MARAHANG sinara ni Chesca ang pinto ng kanyang kwarto upang hindi makagawa ng ingay sa maaga niyang pag-alis. Isang backpack na puno ng gamit niya ang sukbit niya sa likod at nakasuot ng medyas ang mga paa upang maiwasan ang ingay sa pagbaba niya. Paniguradong tulog pa si Asher dahil alas singko y media pa lamang ng madaling araw. Kailangang umabot siya sa airport bago mag-alas otso dahil susunduin niya ngayon si Francois. Nang makalabas sa bahay ng lalaki, agad siyang nagmadali ng lakad palabas ng gate at hinintay si Maylori sa kanto. Yakap-yakap niya ang sarili at nanginginig dahil sa lamig na hatid ng hangin. Mayamaya’y nahinto sa harap niya ang kotse ni Maylori. Agad siyang sumakay sa loob nito. “Good morning,” masayang bati ng babae sa kanya. Ngumiti lang siya bilang sagot

