KASALUKUYAN... Hindi pa man sumisikat ang araw ay gising na si Chesca. Isang linggo matapos nilang tuldukan ni Asher ang pagkakaibigan nila nang dahil lamang sa nakita niyang pilat nito sa likod, nagbago bigla ang buhay niya. Nagpakawala siya nang malalim na hininga bago umiba ng pwesto. Simula noon, para siyang nawalan ng kaibigan. Hindi pa man sila gaanong katagal nagkakilala ji Asher ngunit nang dahil sa lalaki ay biglang naging memorable ang bawat araw na aksidente silang dalawa na magkikita kung saan man. Para bang naging mabigat ang paggising niya sa bawat umaga. Kahit na may katagalan na ang nangyaring iyon, dinamdam niya talaga iyon nang husto. Para bang pinagtagpo sila ng tadhana na magkita sa lugar na iyon upang saluhin siya sa kamalasan. Pero wala na ang lalaking iyon

