MULING sinilip ni Gibson kung babalik pa ba ang pinakabatang Montelumiere ngunit ni kaluskos mula sa labas ay wala na silang narinig. Nadama ng lalaki ang magaspang na bahagi ng papel kaya naman binuklat niya ito. Ang tanging ilaw lamang nilang dalawa sa basement sa tuwing sasapit ang gabi ay ang liwanag na naggagaling sa isang poste ng ilaw mula sa hindi kalayuan. Itinaas pa ng lalaki ang hawak na papel ngunit puro butas-butas lang nakita niya roon. "Anong sabi?" Lumapit na si Shanaia sa lalaki at tiningnan ang hawak nitong papel. "Magaspang lang. Walang nakasulat. Ni lead galing sa lapis, wala." Ibinigay niya iyon sa babae. Napapikit si Shanaia. Pinakiramdaman niya kung saan patungo ang mga sunod-sunod na pattern ng mga butas at saka niya idinilat ang mga mata. "It's a code. A

