***** "Promise me that you will never discuss any of these to anybody—including your husband." "I promise, Dreya. But please— kailangan mo ring sabihin kay Kane ito." "I can't. After all, siya ang may kasalanan ng lahat." "Hindi niya alam, Dreya. At kapag nalaman niya ay siguradong hindi niya hahayaang mangyari sa'yo ang bagay na iyon. Hindi niya hahayaang mapahamak ka." "Huli na ang lahat, Luna. Nangyari na ang nangyari." ***** Hindi maiwasan ni Dreya na alalahanin ang pag-uusap nilang iyon ni Luna matapos nitong makita ang mga bagay na dapat ay sikreto lang niya—nila ni Sloven. Oh God, sa nakalipas na mga araw ay hindi na niya naitatago ng maayos ang sikreto niya. Bakit kung kailan muli silang nagkita ni Kane ay nabunyag na sa mga tao sa paligid niya a

