GULONG-GULO na naman ang isip ni Chesca sa mga pangyayari. Tuwing may nangyayaring maganda sa kanya ay palagi na lang itong mabilis na nawawala. Nanginginig ang mga mata niyang nakatitig pa rin sa gulat na gulat na si Asher. Wala sa hinuha nitong malalaman agad ng babae ang tungkol sa binalak niya. "Chesca, please. Ngayon ka maniwala sa akin. Ilang linggo ko nang pinamamanmanan iyang lalaking iyan sa ospital ng pinsan ko," ani Asher. Ang daming gumugulo sa isip niya. Napaisip din siya kung bakit siya sinusundan ng lalaking iyon. Wala siyang natatandaang nakabanggaan nila sa utang liban kay Aling Juaning pero tapos na iyon at naayos na. "Chesca..." mahinang tawag ni Asher dahil nakita niyang nasa malalim na pag-iisip na ito. "Paano sina mama? K-kung totoo man 'tong pinagsasasabi m

