"WALA pa rin bang lead kung sino iyong lalaki?" tanong ni Chesca kay Asher habang pinapakain siya nito ng lugaw. Nagtinginan silang dalawa habang nahinto si Asher sa paghalo ng lugaw dahil sa tanong niya. Walang araw na hindi siya inasikaso ng lalaki. Maski sa pag-inom nito ng gamot ay nakabantay si Asher. Naroon din si Maylori at Lucas upang bantayan siya ngunit hindi araw-araw. Tatlong araw na siyang nasa ospital at walang kaalam-alam ang mga magulang niya kung ano ang nangyari sa kanya. Ayaw niya na rin itong sabihin dahil natatakot siya na baka may mangyari na namang masama kay Mang Ricky kagaya ng naisip ni Asher. "A-actually, may lead na kung sino ang gumawa niyan sa iyo pero kailangan pa ng matibay na ebidensyang siya nga iyon," pahayag ni Asher. "Eh sino?" "Ah, Chesca

