KABANATA 13

1838 Words

KAHIT umaandap-andap at nag-iiba ang mga kulay ng ilaw sa lugar, napakaswerte ni Maylori dahil dumating na ang taong paniguradong makakatulong sa problema niya. "You are Maylori, right?" Siningkitan pa siya ng mata nang lalaki dahil hindi nito masyadong makita ang mukha niya. "O-oo, Asher. Thank you, Lord! Salamat at pina-deliver ka kaagad ni Lord." Pinagdaop pa niya ang mga palad niya at ngumiti sa lalaki. "Why? What happened? Sino pala ang kasama mo?" tanong nito. "Si Chesca..." Napahinto ng paglapat ang labi ni Asher at ng baso noong marinig ang pangalan ni Chesca. Muli niyang nilingon si Maylori at tumayo. Gusto lang namang magpakalasing ni Chesca ngayong gabi. Kahit ngayong gabi lang, gusto niyang kalimutan ang lahat ng problema niya. Bukas niya na ulit iindahin ang lahat.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD