“Siguro naman ay matutupad na next month ang engagement party.” Anang Mommy ni Francis na nasa kanila ngayon. Nagtungo roon ng gabing iyon ang pamilya ni Francis para raw pag-usapan ang gaganapin nilang engagement party. “Magaling na si Steph, Leona, kaya siguradong matutuloy na ang engagement party nila ni Francis.” Sabi naman ng Lola niya. Magaling na ang katawan niya pero hindi ang isip at puso niyang naguguluhan pa. Pero hindi na lang siya nagsalita dahil ang saya-saya ng mga nag-uusap at sabi naman ng Lola niya ay siya mismo ang pumayag na ma-engage kay Francis. Maybe she really loved him only that she can’t remember it yet. “Wala na sanang maging problema. Kung hindi naaksidente si Steph, last month pa sana nai-announce ang engagement nila.” Sabi naman ng Lola ni Francis. “It’s

