Kabanata 6

2418 Words
Sa pagkakaalam ko, si MJ ang paboritong anak ng kanyang mga magulang. It’s a fact that’s been pretty obvious to me and my friends, but probably, not to him. Dahil ilang taon na kaming magkakasama, napansin namin ang madalas na pagpabor kay MJ ng mga magulang nila. Mas maluwag kasi sila pagdating sa kanya. Hinahayaan nilang gawin niya ang kahit anong gusto niya sa buhay. Binibigay din nila ang lahat ng luho niya. Kaya nga minsan na rin namin siyang nasabihang spoiled na agad niyang itinanggi. Tuloy ay hindi ako makapaniwala sa ibinalita ni MJ ngayon. I didn’t know his parents could just cut him off like that. Dahil lang ba talaga ‘to sa nagbago ang pananaw niya sa kasal at commitment? O baka naman may kinalaman pa rin ang kasal niyang ‘di natuloy kaya ganito na lang ang ginawa nila sa kanya? Napatingin ako sa kamay ng kaibigan ko nang hawakan niya nang marahan ang isang kamay ko. Pag-angat ko ng tingin sa kanyang mukha, pansin ko ang nangungusap niyang mga mata. “I’m struggling. I’m really having a hard time now. So, please… let me stay here.” ani niya. Pero blanko lang ang mukha ko. Malamig ang tingin ko sa mukha ni MJ nang magsalita. “Nope. It’s not working,” umiling-iling ako. Tuloy ay ‘yong lungkut-lungkutan effect ni MJ ay agad naglaho. Siya rin ang natawa sa sarili niyang kalokohan. “Well, at least I tried. Hindi na ako susubok mag-artista,” sabi niya kaya inirapan ko siya bago pinalis ang kamay niya at naglakad papunta sa sala. “How many times do I have to tell you that I can easily read you? Your lies and acting won’t work on me,” dagdag ko pa. Of course, this isn’t always true. I know MJ’s telling the truth when he said that he’s struggling and having a hard time. But he was simply trying to use this truth to get his way and I won’t buy that. Naupo ako sa sofa at sinundan naman niya ‘ko. “Bakit hindi ka na lang tumira sa mga kapatid mo? Kay TJ?” suhestyon ko dahil naisip kong malapit lang ang bahay nila Kuya TJ sa kanila. Nakita ko ang pagbabago ng timpla ng mukha niya dahil sa sinabi ko. Naintindihan ko naman agad kung bakit. Mukhang naging insensitive ako sa part na ito dahil alam ko namang hindi sila in good terms ngayon ni June. Malamang ay hindi siya pwedeng tumira rito. Mabilis akong nagbigay ng ibang option sa kanya. “Sa bahay niyo ba rito sa Maynila? Malaki naman ‘yon ‘di ba? Baka may bakanteng kwarto.” “Sadly, it happened to be a Valderrama property,” sagot niya at naalala ko nga ang sinabi niyang banned siya sa lahat ng pag-aari ng mga Valderrama. Bakit naman kasi pati bahay ay dinamay nila? It seems like they’re trying to push him over the edge so that he would choose to change his mind and come home. “How about Kuya PJ and Iaree’s house? I’ve been there. Maganda naman ang lugar.” Naisip kong wala naman silang problema ni Iaree. Para nga lang silang aso’t pusa ni Kuya PJ. “Bagong kasal lang ‘yung dalawa. Makikisali pa ba ‘ko sa honeymoon nila?” pilosopo niyang sagot kaya sinamaan ko siya ng tingin. “E kina Reign ba? ‘Di ba okay naman kayo ni Daxon?” “Oo pero baka ‘di na kami maging okay kapag ginawa nila akong babysitter ng mga anak nila,” bumuntong-hininga naman siya. “Tsaka hindi nga ako pwedeng humingi ng tulong sa mga kapatid ko. Iyon ang sinabi ng mga magulang ko kung balak ko raw ipilit ang gusto ko. Sino kayang may kasalanan?” Tiningnan niya ako kaya syempre ay agad nanlaki ang mga mata ko. “Aba! ‘Wag mong sabihing ako? Wala akong ginagawa rito. Nananahimik ako. Desisyon mong makigaya sa ‘kin,” magkakasunod kong sinabi at natawa na naman siya. “Chill! Masyado ka namang defensive,” sabi pa nito. Ang lakas talagang makapang-asar kahit kailan. “Kina Migz? Hindi ba close naman kayo? Technically hindi mo sila kamag-anak kahit kapatid pa ng asawa ni Reign si Bobbie.” “Oo pero ibang klase rin magselos ‘yon pagdating kay Bobbie. Kaya sigurado akong ‘di siya papayag na tumira ako sa kanila.” “Alam ko na! Kay Quinn na lang! Baka may bakanteng kwarto sa kanila. Teka, try ko siyang tawagan. Baka gising pa siya,” mabilis kong pinindot ang numero ni Quinn sa phone book ko pero hinawakan agad ito ni MJ. Mukhang pinigilan niya ‘ko. “Gusto mo bang ibenta ‘ko ng kaibigan natin?” Naisapo ko na lang tuloy sa mukha ang dalawang kamay ko. Wala na akong ibang options na naiisip. “Wala ka bang ibang kaibigan?” Pagbabakasakali ko. Tumingin ako sa paligid ng unit ko, I can’t imagine anyone invading my personal space. Even if he’s my best friend. “I can’t think of anyone I’m close enough with,” pag-amin niya at alam ko naman ito. Marami man siyang nakakasalamukha dahil magaling siyang makipag-socialize, kami lang ang talagang malapit sa kanya. “Okay lang. Kung hindi naman pwede rito baka mag-hotel na lang muna ako. I just tried my luck.” “Hotel? Ang mahal kaya ng isang gabi roon!” Kung sinasabi niyang wala siyang source of income ngayon. Hindi praktikal ang pagtira sa hotel kahit pa may pera siya. “’Yun nga e. Tapos kakabili ko lang ng sasakyan.” Nalaglag ang panga ko. “Bumili ka pa ng sasakyan?!” bulalas ko. Napaka-impulsive talaga ng isang ‘to kahit kailan! “Alam mo na ngang wala kang trabaho at kailangan magbayad ng utang, nagawa mo pang bumili ng sasakyan?” “Oo. Kinuha kasi nila ‘yung sasakyang gamit ko. Dahil company car iyon, hindi ko rin daw pwedeng gamitin.” “E ano ngayon? Bakit kailangan mong bumili ng bagong sasakyan?” “Anong gagamitin ko para makapunta kung saan-saan?” “Oh! My bad. Nakalimutan kong sa ibang dimensyon ka nga pala galing kaya hindi mo alam ang public transportation,” sarkastikong balik ko. “MJ naman. You’re on your thirties. Kung wala kang sariling kotse, may bus, taxi, jeep, at tricycle naman.” “Alam mo namang ‘di ko gustong sumasakay sa public transpo.” “E bakit nakakapag-eroplano ka?” “Syempre iba ‘yon. And I always fly business or first class.” “Aba! Nasa punto ka ngayon ng buhay mo na kailangan mong tiisin kahit mga bagay na ‘di mo gusto. Hindi ka pwedeng maging choosy!” Napahawak ako sa sentido ko. Sumasakit na naman ang ulo ko. Ito rin ang mahirap sa sitwasyon ni MJ. Hindi siya pwedeng ‘di maging Valderrama dahil sobrang high maintenance niya. “Anyway. What’s done is done. May bago akong kotse kaya wala akong budget para mag-hotel araw-araw. Ang mahal din kasi kung sakali man.” “Naisip mong mahal ang mag-hotel pero ‘di mo naisip na mahal bumili ng sasakyan?” “Nabili ko na bago ko naisip!” “Then sleep on your car. Napaka-impulsive mo talaga kahit kailan, MJ!” “Oh, kalma. Masyado na namang mainit ang ulo mo,” sabi pa nito kaya nailing na lang ako. I took a deep breath and tried to think of other alternatives to help him. Ayon lang ay habang nag-iisip ako, napansin kong walang kahit anong dalang gamit si MJ. Sumilip ako sa entrance ng unit ko pero wala naman siyang iniwang gamit dito. “Teka nga, nasaan ang mga gamit mo kung titira ka kamo rito?” saktong pagkatanong ko nito ay may nag-doorbell sa pinto. “Ayun na yata,” sabi naman ni MJ at excited na tumayo. Sumunod naman ako sa kanya nang buksan niya ang pinto ng unit ko. Sumilip ako sa tinanggap niya at nakita ang isang bag at maleta. Ipinasok na rin niya ito sa loob pagkatapos abutan ng pera ‘yong condo staff na nakita ko. “Mabigat kaya pinadala ko na lang ang mga gamit ko.” Bumilog ang bibig ko. “’Yan lang nakisuyo ka pa?!” Tinakpan niya ang kanyang dalawang tainga na parang bata bago bumalik sa sofa. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon sa kaibigan ko. Kapag hinayaan ko ito, sigurado akong higit pa rito ang mangyayari sa kanya. Baka ilang araw lang ay ubos na ang ipon niya. Someone should at least guide him on how to live below his means. Pabagsak akong naupo sa sofa. Alam kong wala akong choice ngayong gabi dahil anong oras na rin. Kaya naman nakapagdesisyon na ako. “Sanay ka bang matulog sa sofa?” tanong ko kay MJ at nakita ko ang pagliwanag ng kanyang mukha. Palagay ko’y nahulaan na niya agad kung saan ako papunta. “Nope. But I can start training.” Ngising-aso ang loko. “Fine. You can stay here—” “YES! Thank you—!” “But only for two nights.” “Ay. Bakit ‘di mo pa ginawang isang buwan?” “Two nights.” Humalukipkip ako. “Two weeks?” Umiling ako. Pinagbigyan ko na nga siya tapos abuso naman! “One week?” “One night?” “Sabi ko nga okay na ang two nights.” Humalakhak siya at tumirik naman ang mga mata ko. Alam naman niyang matigas ako pagdating sa mga desisyon ko sa buhay. Kahit na sa ganito kasimpleng bagay. Sagad na talaga ang dalawang araw na maibibigay ko sa kanya. “Ngayong gabi tsaka bukas, pwede kang matulog dito. Nasa Laguna kasi ako bukas at sa sunod na araw pa ang balik. Overnight kami for a big event.” May malaking event ang RSE kung saan iba’t ibang artista ang imbitado at magpe-perform sa stage. Hindi lang ako ang nag-iisang coordinator na pupunta rito dahil kailangan ng tulong ng lahat. “Pasalubong ah.” “Subukan ko kapag may oras pang bumili. Anyway, ano bang plano mong gawin bukas? Maganda kung maghahanap ka na ng malilipatan mo. ‘Yung pwedeng pangmatagalan. Katulad ng apartment o condo unit tulad nito. Mayroon ding room for rent or bed spacer kung kumportable kang maki-share ng tinitirhan. Marami namang murang nagpapaupa dyan. Hindi kasing mahal ng hotel pero pwede na.” I want to give him a long-term solution. Hindi 'yung makikitira nga siya sa akin pero alam naman naming 'di kami uubra nang magkasama. I think it's also the perfect opportunity for him to be independent. Alam ko kasing malaki ang naitulong ng pagtira ko nang mag-isa para maging mature. “Yes, boss. Noted. Titingin-tingin na ako. Update kita sa chat.” “Anong boss ka dyan?” “Wala pa akong trabaho kaya ikaw na lang muna ang tatawagin kong boss.” “Ewan ko sa ‘yo. Bahala ka. Basta habang nandito ka sa unit ko, wala kang gamit na gagalawin. Kapag may kinain ka, siguraduhin mong diretso sa basurahan. Ayaw ko ng marumi, makalat, at mabaho. At higit sa lahat, my room is off limits.” “Okay, boss!” Tumayo na ako at nagpunta sa kwarto ko para kuhanin ang extra kong kumot at unan. Paglabas ko ng kwarto ay iaabot ko n asana ito nang maabutan kong animo iniinspeksyon ni MJ ang isang bote ng white wine ko. “Buti may ganito ka? Akala ko ba hindi mo gusto ang lasa?” “Noong una. Pero nagustuhan ko rin naman.” Kinuha ko sa kanya ‘yong wine at ibinalik sa dating pwesto. Ipinalit ko sa kamay niya ‘yong dala kong kumot at unan. "Kumain ka na ba niyan?" tanong ko dahil baka bigla hindi pa pala siya kumakain. Anong oras na. "Oo. Kanina bago ako nagpunta rito. Ikaw?" "Oo. Kanina rin. Nung nagkita-kita kami sa club." Tumangu-tango siya. "Kumpleto naman kayo?" "Hindi. Syempre wala ka. Wala rin 'yung dalawa." Dismayado pa rin ako dahil sa ‘di nila pagsipot. At mukhang kahit si MJ ay ganuon din. Bakas ang lungkot sa kanyang mga mata kahit pilit man niya itong itago gamit ang pag-ngiti. "Ah hindi pa rin sila pumunta." "Sa susunod, sumama ka na. Hinahanap ka na rin ng iba." "Let's see." Tipid siyang ngumiti. “Do you want them to know that you’re here?” Umiling siya agad. “Hindi na. ‘Di naman nila kailangang malaman.” “Ibig sabihin ba hindi pa nila alam ang mga sinabi mo sa akin ngayon?” “Si TJ pa lang ang may alam. Pero baka malaman na rin nina PJ at Reign. Everyone will find out eventually, for sure.” Mukhang tama nga akong alam ito ni Kuya TJ kaya hindi na rin siya nagbigay ng comment niya sa group chat. Sandali kaming natahimik habang nakatingin sa isa't isa. Pero ako ang unang pumutol dito dahil anong oras na. “Mas maganda kung magpapahinga ka na,” sabi ko. Tumalikod na ako at pabalik na sana sa kwarto nang magsalita pa siya. “Kumusta ka?” tanong niya kaya natigilan ako. Huminga naman ako nang malalim. Ako dapat ang magtanong sa kanya kung kumusta siya pero siya pa itong nag-aalala sa akin ngayon. “Ayos lang ako. Wala namang nagbago. Work is life pa rin. Ikaw ba?” tanong din ang ibinalik ko sa kanya. “How have you been?” “Gusto mong uminom ng wine?” aya naman niya. Muntik na ‘kong mapapayag agad kung wala lang akong sinasaalang-alang. Maaga pa kasi ako kinabukasan. Bukod pa rito’y parang marami na rin akong nainom kanina. But of course, I get what he’s asking. Hindi naman talaga pag-inom ng wine ang gusto niya. He wants to have a serious conversation with me. “Maaga pa ‘ko bukas e. Pagbalik ko na lang.” Ayaw ko rin kasing makipag-usap sa kanya nang pagod at nakainom. “Goodnight, MJ. I’m happy to see you again.” Tipid siyang ngumiti. “Goodnight…” Papasok na ako sa kwarto nang may pahabol na naman siya. “Sweetdreams. Paggising mo limas na lahat ng gamit dito.” “Subukan mo lang. Sa wanted sign ka na makikita sa susunod imbes na sa billboard.” Narinig ko ang mahina naming pagtawa bago ako tuluyang pumasok sa loob ng kwarto ko. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan ngayong nagkausap na kami ni MJ.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD