“Guys! Everyone, standby—Alright! Nasa backstage na si Alexa. Play the music.” Narinig kong utos ni Direk Alfie gamit ang suot kong communication headset.
Agad kong sinabihan ang intern namin at pinindot naman nito ang play button sa kanyang laptop. Isinabay din ni Irene, katrabaho kong event coordinator, ang pagpapalit ng backdrop video sa LED wall. Pinili talaga namin kung anong babagay sa pop song at nang makita ko ito ngayon ay mukhang ‘di naman kami nagkamali.
Dito na namin narinig ang pagkanta ni Alexa ng pinakasikat na kanta sa album niya ngayon. Hanga ako sa kanya dahil mas pinili niyang naka-minus one. Hindi tulad ng ibang artists na kilala ko. Singer daw pero palaging gumagamit ng plus one o music track na may vocals. Takot kasi silang magkamali lalo na kapag live events
“Tiffany, sa susunod, hintayin mo pa rin munang tawagin ng host ang artist. Muntik nang madapa si Alexa para lang makahabol sa kanta,” sabi bigla ni Direk Alfie. Mukhang dismayado siya base sa kanyang boses.
Aba’t bakit parang kasalanan ko?
Nagkatinginan tuloy kami ni Irene. Mayroon din siyang suot na headset kaya naririnig niya lahat ng sinasabi ng direktor na ito. Pareho kaming napailing at naguluhan. Malinaw naman kasi ang sinabi niya kanina. I-play na raw ang music kaya ito ang ginawa namin. Tapos bigla hindi pala?
Isa pa, wala naman akong control sa paglalakad ng artist. Kung nadapa siya, kalampahan ang tawag doon. Pati ba naman ‘yon ay problema pa namin? Kaya nga sila nasa likod. Sila ang dapat naga-assist sa mga artists.
“Sige, direk,” simpleng sagot ko para wala nang mahaba pang diskursyon. Kapag ganitong nasa mismong event, hindi muna dapat pinapairal ang emosyon. Huminga na lang ako nang malalim pagkatapos para kumalma.
Nasa tech booth ako ngayon kasama si Irene at isang intern namin. Dito ako na-assign habang ongoing ang event. Kailangan kong masiguradong bawat pasok ng tugtog at palit ng backdrop ay sakto sa pagtawag ng host sa artist. Sina Eunice at Sir Edward naman ay nasa backstage, nag-aasikaso sa mga artists kasama ang iba naming interns.
Kung tutuusin, hindi ko dapat ito trabaho bilang event specialist. Pero lahat ng tao sa department namin ay nandito para tumulong kaya hindi na ako nagreklamo pa. Hindi rin naman kasi papayag si Luigi na hindi kami tumulong lalo na’t sa kanya pinahawak ng management ang project na ito.
Red Star Entertainment (RSE) decided to mount a carnival-themed event for some of its famous talents. It’s a two-day event of fun, games, performances, and music here in Laguna.
Ngayon ang unang araw ng event na ito. Noong umaga ay puro pa-games at stall selling pa lang ang available. At ngayong hapon naman ay mga performances and music ang inaabangan ng lahat.
Tumatanggap kami ng walk ins pero hindi ito advisable dahil katulad na lang ngayon, mabilis naubos ang tickets. Karamihan kasi sa audience ng event na ito ay kasali sa fansclub.
Kaya naman grupo-grupo ang mga taong makikita sa audience area. Nakatayo lang ang lahat at may mga dala-dalang LED signboards and banners kung saan karaniwang makikita ang pangalan ng fansclub nila o ng artist na kanilang sinusuportahan.
Natapos nang kumanta si Alexa at ngayon ay kinakausap ng host bago pumasok ang next performer. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko pero ‘di ko muna ito pinansin dahil naka-standby ako para sa next performer.
Isa kasi sa mga iniiwasan namin sa bawat event ay ang pagkakaroon ng dead air which means any unintended interruption. Nakakapangit kasi ito. Nagmumukhang low-cost and disorganized ang event.
“Papasok na ang next artist. Ready na ba kayo sa tech booth?” tanong ni Direk Alfie.
Tiningnan ko naman ang laptop ng mga kasama ko. Nakita kong okay na kami sa music at ganuon din sa backdrop video. Naghihintay na lang sila i-play ang mga ito.
“Yes, direk. All set na kami rito,” sabi ko naman sa headset. Ramdam kong nag-vibrate pa ulit ang phone ko. Pero sanay na akong ‘di ito pansinin. Minsan nga kapag nasa isang event ako, kinabukasan ko na nabubuksan lahat ng mga messages at notifications sa phone ko.
“Sige. Patugtugin niyo na,” saad ni Direk Alfie.
Hinigit ko ang hininga ko at hinintay na tawagin ng host ang next performer. Nasa kabilang dulo kami ng stage pero tanaw namin ang mga nangyayari rito.
Nagtaka naman ako nang makitang umalis na ng stage ang host nang walang pangalang tinatawag. Nagtaka tuloy ako at gumawa na lang ng sariling desisyon.
“Let’s just play—”
“Tech booth! Nakatulog ba kayong lahat dyan?!” Napapikit ako nang mariin dahil sa malakas na pagsigaw ni Direk Alfie. Inalis ko tuloy ang suot kong headset tulad ni Irene dahil para akong nabingi rito.
“Play niyo na,” mas kalmado kong utos sa kanila. Wala naman kasing magagawa ang init ng ulo as mga oras na ito. Kung uunahin kong magpaapekto, lalong magkakaroon ng delay. And we don’t want to waste our audience’ precious time.
Sinigurado muna naming may tugtog at new backdrop na bago kami nagbigay ng komento namin.
Si Irene ang unang nagsalita na halatang iretable na rin kahit kung tutuusin ay siya ang pinakamabait na event coordinator sa amin.
“Siya ang nag-utos na hintayin natin ang pagtawag ng host e! So, ano talagang susundin natin? Kung ‘di lang siya pasok sa budget, sana iba na lang kinuha nain.” singhal ni Irene.
Napailing naman ako dahil sa pagkadismaya. Nakita kong pinapanuod kami ng intern namin ngayon kaya kahit gusto kong sabihin lahat ng masasakit na salita ay pinigilan ko ang sarili ko.
“Wala tayong magagawa. Nandyan na e. Siya pa rin ang director na kinuha ni Sir Edward. Alam mo namang matagal nang magkaibigan ‘yung dalawa. Tingin pa ng management ay sobrang galing niya. So, tayo na lang ang mag-adjust ulit. Let’s wait for his signal and try to wait for the host as well…” may sarcasm sa sagot ko. Hindi ko na rin talaga ito maalis sa sistema ko.
Nakatrabaho na namin nang ilang beses si Direk Alfie. Ayaw ko talaga sa kanya pero sa showbiz, natutunan kong kahit ayaw mo sa isang tao, hindi ka pwedeng magpaapekto rito. Ang trabaho ay trabaho.
“Ang ibig kong sabihin, pakiramdaman na lang natin. Timbangin natin ang dalawa. At kung katulad kanina, nakita na nating umalis ang host, play na agad natin ang tugtog. Common sense na lang siguro ‘yon,” dagdag ko pa.
Dahil kumakanta pa naman ang kasalukuyang artist, nagkaroon ako ng oras silipin ang phone ko.
Dito ko nakitang nakatanggap pala ako ng dalawang text messages. At nang buksan ko ito, napangiti agad ako. Parang nabawasan ang stress ko sa event.
MJ: Ang galante naman ng boss ko. May pa-free food and lodging. Thank you!
I scheduled food delivery for breakfast, lunch, and dinner today.
Medyo na-guilty kasi ako kagabi dahil gustong-gusto kong makita at makausap si MJ pero hindi ko naman nagawa noong siya na ang lumapit sa ‘kin dahil may trabaho ako kinabukasan. Tapos kaninang umaga, madaling araw pa ako umalis kaya nakita ko lang na mahimbing siyang natutulog sa sofa.
I felt like I messed up being his friend. Kaya naisip kong baka kahit sa ganito kasimpleng paraan ay makabawi ako. Naiinis din talaga ako sa sarili ko kung minsan dahil para akong bato. Concerned ako sa kaibigan ko pero ‘di ko maipakita sa kilos at sa gawa.
MJ: I know you’re busy, but don’t forget to eat or else the food might forget you.
Mga tatlong beses ko yatang binasa ang huling text message ni MJ. Sa loob-loob ko’y natatawa ako kahit wala itong sense.
“Mukhang may boyfriend ka na Ms. Tiffany ah,” sabi ng intern namin na umagaw ng atensyon ko. Agad ko namang tinago ang phone ko at agad ginawang blanko ang mukha.
“I was just talking to a friend—teka nga, why do I have to explain myself again?” sabi ko naman dahil parang sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay laging napag-uusapan ang love life ko sa opisina. Parang hirap na hirap silang paniwalang single pa ako hanggang ngayon.
Hindi ba pwedeng I’m in a relationship with my career?
Pagkatapos ng performance ay dito pa lang sinabi ng host ang pangalan ng artist. Habang kinakausap ito ay naramdaman ko naman ang pagkulo ng tyan ko. Paano’y hindi pa ako nagtatanghalian. Ang natatandaan kong huling laman ng tyan ko ay burger pa kaninang umaga.
May isang performer na lang naman kami bago magkaroon ng short break. Kaya naman tiniis ko na ang gutom ko. Uminom lang ako ng kaunting tubig. Mahirap na’t baka kailanganin ko pang mag banyo kapag napasobra.
“Sino ang next performer?” tanong ko sa mga kasama pero sumilip na rin ako sa listahang mayroon kami. Napangiti ako nang makita kung sino ito.
“Si Ezekiel Suarez po,” sagot ng intern namin.
Tumangu-tango naman ako at sinuot muli ang communication headset ko.
“… narinig mo ba ang mga sinabi ko, Tiffany?” tanong ni Direk Alfie kaya napatingin ako kay Irene. Pansin kong kakasuot lang din niya ng headset niya kaya ‘di niya ako matutulungang sagutin ito.
Huminga ako nang malalim bago nagsalita. “Sige, direk,” sagot ko kahit wala akong ideya kung ano ang mga sinabi niya ngayon lang. Napakibit-balikat na lang din ako. Sabagay, wala rin naman akong pakielam.
“Nandito na sa likod si Ezekiel. Okay na ba kayo dyan?” tanong pa ulit ni Direk Alfie na sinagot ko naman agad. “Okay. I-play niyo na.”
“Let’s welcome on stage, Ezekiel Suarez!” saktong pakilala rin ng host kaya naman napangiti ako.
“Play niyo na,” sabi ko sa dalawang kasama ko.
At kumpara noong dalawang naunang performances, maganda naman ang naging simula ni Ezekiel. I was smiling while watching him perform on stage. Paano’y natutuwa ako sa dami ng mga fans niyang nagpunta para suportahan siya. He has a humble beginning and I’m proud of where he is now.
Ayon nga lang, kapag live event talaga, hindi maiiwasan ang problema. Lalo na kapag tinipid ang budget.
“Bakit tumatalon ‘yung kanta?” tanong ko sa intern namin. Kabado na ako pero hindi ko pinapahalata. Sa tagal ko kasing pagsama sa mga mall shows ni Ezekiel, nakabisado ko na ang laman ng buong album niya.
Mabuti na lang at naka-minus one din siya kaya nakakalusot pa kahit papaano ang problema. Pero nagiging obvious na ito.
“Hala, hindi ko rin po sure,” sagot ng intern namin at tiningnan ko naman ‘yung laptop. Tuloy-tuloy lang ang pag-usad ng kanta.
Hinawakan ko ang touchpad para mas silipin pa sana ito nang isang scroll ko lang, biglang nag-white ‘yong screen ng laptop! Tapos ay nagkaroon na ito ng not responding message.
“Hala! Sorry po!” mangiyak-ngiyak na saad ng intern namin. Tuloy ay pinatahimik siya agad ni Irene.
Kahit sandali pa lang kami nagkakatrabaho, kahit papaano ay kilala na ako ni Irene. Napansin niyang kapag may problema o ‘di kaya’y may kailangan akong pag-isipan, hindi ko gusto ng kahit anong unnecessary noise o distraction. Pinapatahimik ko talaga ang lahat.
Nafu-frustrate kasi talaga ako. May tendency akong magalit o manigaw kapag iniyakan mo ako imbes na bigyan ng solusyon. Kaya nga sa pagkakaalam ko, may mga interns kami na takot sa akin.
“Anong nangyayari dyan sa tech booth?” tanong ni Direk Alfie kaya napapikit ako nang mariin. Sabi na’t mapapansin din nito agad ang problema.
“May technical problem, direk,” simpleng sagot ko.
