"M-MR. GUILLERMO, let me explain first. Hindi ko naman alam na darating siya. Promise, wala po akong kaalam-alam." Halos lumuhod na siya sa harap ng CEO para lang bigyan siya ng pangalawang pagkakataon. Napakalaking kawalan si Chesca sa firm kung sakali mang totoo ang sinasabi ng naturang CEO. Siya ang nagbangon ng kumpanya sa lusak. Apat na taon din siyang walang pagod sa katatrabaho upang mailinya ito sa mga bigating kumpanya na kumakalaban sa kanila. "Francesca, I am so disappointed. Hindi mo ba narinig kung paano ako sagot-sagutin noong nobyo mo? Kung ako lang, ayoko naman talagang tanggalin ka. Alam ko naman na hindi ikaw ang may kasalanan. Kaso, nakita ng mga kliyente ang nangyari kanina," saad nito. "Muntik pa tumawag ng mga pulis iyong dalawang Amerikano. Mabuti na lang, duma

