BUMALIK si Asher at Chesca sa simula. Simula bago pa nangyari ang lahat ngunit hindi na maaalis sa dalaga na mayroon siyang alam tungkol sa sikreto ng lalaki. Wala nang pakialam si Asher kung ipagkalat man ni Chesca sa buong mundo kung ano ang meron siya. Hindi niya alam pero nagising na lang siya ng isang araw na para bang okay lang sa kanya na nalaman ito ng babae. "Ready na po kayo, Mang Ricky?" masayang tanomg ni Asher habang hawak-hawak ang isang malaking bag na puno ng mga damit at iba pang gamit. Ngayon uuwi si Mang Ricky galing sa ospital. Kasama ni Asher si Chesca na nagbayad ng bill sa collections office kagabi upang malaman nito na tutupad siya sa kung ano ang sinabi niya. Bago pa man masabi sa kanya ng babae na natanggal ito sa trabaho, alam na niya iyon at hindi lang siy

