“He should be there. Kailangan ko rin siyang masermunan mamaya.” Biglang nabura ang mga ngiti niya habang nakatingin sa lola niya. Seryoso ba itong pagagalitan nito ang asawa niya? Dahil sekreto silang nagpakasal at ngayon ay buntis na siya? “Just kidding. He should be there coz he’s the father. And I really need to talk to him.” Napatango na lang siya sa lola niya. Hindi naman siguro nito sasaktan si Zeke dahil alam nitong masasaktan din siya. So that afternoon, pagkagaling sa restaurant ay dumiretso na sila sa clinic ng kakilalang ObGyne ng lola niya. Nauna pa nga roon si Zeke at nagtataka itong sumalubong sa kanila sa labas although halata sa mga mata nito ang sumisilip na tuwa at pag-asa. Siguro ay may idea na ito kung bakit naroon sila. And she too is hoping hard na sana nga a

