." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.   "Bakit ho?" tanong ko.  "Isang buwan na silang hindi nakakabayad ng renta. Kabago-bago lang nila rito pero ganyan gagawin nila." Umiling-iling pa si kuya.  Bwisit! Mukhang malabo ko na ngang makuha ang sahod ko dahil hinding-hindi na sila dadayo rito.  Nagpaalam na lang ako kay kuya paalis at huminto muna sa paglalakad nang makalabas ako sa subdivision.   Singkwenta pesos na lang ang pera ko rito. Kung hindi ko titipirin ito, hindi ako makakauwi sa Marikina. Nakakainos dahol dumadagdag pa itong gutom at uhaw na kalahating araw ko nang tinitiis.  Delikado maglakad sa gabi ngunit wala akong ibang choice kundi gawin ito marating ko lang ang sakayan ng jeep sa Balara.   Ngunit wala pa ako sa kalagitnaan ng aking paglalakad ay naramdaman ko na ang kakaibang hampas at lamig ng hanging dumadampi sa aking balat.  Nagsimula na ring kumulog at kumidlat hudyat na malapit na ang ulan. Kitang-kita rin ang makakapal na ulap habang padilim na nang padilim.  Binilisan ko ang aking paglalakad at humanap ng waiting shed na masisilungan bago pa ako mabasa ng ulan.  Mabait pa rin sa akin si Lord dahol nakasilong na ako nang bumuhos ang malakas na ulan.  Naupo muna ako sa bakal na upuan at niyakap ang sarili sa lamig. Hindi kaya ng suot kong black hoodie jacket ang lamig nito. Maski ang laylayan ng leggings ko at doll shoes ay basa na rin dahil sa paghampas ng ulan sa direksyon ko.  Agad kong tinawagan si Maylori at baka pwede niya akong sunduin mula rito ngunit hindi ito sumasagot. Hindi ko rin pwedeng istorbohin si Monique ngayon dahil Biyernes at paniguradong nasa bar siya.  Sinubukan ko pang tawagan muli si Maylori nang ilang beses ngunit hindi niya talaga sinasagot ang tawag ko. Bahala nga siya diyan.  Napatingin ako sa biglaang pagtigil ng isang itim na Range Rover kung saan ako naroon. Grabe, ngayon lang ako nakakita nito sa personal pero napakaganda pala ng ganitong sasakyan. Napaka-astig tingnan at nakakagwapo kung sakaling lalaki man ang may-ari nito.   "Hey!" Dahan-dahan ang pagbaba ng bintana ng sasakyang iyon at unti-unti ko ring nakikita kung sino ang nagsalita.  Hindi ko inaasahang siya ang makikita ko sa gabing ito. Nakasuot siya ng manipis at puting v-neck shirt at navy blue na jacket.  Lumabas siya sa sasakyan at ibinuka ang payong na hawak. Naglakad siya patungo sa waiting shed kung nasaan ako at tinupi ang payong.  Parang guato kong sumigaw sa tuwa kahit na bwisit na bwisit ako ngayong araw dahil siya ang nakita ko.  "Hi," bati niya. Ngumiti siya ngunit hindi tumingin sa akin kundi sa langit.  "H-Hi?"  Grabe ang lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon. Buti na lamang at rumaragasa ang ulan kung hindi baka pati siya ay maririnig ang sunod-sunod na pagtibok nito.  "Bakit ka nandito?" Tanga-tanga talaga ako magtanong, eh. Hindi lang talaga ako makapaniwala na si Asher ang nandito sa tabi ko.  "Hindi ko nga rin alam, eh. Napahinto lang ako saglit kasi mukhang may nakalimutan akong bilhin tapos nakita kitang nakaupo rito." Tumango lang ako. Ayon naman pala.   "Ikaw, bakit ka nandito?" tanong niya saka umupo malapit sa akin.  "Uuwi na sana ako kaso biglang umulan."  "Saan ka ba umuuwi? Ihahatid na kita." Hmm. Mr. Nice Guy!  "Naku, hindi na. Ayos lang. Patitilain ko lang iyang ulan tapos maglalakad na ako," pagtanggi ko.   "Sige na. Saan ba? Baka kasi doon din ang punta ko," pangungumbinsi niya. Dahil mukhang desidido talaga siya, sumagot na ako, "Sa Marikina pa, eh."  "Saan doon? May bahay ako sa Parkland Estate." Napalingon ako sa kanya. Napakalapit noon sa amin!  "Sa Sampaguita Village." Tumango siya at tumayo.  Maya-maya, binuka niyang muli ang payong at sinabing, "Tara na. Kung hihintayin mo pa iyang ulan na tumila, baka hanggang mamaya ka pa diyan."  Tinignan ko ang aking relo at alas syete na ng gabi. Hindi na ako umarte pa dahil paniguradong nag-aalala na iyon sina mama. Tumayo ako at nakisukob sa payong niya. Binuksan niya ang shot gun seat at pinapasok ako sa loob.  "Bakit ka nga pala nandito ka sa Tandang Sora?" tanong niya habang nagda-drive. "Malapit kasi rito iyong pinapasukan kong tutorial center. Kaso kasi—" biglang naputol ang pag-uusap namin nang makita kong tumatawag si Maylori.  Nagdadalawang-isip pa akong sagutin ang tawag niya kasi baka itanong noon kung nasaan ako.  "Bakit hindi mo sagutin?" tanong niya habang diretso lang ang tingin sa daan.  "Ah. Hayaan mo. Si Maylori lang iyan." Wala pang ilang segundo ay napilitan akong sagutin ang tawag niya dahil sa ingay ng cellphone ko.  "Hello," bati ko.  "Bakla, sorry. Nakatulog ako. Anong problema?"  "Kailangan ko makausap si Ate Madel, Maylori. Ilang araw na akong pabalik-balik pero walang sumasagot sa kanila. Iyong sahod ko..." binulong ko ang huling pangungusap dahil nakakahiya na marinig iyon ni Asher.  "Sinasabi ko na nga ba, eh." Napapikit ako. Alam kong kagagalitan niya ako sa hindi ko pakikinig sa kanya at mukhang mahaba-habang lintanya ito. "Sorry na." Yumuko ako at hinilot-hilot ang sintido.  "Nasaan ka?" Napatingin tuloy ako kay Asher sa tanong niyang iyon. Napatingin rin ang lalaki sa akin habang nakahinto kami sa gitna ng traffic.  "N-Nasa..." Anong sasabihin ko? Nasa Range Rover? Kasama si Asher? Eh baka kung anong isipin nito. Knowning Maylori, sabihin ko lang na may kasama akong lalaki ngayon, maiintriga kaagad siya.   "Saan?" Mukhang hinihintay niya talaga ang sagot ko. "N-Nasa ano. Nasa jeep!" pagdadahilan ko. Nakita ko naman ang pagpipigil ng lalaki sa pagtawa.  "Ang tahimik naman ng jeep na nasakyan mo. Anyway, sige. Kakausapin ko siya ngayon. Kung hindi, ipapa-Tulfo natin sila." sabay patay niya.  "Diyos ko." Napasandal ako sa upuan at muling napapikit. Para akong na-stress nang husto ngayong araw.  "Ang ganda ng sinasakyan mong jeep," biro niya. Ngumiti lang ako nang alanganin pero gusto ko nang sakalin ang sarili ko sa mga oras na ito.  "Pasensya ka na. Iba kasi mag-isip iyon eh."  "It's alright." Ngumiti siya.  Nasa Riverbanks na kami nang mapahinto ulit dahil sa traffic. Kanina ko pa iniinda itong tiyan ko dahil sumasakit na rin ang ulo ko sa gutom.  "Okay ka lang?" Nilingon niya ako at tumango.  Biglang tumunog ang tiyan ko kaya nagkatinginan kaming dalawa. Tawa siya nang tawa habang gustung-gusto ko na murahin iyong sarili ko sa kahihiyan.  "Kumain na muna tayo." "Hindi. Huwag na. Kaya ko ito. Malapit na naman tayo," pagtanggi ko.  "It's okay. Gutom na rin naman ako."  Nagpunta kami sa Greenwich dahil iyon ang pinakamalapit doon sa Riverbanks. Mabuti na lang at wala masyadong tao sa lugar na iyon kaya mabilis lamang naluto ang in-order niya.  "Hala. Ang dami." Isang bucket ng fried chicken, lasagna, supreme pizzas, tapos hindi ko na alam iyong tawag sa iba dahil hindi naman ako madalas kumain dito.  "Let's eat." Nag-sign of the cross muna ako bago kumain at sumunod naman siya.  "Nakalimutan kong tanungin ang pangalan mo last time."  "Ah, Cheka—Francesca." Tumango siya.  "Enjoy, Chesca." Ako naman ang tumango at nagpatuloy sa pagkain. Sa sorang gutom ko, hindi ko na namalayan na nakatatlong pirasong manok na pala ako at kalahati noong pizza ang naubos ko.  Nang makita kong pinagmamasdan niya na lamang ako habang kumakain, agad akong nag-menor sa pagnguya at uminom ng iced tea.  "Pasensya ka na. Gutom na kasi talaga ako. Ayoko sana kumain sa labas kasi naghihintay sila mama sa akin sa bahay."  "Hmmm. Mag-order rin tayo para sa kanila."  "Huwag na."  "I am not taking a 'no' for an answer." Kumindat siya sa akin at tinawag ang waiter. Diyos ko, iyong puso ko. Aatakihin na yata ako. Kung manliligaw siya ngayon, sasagutin ko na siya kaagad.  "MARAMING salamat." Nandito na kami sa tapat ng bahay at hindi pa lumalabas sa kotse niya kasi parang ayoko na umuwi.  Akma akong lalabas habang bitbit iyong mga pina-take out niya ngunit napahinto sa kanyang sinabi, "Ako na magbibitbit niyan."  "H-Hindi. Okay lang." Ayokong makita siya ni mama dahil baka papirmahan niya kay Asher iyong isang rim ng bond paper na nasa bahay.  "I want coffee," sagot niya. "Sa 7/11 na muna tayo. Tara," yaya ko.   "Gusto ko iyong timplang bahay." Pursigido talaga siyang makapasok sa bahay namin.  "Fine. Pero may sasabihin muna ako sa iyo bago kita papasukin sa bahay." Humarap siya sa akin at lumapit ng kaunti. "PWD ang papa ko. Naputol iyong kaliwang paa niya hanggang tuhod kaya nakasakay siya sa wheelchair."  "I have no problem with that. I want to meet him," mabilis niyang sagot.  Diyos ko. Magkakagulo talaga sa bahay dahil sa gusto niya.  "Ma, nandito na ako." Dali-daling takbo nila mama sa sala nang marinig ang boses ko.  "Naku kang bata ka! Anong oras na?" sigaw ni mama. "Bakit ngayon ka lang, Chekay?" tanong naman ni papa.  "Good evening po." At lumabas sa aking likuran ang lalaking nagpaliwanag ng aming bahay.  Todo ngiti sila mama nang makita si Asher na kasama ako. Nagmano pa siya sa dalawa at inilagay sa mesa ang pagkain. "Para sa inyo po iyan. Pasensya na po at ginabi kami ni Chesca. Niyaya ko po kasi siyang kumain muna sa labas," paliwanag niya.  "A-Asher?" turo ni mama sa kanya.  "Iyong Montelumiere? Totoo? Montelumiere ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni papa. Nagtinginan pa silang dalawa at kinusot-kusot ang mga mata. Bakit, napakaimposible bang magkajowa ako ng ganito kagwapo? "Opo. Asher Justin Montelumiere po." Kulang na lang ay makalakad si papa sa saya nang sagutin siya ng lalaki. Si mama naman ay pinipigilan ang sariling yakapin at amuy-amuyin siya.  "Totoo? Totoo ito, anak?" nakangiting tanong sa akin ni papa.  "Kumain na ba kayo? May ulam dito." Biglang lumakas ang ulan at tumindi ang pagkulog.  "Kaso, aalis na po ako," pagpapaalam niya kila mama.  "Naku, may bagyo ngayon. Bukas ka na umuwi. Malaki ang kwarto ni Chekay." Kinindatan ako ni mama. "What?!" paghuhurumentado ko.  Inakay nila si Asher papunta sa dining area bitbit ang pagkaing dala namin at iniwan ako sa sala. Tinignan niya ako at ngumiti. Sumunod naman ako sa kanila at umupo lang dahil busog na ako.  Oh, God. This is going to be a long night for me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD