KABANATA 4

2355 Words
"LEAVE. Huwag na huwag ka nang magpapakita sa akin simula ngayon. Ayaw na kitang makita," utos ni Asher kay Chesca matapos nitong umiwas nang tingin. "O-okay. Sige..." Iyon lang ang nasabi ni Chesca. Nakita ng binata ang mahigpit na paghawak nito sa strap ng suot na shoulder bag bago pinihit ang pinto at lumabas. Tuluyan siyang napasandal sa lababo pag-alis ni Chesca. That was an unexpected move from him. It's just like the old days with Diane. Ayaw niyang ikumpara si Chesca kay Diane ngunit ganitong-ganito sila na nagsimula noon. At sa pagkakataong ito, hinding-hindi siya papayag na mangyaring lahat iyon—ulit. Lalo na't may koneksyon din si Chesca kay George na parehong naging ex-boyfriend ng dalawa. Binuksan niya ng gripo at naghilamos upang mahimasmasan siya sa ginawa niya kanina. Alam niyang masama ang mga nasabi niya. Sinadya niya iyon para magalit sa kanya ang babae. Gusto niyang kamuhian siya nito upang hindi na sila nagkita pa. Ngunit napahinto siya sa paghihilamos. Mukhang wrong move ang ginawa niya. "Oh, f**k!" Halos masuntok niya ang salamin sa naisip. "Paano kung sabihin niya sa mga magulang niya? Paano kung..." aniya sa sarili. Iiling-iling siya habang iniisip ang mga posibleng mangyari. Agad niyang sinara ang gripo at nagpunas ng tuwalya. Inayos niya ang mga gamit at lumabas ng banyo. Napahinto siya sa gulat nang biglang makita ang pinsang si Lucas na nasa harap niya. "Oh, nandiyan ka na pala. Hindi ka man lang nagsabi," ani nito na may dalang tray na wala nang laman. Hindi siya sumagot. Nag-isip muna siya nang ilang minuto kung sasabihin ba ito sa kaharap o hindi. Napabugtong-hininga siya. "Lucas...I have a problem. Would you mind talking to me for a sec?" Kumunot ang noo ni Lucas. Iniisip niya kung tungkol ba sa negosyo ang pag-uusapan nila dahil sa napakaseryosong mukha nito. "S-sure. In my office." Tumango at sinundan siya ni Asher paakyat sa opisina. "What's the problem? Bakit ganyan ang mukha mo? Si Chesca, bakit biglang umalis?" sunod-sunod niyang tanong nang maisara niya ang pinto. Nagmamadali itong ikuha ang pinsan ng tubig dahil halata niya ang pagkabalisa sa mukha nito habang si Asher naman ay naupo sa couch. "Yeah. It's about her..." Hinilot-hilot nito ang kanyang sintido. Titig na titig ito sa kulay abong tiles na sahig dahil sa paulit-ulit niyang naaalala ang mga sinabi kanina. "Oh, wow! So you're dating Chesca and not Shanaia? That's a very good news 'cause personally, I didn't like her for you. Masyado siyang bratty. Bakit naman pala magiging prob—" "I am in trouble." Natikom ang madadal nitong bibig sa sinabi ni Asher. "Bakit nga? Ano ngang problema?" pangungulit ni Lucas sa kanya. "She knows what I am hiding." Isinuklay ni Asher ang kanyang buhok gamit ang mga palad saka pinanghilamos ito sa kanyang mukha. Isa lang ang hindi dapat mangyari— ang maipagkalat ni Chesca ang lihim niya kahit na kanino lalo pa't kilala ng pamilya nito kung saang angkan siya galing. Hindi lang iyon. Napag-alaman niyang maraming kakilala ang ina nitong si Aling Susan na investors at kliyente nila. "P-pwedeng pakiulit mo? Nabibingi ako sa sinasabi mo," biro pa nito sabay kalikot nito sa tainga. "Pwede bang tulungan mo na lang ako?" Hindi maipinta ang mukha niya. Asher and Lucas are partners in crime. Wala silang problema na hindi nasosolusyunan. Kung may problema si Lucas, siya ang taga-resolba ng problema nito—vice versa. Pero sa problema ni Asher ngayon, mukhang hindi makakatulong si Lucas. Hindi rin nito alam kung paano mareresolba ang pagkakaalam ng sikreto ng pinsan. "Teka, ano bang nangyari? Baka sakaling matulungan kita kung malalaman ko ang mga detalye." "I was in a hurry. Naiihi na talaga ako kaya dire-diretso ako sa comfort room. Paglabas ko sa cubicle, nagbihis ako ng damit. Then, she suddenly came and saw my scar..." Si Lucas naman ang napahilamos. This is a serious topic for them—para sa angkan niya. Oo, napakasimpleng peklat lang iyon. Pero may istorya iyon na hindi dapat malaman ng kahit na sino dahil mangnganib ang pinakaiingatang pangalan nila. "You need to help me on this, Lucas. I am begging you. If the media will about know this, we'll all be dead in an instant!" bulalas niya. Hindi dapat big deal ito pero once na may makaalam na competitors o may inggit sa mga Montelumiere, mati-trigger nitong lahat ang mga kontrobersya at isyu na magpapabagsak sa angkan nila. Napakaimposible rin na hindi ito pansinin ng mga tao dahil sa laki at haba ng latay na iyon, paniguradong magtatanong ang mga iyon kung saan at paano ito nangyari. "Hindi ko rin alam kung paano kita tutulungan. Maski ako nagpa-panic sa sinabi mo. My God! Bakit mo hinayaang magkaganito?" Hindi na siya sumagot. "What are we going to do?" Paroon at paritong naglalakad si Lucas habang nag-iisip kung ano ang gagawin. Si Asher man ay magulo rin ang utak sa ngayon kaya tahimik lang siya sa isang tabi. "Ewan. Hindi ko alam. Basta, hindi dapat nila malaman ang tungkol sa akin, Luke. Or else, I will be living in hell—forever." Nagkatinginan silang dalawa. Ayaw niya ring madungisan ng napakagandang reputasyon ng ama pagdating sa negosyo. Ito na rin ang naging buhay niya. Masasayang ang lahat ng kanyang pinaghirapan kung ngayon pa ito mangyayari. "Si Tito Six baka makatulong. Or si Kye? Si Janus?" suhestyon si Lucas. "Huwag mo silang idamay rito. Baka mas lalong magulo ang sitwasyon kung malaman nila ang tungkol dito," aniya. "Wait..." Napatingin si Asher sa pinsan habang tinatabihan siya nito sa mahabang sofa. "What happened next? Anong ginawa ni Chesca? Nag-hysterical ba siya? Nagulat?" sunod-sunod na tanong nito. "She..." Huminga muna siya nang malalim bago tinuloy ang sinasabi. "She did what Diane did years ago," malungkot niyang pahayag. Tila hindi naman makapaniwala si Lucas sa sinabi niya. "...and what did you do? Ano iyon? Nag-reincarnate si Diane sa kanya? Patawa ka?" Alam na ni Lucas kung ano ang susunod na sasabihin niya ngunit gusto lang nitong makasiguro na hindi iyon ang babanggitin niya. "I...I did the same. I pushed her away like what I did to Diane." Hindi ito umimik. He already see this coming. "Oh, God." He tapped Asher's shoulder. "Why don't you talk to her before it's too late?" "Hindi ko alam. Plano ko na sigawan siya at ipagtabuyan para hindi na kami magkita pa pero nagkamali ako sa ginawa kong iyon." "Bakit?" "Maraming nalalaman ang magulang ni Chesca tungkol sa angkan natin. Mayroong mga kaibigang mayayaman ang mama niya na hindi malabong kasosyo natin sa negosyo," sagot ni Asher. Totoo iyon. Kaya kailangan niyang magdoble-ingat. Hindi naman sa i-na-underestimate niya ang pangako sa kanya ni Chesca pero posible kasing maikwento nito sa magulang ang nangyari ngayong araw—lalo na sa ginawa niya. Kung kailan naging close na siya sa mga magulang nito, saka naman nangyari ang bangungot na ito. "This is really a headache." Tumayo si Lucas at pabagsak na umupo sa swivel chair. Ilang minuto silang dalawa na tumahimik at nag-isip-isip. Pagod na si Asher ngayong araw tapos dumagdag pa ang problemang ito. Napakaswerte niya lang dahil hindi siya nagkakaproblema sa negosyo dahil kung hindi, baka hindi niya na talaga alam kung ano ang uunahin. Tumayo siya at sinukbit ang leather jacket sa braso. Napatayo naman si Lucas nang makitang nag-aayos siya. "Where are you going?" tanong nito. "Home. I am tired, Luke. Matutulog muna ako. Baka paggising ko, may solusyon na ako sa problemang ito." Hindi na siya nagpaalam kay Lucas at agad binuksan ang pinto upang umalis. "Hindi ko alam kung saan pumunta. Bigla na nga lang umalis kanina. Hindi man lang siya nagpaalam sa akin." Narinig niya pang nag-uusap sina Maylori at Lorice nang makababa. Bago pa man siya makita ng mga ito, dali-dali siyang lumabas at sumakay ng kotse. Habang nasa kahabaan ng traffic, naisipan niyang tawagan si Brandon. Magbabaka sakali siyang matutulungan siya nito. Agad niyang i-di-nial ang number nito at nilagay sa tainga ang bluetooth headset. "Sir, nakauwi na po kayo?" bungad na tanong nito nang sagutin ang tawag niya. "Not yet. I am on my way home. Pwede ka bang pumunta sa bahay saglit? I need your help," pakisuyo niya. "Is there any problem, Sir?" "Well, yes. But I'll tell it to you later. I am driving." "Okay, sir." Tinapon niya ang headset sa katabing upuan at sumandal. Alas sais y media na nang makauwi siya sa bahay. Naunahan siya ni Brandon dahil nakita na niya ang motorbike nitong nasa garahe. "Good evening, sir," masayang bati nito nang makaakyat siya. Lalo siyang ginutom sa naamoy niyang niluluto nito. Yayayain niya dapat talaga kanina si Chesca na kumain sa labas dahil noong papunta pa lang siya ng Kim Sarang's, tinawagan na siya ni Lucas at sinabing naroon ang babae. "Have a seat, sir. Kain na." Nilapag ni Brandon ang dalawang platong may laman ng niluto niya. Nagdagdag pa siya ng parmesan cheese sa ibabaw dahil iyon ang paborito ni Asher. "You don't have to do this, Brandon but thank you so much." Kinuha niya ang tinidor at hinalo ang nasa plato. Pansin ni Brandon na napakatahimik pa rin ng bahay nito. Everything is in place but it's kind'a dusty and gloomy. "Sir, wala pa kayong nahahanap na kapalit ni Marides?" tanong nito habang kumakain. "Alam mong wala akong panahon para maghanap ng kapalit niya." Anim na buwan na mula noong nagpaalam itong aalis na. Malapit na ang kabuwanan ni Marides kaya pinayagan na ito ni Asher na mag-resign dahil balak nitong sa probinsya manganak. Mula noon, naging malungkot na ang bahay ni Asher. Dinadala niya na lang every weekends ang labahin sa laundry shop kahit na mayroon siyang automatic washing machine with dryer. Sa labas na siyang kumakain mapa-umaga, tanghali o gabi kahit na napakaraming pagkain na naka-stock sa refrigerator niya. Bumili na lang rin siya ng cleaning robot para maglinis ng bahay. "By the way, like what I said, I need your help." "Tungkol po ba saan?" "It's about Chesca..." "Oh, that girl. What about her?" "She knew about this." Tumuro siya sa likod. "She accidentally opened the door while I am changing clothes." Tumango si Brandon na kalmadong pinapakinggan ang kanyang salaysay. "I see. Nag-aalala kayo dahil baka ipagkalat niya ang nakita niya, tama?" Tumango si Asher. "Sir, you don't need to worry about it. I felt that Chesca is different from other girls," pagpapakalma nito. "I know that. Kaso..." Uulitin na naman niya ang sinabi kay Lucas kanina. "May kakilala ang mama niya na kliyente natin." "Kapag nasabi iyon ni Chesca sa nanay niya, posibleng end of the world na para sa ating lahat," dagdag niya. Hindi naman sa j-ina-judge niya ang pamilya ni Chesca pero nag-iingat lang din siya para sa pampamilyang kapakanan nila. "I understand." Inayos ni Brandon ang kanyang salamin at tumahimik saglit. "Bakit hindi na lang siya ang gawin ninyong kasambahay?" suhestyon ni Brandon na siyang nagpakunot sa noo ng lalaki. "At least, mababantayan nyo ang kilos niya. Kung mapapalayo siya sa magulang niya, mababa ang tyansang masabi niya iyon," payahag ni Brandon. Unti-unting ninanamnam ni Asher ang ideyang iyon ng assistant. Biglang nagliwanag ang mukha niya nang maisip na napakagandang ideya noon. Kontrolado niya ang magiging kilos ni Chesca kapag nandito na ito sa bahay niya. Hindi talaga siya nagsisising dumating ito sa buhay niya upang tulungan siya sa lahat ng bagay. "Pero, taasan nyo ang sahod niya para hindi siya makatanggi. Mahirap lang ang buhay nila at paniguradong doon sila kapos. You'll hit two birds in one stone: safe na ang sikreto mo, nakatulong ka pa sa kanila." Tuloy-tuloy sa pagtango si Asher habang pinapakinggan ang suhestyon ni Brandon. "You are good with this, Brandon." Tinapik niya ito sa braso at ngumiti. "Thank you." "You're welcome, sir." Matapos ang isang oras na pakikipag-usap kay Brandon, pinauwi niya na ito dahil lumalalim na ang gabi. Gusto niya na ring pagpahinga nang maaga ito ang isa sa mga napakahabang araw para sa kanya. Umakyat siya sa kwarto at naghubad ng damit. Minsan gusto niyang mag-leave ng isang linggo dahil sa pagod at puyat pero hindi naman niya magawang iwan ang kumpanya kay Brandon. Oo, may mas experience ang lalaki sa kanya dahil may sarili rin itong business na pinapatakbo pero hindi lang siya mapalagay na sa iba niya itatagubiling saglit ang kumpanya para makapagpahinga. Binuksan niya ang shower at hinayagaang dumaloy ang malamig na tubig sa kanyang buong katawan. Mariin siyang napapikit nang makita ang pagluha ni Chesca bago siya umalis noon. Napasuntok siya sa tiles na dingding kapag naaalala ang pinakamaling desisyon na ginawa niya. Kitang-kita niya rin ang pagkakapareho nila ni Dianne noong mga panahon na iyon. Bukod sa suhestyon ni Brandon, kailangan niyang makaisip ng sariling paraan kung paano niya ito haharap matapos ang nangyari ngayong araw. Napalingon siya sa mesa nang marining ang pagtunong ng kanyang cellphone kaya pinihit niya muna ang shower upang huminto ito. Kinuha niya ang bath towel na nakasabit at pinulupot ito sa kanyang baywang. Tagaktak ang tubig na tumutulo mula sa kanyang ulo patungo sa hubad na katawan nang lumabas sa banyo. "Hello.." "Sir, may problema tayo." Bahagya siyang nakaramdam ng kaba noong mahimigan kung sino ang kausap niya sa kabilang linya. "Bakit? Anong nangyari?" "Nag-cardiac arrest po siya." Nangatal siyang bigla sa narinig. Tila nahinto ang utak niya sa pag-iisip. "Sir…" Muling tawag sa kanya ng lalaki. "H-how…how is he now?" Napasuklay siya ng buhok dahil sa pagpa-panic. Biglang tumahimik sa kabilang linya. Ngayon siya dumalangin na huwag munang mapurnada ang ni isa man sa mga plano niya dahil nagsisimula pa lang siya. "He's fine now. Kare-revive lang sa kanya. He's in stable condition." Kulang na lang ay mapa-usal siya ng "Thank you, Lord" sa narinig. Ilang minuto rin kasing hindi nagsalita ang lalaking kausap niya. "Okay. Keep me updated." He ended the call. Bumalik ulit siya sa shower at binuksan ito. Halos mabasag ang tiles sa dingding ng banyo dahil sa lakas ng pagkakasuntok niya rito. "Hindi pa panahon para mamatay ka." gigil niyang sabi. Sumabay ang pagtulo ng dugo sa pagdaloy ng tubig sa kanyang kamao. "Just hang in there."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD