WALA pang ilang minuto ay dumating na ang ambulansya. Agad inakyat ang strecher upang doon ilagay si Chesca at sinakay sa ambulansya. Agad niyang tinawagan si Brandon at mabilis naman itong nakapunta sa bahay ng lalaki. "A-anong nangyari?" tanong ni Brandon kay Asher. Nagulat siya sa dami ng mga taong naroon. May mga pulis na ring dumating at iniimbestigahan ang crime scene. "Chesca has been shot. I need to take her to the hospital. Nagbigay na ako ng statement sa mga pulis. Please, pakiasikaso muna ito para sa akin. Pagkatapos, pumunta ka sa ospital." Hinawakan siya ni Asher sa balikat at tumango siya bilang sagot. Tahimik sina Asher, Lucas, Kye, at Six na nakaupo sa waiting area ng ospital habang hinihintay na matapos ang operasyon ni Chesca. Hindi niya maisip na gagawin iyon ng