Pagtingin ko sa stage, nakita kong napapatingin na rin sa direksyon namin si Ezekiel kahit pinipilit niyang ngumiti sa kanyang fans. Mukhang naaapektuhan na ang kanyang performance. Ito pa naman ang talagang binayaran ng kanyang mga fans. Hindi rin biro ang presyo para makasali sa event na ito.
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang tumigil ang tugtog. Pagtingin ko sa laptop, nakapindot na ang daliri ng intern namin dito. Nag-angat ito ng tingin at nakita ko ang takot sa kanyang mga mata nang makitang nahuli ko ang ginawa niya.
“T-Tiningnan ko lang po s-sana kung mapipindot,” nanginginig ang boses nito at mukhang maiiyak na. Mukhang magkaka-trauma pa yata ito sa event na ‘to.
Hindi naman kadalasan ganito ang mga event na hinahawakan ko. It’s just that tinipid ito ng RSE. Kaya lang naman nila ginawa ang event na ito ay para makabawi sa losses nila last quarter.
“Kaya niyo bang iayos ang trabaho niyo?!” sigaw ni Direk Alfie at dito na dumating sa tech booth si Sir Edward, ang talagang boss namin. Ako na ang humarap dito.
“What’s the problem here?” seryosong tanong ni Sir Edward.
“’Yung laptop ang problema,” mabilis kong sagot. Pansin naman naming kumakanta pa rin si Ezekiel sa stage kahit na acapella. And I don’t want him to feel bad about this performance. Kaya naman mabilis kong ni-restart ang laptop habang kaharap ko pa si Sir Edward.
“What’s your plan?” tanong tuloy nito nang makita ang ginagawa ko.
“Let’s give him another chance to perform. May kopya pa naman ako ng ibang kanta niya sa flashdrive. Pwede kong piliin ‘yung isa pang sikat na kanta sa album niya ngayon. For sure his fans would appreciate it,” nang sabihin ko ito ay binuksan ko rin ang headset ko para marinig ni Direk Alfie.
“Sosobra tayo sa oras kapag nag-perform pa siya ulit. Patapusin na lang natin siya. ‘Di naman siya si Elijah,” pagkontra naman ni Direk Alfie na inasahan ko na.
Mas binibigyang pabor niya kasi talaga ang mga sobrang sikat na artista. Kapag baguhan o hindi ganuon kasikat, hindi niya binibigyang importansya. Ito rin ang isa sa mga rason kung bakit ayaw ko sa kaya.
“Bago naging Elijah si Elijah, naging Ezekiel muna siya,” mariin kong saad. Hindi ko tinitingnan si Sir Edward dahil alam kong hindi to natutuwa sa pagsagot-sagot ko sa kanyang kaibigan. Pero totoo naman kasi ang sinabi ko.
“May oras tayong sinusunod dito, Tiffany.” Si Direk Alfie na naman ito.
“E ‘di paigsiin natin ang short break. Doon natin kuhanin ang idadagdag na oras sa performance ni Ezekiel,” pagbibigay ko na naman ng solusyon kahit alam kong kontra ang lahat sa gusto kong mangyari.
“Ginagawa mo lang kumplikado ang lahat.”
“It’s not about being complicated. It’s about being fair to all our artists. Hindi naman kasalanan ni Ezekiel na may technical difficulty from our end. Kung sirang performance lang pala ang mabibigay natin sa mga fans niya, then let’s just refund their tickets,” kumukulo na ang dugo ko kaya bago pa ‘ko may masabing ‘di maganda ay hinubad ko na ang headset ko.
Nag-restart na ‘yung laptop. Nabuksan ko na ang folder kung nasaan ang kanta ni Ezekiel. Pipindutin na lang ulit ang play button.
At ngayong kaharap ko si Sir Edward, siya ang dapat ang magdesisyon.
“I-play ko po ba ulit?” tanong ko.
Seryoso ang tinging ipinukol namin ni Sir Edward sa isa’t isa. At dahil patapos na si Ezekiel ay napilitan na siyang magdesisyon.
“You better be right about this,” sabi ni Sir Edward bago ako talikuran. Nakita kong nilapitan niya ang host ng event at binulungan.
Ilang sandali lang, sinabi ng host sa na may pangalawang kanta si Ezekiel para sa lahat. Nakahinga naman ako nang maluwag. Ngunit muling nagparamdam ang gutom ko.
Great. Mukhang binawasan ko pa ang oras ko para kumain.