KANINA pa inis na inis si Chesca sa pagtunog ng cellphone niya. Hindi niya naman pwedeng i-silent mode ito dahil baka biglang tumawag si Asher at may kung anong iutos sa kanya. Halos putol-putol ang paggawa niya ng gawaing-bahay kada mag-ri-ring ito. Bwisit talaga! Nanggigigil niyang sinagot ang tawag. "Hello. Kung sino ka mang Hudas ka, huwag kang mang-istorbo ng taong nagtatrabaho. Umagang-umaga ka mag-prank. Nakakaloka ka!" Matapos niyang magsalita ay agad niyang pinatay ang tawag at ibinagsak ang cellphone sa mesa. Kanina kasi ay pinapakinggan niya lamang kung may magsasalita ba sa kabilang linya bago siya magsalita ngunit tahimik iyon. Ilang beses niya ring sinagot ang tawag ngunit wala talagang sumasagot. Napahinto siya sa pagsasalansan ng mga plato dahil sa biglang pagbil

