UMALIS kaagad sina Asher at Chesca nang dumating si Brandon sa Kim Sarang's. Sinabihan niya rin ang assistant na sumunod sa kanila sa ospital pagkatapos maisara ang cafe ni Lucas. "A-Asher, pwede ba tayong magdahan-dahan? Baka hindi tayo umabot sa ospital nang hindi nagagasgasan 'tong kotse mo," ani Chesca na kapit na kapit sa seat belt niya. "Sorry, honey, but we need to hurry. Hindi ko alam kung anong madaratnan natin kung magbabagal pa tayo." Ipinarada kaagad ni Asher ang kotse niya sa gilid ng ospital kung saan hindi siya makakasagabal sa mga ambulansyang papunta at paalis. Lakad-takbong pinuntahan ng dalawa ang labas ng operating room kung nasaan si Landon. Nakita niya roon sina Lucas, Mikhail, at Six na duguan ng kulay puting v-neck shirt. Nakaupo ito sa isang metal bench at

