We were given a short break from the performances. Nagpa-games muna ang host kaya naman iniwan ko muna ang dalawa kong kasama sa tech booth. Bumalik ako sa tent ng mga staff na matatagpuan sa likod ng stage para makakain dahil ‘di ko na talaga kayang tiisin ang gutom ko.
Mabuti na lang at walang ibang tao rito dahil lahat ay nasa labas, abala sa paghahanda para sa natitirang performances ngayong gabi.
Pagpasok sa tent, una kong hinanap ang lamesa para sa mga pagkaing dumating kaninang lunch na naka-styrofoam take out containers. But as expected, pang-dinner na lang ang inabutan ko.
Malamang ay may dumoble na naman ng kain kaninang lunch kaya walang natira. Madalas itong gawin ng mga marshals dahil kulang sa kanila ang dami ng isang serving.
Sinabihan ko na rin kasi sina Sir Edward at Luigi na sobrahan ang food pax, pero hindi sila nakinig at sakto pa rin sa bilang ng mga tao ang inorder. Palagay ko’y hindi na naman nila na-prioritize maglagay ng malaking budget sa pagkain.
Bumuntong-hininga na lang ako. Kumuha ako ng isang Styrofoam na pang-dinner ko na at naupo sa bakanteng lamesa. Dito’y nagsimula akong kumain nang payapa.
Dahil break naman, nagkaroon ako ng pagkakataong tingnan ulit ang phone ko. Kaya naman sumilip ako sa group chat namin ng mga kaibigan ko na kagabi pa noong huli kong nakita.
Natawa ako dahil tuloy-tuloy pa rin pala ang pangta-trash talk nila kay MJ. It seemed like they were trying to provoke him para sumagot ito sa kanila. But so far, they have no luck.
Wala akong natanggap na bagong text message galing kay MJ pero may sunud-sunod naman siyang chat sa akin. Kaya dito ako sunod na nagpunta.
Kaya pala marami siyang chat sa akin. He sent me pictures of apartments, condo units, and rooms. Sinabi niyang ito raw ang mga pinagpipilian niya ngayon na nahanap niya online. Tinatanong niya ngayon ang opinyon ko kung ano ang maganda sa lahat para raw bago niya puntahan isa-isa.
Mabuti naman at nakinig siya sa suhestyon ko kagabi. Nagsimula na siyang tumingin-tingin ng lugar na pwede niyang malipatan.
Susubukan ko na sanang silipin isa-isa ang mga pinadala niyang pictures. Ayon lang ay nag-send pa siya ngayon lang ng picture niya habang nakahiga sa sala ng unit ko.
MJ: Pero the best pa rin tumira rito.
Ito pa ang sinabi ni MJ kaya napailing na lang ako. Mukhang gusto pa rin niyang ipilit ang pagtira sa condo ko.
Sa totoo lang, hindi naman ito ang unang beses na natulog siya sa unit ko. There were a few times when I allowed him to sleep at my place before. Pero for emergency purposes at isang gabi lang. Matagal na rin ito kaya parang ancient history na para sa akin.
Halimbawa na lang ay kapag may labas kaming magkakaibigan at marami siyang nainom para bumyahe pabalik ng Batangas, I let him crash on my sofa.
I was also willing to take him in when a work-related event ended so late and he needed a few hours of sleep.
Wala namang problema dahil maluwag ang sala ko. Pero ibang usapan na kasi ang gusto niyang mangyari ngayon.
He wants to live in my unit. It’s not just for a few hours or one night. I have to stay with another living thing every day. It would be a big adjustment on my part. At hangga’t maaari ayaw kong nagbabago ang bagay na naplano ko na.
Pinindot ko na ang isang picture ng apartment na pinadala niya—
“Oh! Ibang klase. Ang aga mo namang kumain ng hapunan. Nauna ka pa sa mga artista,” nag-angat ako ng tingin pagpasok ni Direk Alfie sa tent. Muntik na akong mapairap pero buti at mas unang umangat ang magkabilang dulo ng labi ko.
“Actually, lunch ko pa ito, direk,” maayos kong sagot sa kanya. Tutal ay maayos pa naman niya ‘kong kinakausap kahit papaano.
“Ay talaga ba? Ngayon ka pa lang kumakain ng lunch? E sinong tao ngayon sa tech booth?” He asked. It was more like a sarcastic remark coming from him. Kumuha pa siya ng upuan at tumabi sa akin. Nagtama ang mga braso namin sa sobrang lapit niya.
Ngunit dahil nasisikipan, umusod ako sa lamesa para bigyan kami ng space. Ang lawak-lawak naman kasi sa loob ng tent, hindi ko alam kung bakit nakikisiksik siya sa pwesto ko.
“Nanduon naman si Irene kasama ang intern namin. Pero don’t worry, tapos na rin naman akong kumain kaya babalik na ‘ko,” pagsisinungaling ko. Nakakadalawang subo pa lang ako nang dumating siya.
At mukhang napansin nga ito ni Direk Alfie. “Tapos na? Parang ‘di pa nagagalaw ang pagkain mo ah. Kung may tao naman sa booth, okay lang. Dito ka muna.” Biglang naging mabait ang pananalita niya kaya tuloy kinutuban ako ng masama.
It scares me when people I don’t like suddenly become nice toward me because it usually comes with a price.
“Ah hindi na, direk. Busog na ‘ko.” Nainis ako sa katawan ko dahil saktong kumulo ang tyan ko nang sabihin ito. Napatingin tuloy si Direk Alfie sa tyan ko at humalakhak. Tumikhim naman ako at nag-iwas ng tingin.
Nakita kong kumuha siya ng isang styro. Akala ko para sa kanya pero inilagay pa niya ito sa harapan ko. “Ayan. Kainin mo na rin ‘yung sa ‘kin. Baka gutom na gutom ka.”
“No, it’s fine. I don’t like the food anyway,” sabi ko pa at tatayo na sana nang hawakan niya bigla ang balikat ko.
“Teka muna. Pag-usapan natin ang nangyari kanina. Tutal nandito ka naman na,” pagpigil niya sa ‘kin.
I clenched my jaw and tried to stay composed. Matagal ko nang nakakatrabaho si Direk Alfie at palagi akong hindi kumportable sa prisensya niya. Bukod sa hindi ko siya gustong magtrabaho dahil magulo siya, may favoritism, at biased sa artista, he’s also too touchy with women.
I already voiced out my concern to Sir Edward. Pero dahil kaibigan niya, pinagsabihan lang niya ito at binigyan ng pagkakataong ayusin ang sarili. Tapos ay ako na lang din ang inilalayo nila rito palagi. Kaya nga sa project na ito, inilagay ako sa tech booth imbes na sa backstage.
At sa nakikita ko, tama lang na lumayo ako sa kanya dahil mukhang wala naman siyang balak magbago.
“Sa susunod, makikinig kayo sa ‘kin para maayos ang event natin. Ano bang nangyari kanina ha? Ilang taon ka na sa events, pero parang hindi ka pa rin sanay sa trabahong ‘to.”
Habang pinagsasabihan ako ay pinipisil-pisil niya ang balikat ko. Matalim na tingin ang ipinukol ko sa kanyang kamay ngunit mukhang ‘di siya makuha sa tingin.
Kung normal na araw ito ay baka nasigawan at nasaktan ko na siya. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Alam ko kasing kapag nag-react ako ngayon, baka masira ang event na pinaghirapan ng lahat. I can deal with this matter after the event. But not now.
“Sige, direk. Noted. Balik na ‘ko, baka hinahanap na nila ‘ko.”
Tumayo na ako pero ‘yong kamay ni Direk Alfie ay dumausdos sa hita ko. Napaatras agad ako dahil dito na tinawanan naman niya. “Sorry. My hand slipped. Bigla-bigla ka kasing tumatayo.”
Tumirik naman ang mga mata ko. Huminga ako nang malalim bago kinuha ang bag ko at basta-bastang winasiwas bago sinukbit sa braso. Sakto namang tumama ito sa mukha ni Direk Alfie pag-ikot ko at napa-aray siya nang malakas. It was so satisfying to hear.
“Oops. Sorry din, direk. My bag slipped,” paggaya ko sa kanya. Pinaningkitan ko siya ng mga mata. “Bigla-bigla ka kasing nambabastos.” Ayaw ko muna sana siyang patulan pero hindi ko kayang walang gawin lalo na’t pakiramdam niya ayos lang ang ginawa niya.
Dahil sa sinabi ko’y unti-unting nanlaki ang mga mata ni Direk Alfie. At nakahanda na sana akong tanggapin ang pagsigaw niya nang makarinig kami ng ingay sa labas. May sinasabi pa si Direk pero hindi ko na pinansin. Nilagpasan ko siya at lumabas na ako ng tent para malaman kung anong nangyayari.
Agad kong hinanap ang pinanggagalingan ng ingay. Dito’y napagtanto kong sa back entrance pala ito kung saan namin pinapadaan ang mga artista para makaiwas sa mga fans.
Akala ko’y lahat ng artist nakarating na kaninang hapon kaya napaisip naman ako kung sino itong pinagkakaguluhan ngayon. Kahit kasi mga tao sa harapan ng stage ay nakikitili na. Mas alam pa nila kung sino ang dumating kaysa sa akin.
Pansin kong may mga marshals na naglalakad papunta sa isang tent. Marami sila kaya mukhang sikat na artista ang kasama nila. Pinapalibutan nila ito kaya paglapit ko’y nahirapan akong masilip kung sino ito.
Inabangan ko na lang tuloy ito sa harapan ng tent kung saan ito papunta. At nakilala naman ako ng mga marshals kaya hindi nila ako hinarang.
Papasok na ‘yong artistang kasama nila sa tent kaya nagawa ko itong makita sa wakas.
Nalaman kong si Elijah Charlesworth lang pala ito.
Nagtagpo ang mga mata namin bago siya pumasok sa loob ng tent. Sandali lang ito dahil tumalikod na rin ako agad at naglakad papalayo.
Oo nga pala’t kasali si Elijah sa event na ito. Muntik ko nang makalimutang kakanta siya. Gagamitin na niyang platform ang event na ito para ma-promote ang kanyang upcoming concert. Kaya nga kahit magkakaibang artist talaga ang performers sa first at second day, siya lang ang kaisa-isang artist na pinagbigyang magperform sa magkaperehong araw.
Paano’y sobrang dami niyang fans para ma-accommodate lahat sa first day. Ayaw naman naming puro fans lang niya ang manuod gayong may ibang artists ding kasama sa lineup ng performances.
Naglalakad na ako pabalik sa tech booth nang harangin ako ni Direk Alfie. Magkasalubong ang kilay nito at mukhang ‘di pa rin maka-move on sa ginawa ko sa tent. E kung tutuusin, I’ve heard that he did a lot worse. Hindi lang sa akin kung hindi pati na rin sa ibang katrabaho niya sa RSE. Kaya wala siya sa lugar para umarteng agrabyado.
“Ano ulit ‘yung sinabi mo kanina?” tanong nito.
Binukas-sara ko naman ang mga mata ko. “Po? Alin dun, direk?” nagmaang-maangan ako.
Lalo tuloy sumama ang mukha niya. “Ang taas-taas din ng tingin mo sa sarili mo ‘no?” tanong nito, halos pabulong dahil iniiwasan niyang marinig siya ng mga tao sa paligid namin.
“Oo naman, direk. Bakit bababa ang tingin ko sa sarili ko e hindi naman ako ‘yung basta-basta na lang nanghahawak ng katrabahong babae?” ginaya ko ang hina ng boses niya.
Napatingin siya sa paligid namin, mukhang natakot dahil baka may nakarinig sa sinabi ko.
Pagbalik niya ng tingin sa akin ay tipid akong ngumiti sa kanya. “Kaya kung ako sa ‘yo, direk. Magbabago na ako. Kasi sa susunod, baka hindi ka na matulungan ng kaibigan mo.”
“And if you think I’m wrong, you better start speaking louder,” dagdag ko pa.
Pagkatapos kong sabihin ito ay lalapasan ko na sana siya nang hawakan niya ako sa braso. Dito naman dumating si Eunice kaya mabilis niya akong binitawan. Naglakad na siya pabalik sa backstage at hinarap ko naman ang katrabaho ko.
“Okay ka lang?” tanong ni Eunice, sinundan pa niya ng tingin si Direk Alfie.
Tumango naman ako. “Oo. Bakit? Kailangan mo ‘ko?”
“Ikaw daw ang mag-brief kay Elijah.” Mukhang pareho naman kaming dismayado sa gustong mangyari ni Elijah. Ayaw ko lang naman makaharap si Elijah dahil baka pag-usapan na naman namin ang tungkol sa kanyang concert. I’m still trying to wrap my head around the fact that I’ll mount his event.
Pero hindi kasi ako ‘yong tipong mareklamo kahit sa mga bagay na ayaw ko. Kaya huminga lang ako nang malalim at nagpunta na sa tent ni Elijah.
***
“It seems like you’re everywhere,” bungad ni Elijah pagpasok ko sa loob ng tent. He seemed amused because of my presence. Hindi ko yata nabanggit sa kanila noong nag meeting kami na kasali ako sa event na ito.
“Yup, unfortunately. And I think you need to get used to it,” balik ko naman sa kanya dahil kapag nag-focus na ako sa kanyang concert, paniguradong siya rin ang magsasawa sa prisensya ko.
Pansin kong walang ibang tao sa tent niya bukod sa aming dalawa. Nagkibit-balikat na lang ako dahil mabilis lang naman ang briefing na gagawin ko.
“So, let’s talk about tonight’s performance…”
Hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataon makapag-small talk dahil baka mapunta pa ang pag-uusap namin sa concert.
I started briefing him about the event. Pinag-usapan namin kung saang side siya ng stage papasok, anong mic ang gagamitin niya, at anong mangyayari pagkatapos niyang kumanta ng plus one.
At mabuti naman tahimik lang siya habang nakikinig. Mukhang nakaayos na rin siya ngayon kaya siguro hindi siya maagang dumating tulad ng ibang artista. Diretso salang na siya.
At dahil ‘di naman ganuon kakumplikado ang participation niya sa event, there’s nothing much to brief him about. Natapos ako in less than five minutes.
“So, do you have any questions?” tanong ko dahil kanina pa siya walang imik. Hindi ako sigurado kung naintindihan ba niya lahat ng sinabi ko. Nakatitig lang kasi siya sa mukha ko at para bang takang-taka.
“I have a few questions regarding my upcoming concert.”
Sabi na nga ba. Imposibleng ‘di niya ito mabanggit.
Tipid akong ngumiti. “I guess we can discuss that matter after this event. If you don’t have other questions, sasabihan ko ang team ko na ready ka na—”
“Wait. I actually need your help.”
“Anong matutulong ko?” Tiningnan ko siya nang mabuti at parang all set naman na siya. Pero rito niya pinakita sa akin ang dala niyang personal headset mic. Nakuha ko na agad na nagpapatulong siya sa ‘kin ikabit ito. “Tawagin ko ang assistant mo,” sabi ko naman dahil hindi ko ito trabaho.
“Nagpabili ako sa kanya ng pagkain.”
“Bakit nagpabili ka pa? Mayroon naman kaming hinandang pagkain for artists.”
“I like mine to be different.”
Napasapo ako sa noo ko. Wala siyang ibang kasama sa tent ngayon na pwedeng tumulong sa kanya bukod sa akin.
Narinig ko pa ang boses ni Direk Alfie sa headset ko. “Ready na ba si Elijah? Siya na ang sunod na magpe-perform.”
Napilitan tuloy akong kuhanin ang kanyang headset mic. Tinulungan ko siyang ikabit ito nang maayos kahit sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung bakit nagkabuhol-buhol pa ang wires nito kaya kumain pa ng oras ang pag-aayos ko rito.
Pagkatapos ay kinailangan ko itong ipasok sa loob ng kanyang polo kaya binuksan niya ang ilang butones ng suot niya. Malas lang at sumabit ang wire sa pantalon niya. Hindi ko rin alam kung anong nangyari kaya bahagya akong bumaba para alisin ito nang ‘di nasisira ‘yong wire.
Busy kami sa pag-ayos ng kanyang headset mic nang parang may narinig akong click ng camera. Napalingon tuloy ako sa entrance ng tent pero walang nakitang tao. Siguro naman ay guni-guni ko lang ito.