NAGTULOY-TULOY ang ilang araw na pagbisita ni Shanaia kay Asher. Araw-araw itong nasa bahay ng lalaki na ikinainis ni Chesca dahil pumapayag si Asher na utus-utusan siya ng babae. Ngayon nga ay naghuhugas siya ng platong pinagkainan ng dalawa. Katatapos lamang nila kumain ng tanghalian at nagsisimula na namang utusan siya nito. "Hindi ka pa ba tapos?" tanong sa kanya ni Shanaia nang magpunta ito sa lababo. Hindi siya umimik at nagpatuloy lang sa ginagawa. Hindi niya rin masyadong pinapansin si Asher dahil para bang okay lang sa lalaki ang ginagawang pang-aasar ni Shanaia nitong nakaraang araw. Umiiwas siyang magtagpo ang landas nila dahil baka murahin niya lang ang lalaki mula ulo hanggang paa kaya nauuna siyang umakyat sa taas kapag paalis na ang babae. "Pagkatapos mo riyan, lini

