“IT’S been a while, Francesca. Kumusta ka? Kumusta ka nang mawala ako?” Dalawa na lang sila ngayon ni Francois na tumuloy sa lakad dahil biglaang pinabalik si Maylori sa opisina kung saan ito nagtatrabaho. Kailangan mong maging tapat, Chesca. Sabihin mo sa kanya lahat. Kahit masaktan siya, ikwento mo lahat. “Hindi naging madali sa akin ang pag-alis mo, France. Sa totoo lang, gusto kong magalit sa iyo noong mga panahong kailangan kita pero wala ka sa tabi ko,” prankang sabi niya. “Mula noong unti-unti mong hindi sinasagot ang mga e-mail ko, dumistasya ako sa mga tao. Tanging sina Mama at Papa lang ang kinakausap ko. Kinukumusta ka nila sa akin pero anong sasabihin ko? “No’ng naaksidente si Papa at naging PWD, gustong-gusto kitang tawagan. Gusto kitang kausapin pero ni hin

