Kabanata 5

2437 Words
Pagdating ko sa condo, dire-diretso akong naglakad papuntang elevator. Hindi ko inaalis ang tingin sa screen ng phone ko. Nakabantay kasi talaga ako sa group chat namin. Nagbabakasakaling mag-seen si MJ sa sunod-sunod naming chat sa kanya. Baka kasi kahit ‘di sinasadya’y may mapindot siyang phone notification at madala siya sa group chat namin. Sigurado kasi akong hindi man siya nagsi-seen, nababasa pa rin niya ang mga sinasabi namin. Pinindot ko ang elevator button at naghintay na bumaba ito sa ground floor. Ilang minuto nang tahimik ang group chat namin nang may panibagong message na biglang pumasok. Kinabahan ako nang makitang galing ito kay June. JUNE: Wow. Sana all pa-pose pose na lang. Ako lang yata ang nakakita nito dahil wala pang ilang segundo ay na-unsend na ito sa group chat. Base sa chat ni June, mukhang may sama pa nga siya ng loob kay MJ dahil sa ginawa nito sa kanyang best friend. Naiintindihan ko naman siya dahil kung ako rin ang nasa pusisyon niya, mahihirapan akong patawarin ang taong nanakit sa kaibigan ko. Pero siguro, dahil kapatid ng asawa ko ang taong ito at may pinagsamahan din kami, kung ako si June ay susubukan ko ring alamin ang side ni MJ. Nakakatakot kasi dahil hindi lang pagkakaibigan ang involved sa issue na ito kung hindi maging ang kanilang pamilya. Kung tutuusin ay Kuya TJ nga ako mas naaawa ngayon dahil malamang ay nahihirapan siyang manimbang sa dalawa. It’s like being stuck between two walls: his wife and his brother. Napahawak ako sa sentido ko dahil sa biglang pagpintig nito. Napasama yata ang pag-inom ko kanina sa club lalo na’t puyat at pagod ako galing sa trabaho. Mukhang wala talagang planong magparamdam ang kaibigan namin. Dismayado, isasarado ko na sana ang phone ko nang mapa-double look ako sa group chat namin. Kumunot ang noo ko. Paano’y nakita kong nag-seen na pala si MJ! Hindi ko alam kung may kinalaman ang chat ni June sa bigla niyang pag-seen, but I started typing really fast para maabutan itong online. TIFFANY: Alam kong nagbabasa ka sa group chat, MJ. Wala man lang pag ‘hi’ o ‘hello’? I left a sarcastic comment like what he would normally say even in serious situations like this. At na-seen na naman niya ito! Lumakas tuloy ang kabog ng dibdib ko habang nakaabang sa reply niya. Hindi talaga ako kumukurap. “Hi?” Hinigit ko ang hininga ko nang may narinig akong nagsalita. Hindi ako sigurado kung guni-guni ko lang ba ito pero ‘di ako nakakilos. Hindi ko pinansin kahit nagbukas na ang pinto ng elevator. “Hello?” It’s a man’s voice. Parang kilala ko ang boses na ‘to! Kaya naman agad akong tumalikod sa elevator at lumingon sa pinanggalingan ng boses. Ayon lang ay saktong may biglang lumapit sa ‘kin, hinabol ang papasaradong elevator sa likuran ko. Mabuti at mabilis naman akong nakaatras bago pa man kami magkabanggaan. Maiinis sana ako pero pagkakita sa taong ito ay awtomatikong nanlaki ang mga mata ko. Bumilog din ang bibig ko sabay turo sa kanya. “MJ?!” Nalaglag ang panga ko dahil nasa harapan ko ngayon ang kaibigan ko! He smirked while waving his hand. Maya-maya’y naglakad siya papasok sa elevator at sinundan ko lang siya ng tingin. At dahil pansin niyang naestatwa na ako sa kinatatayuan ko, muli niya akong nilapitan at hinawakan sa braso. Hinila niya ako papasok sa elevator at ipinirmi sa kanyang tabi. Tawang-tawa pa siya nang pindutin ang 17th floor button. Siguro’y ilang minuto pa ang lumipas, nang umaandar na pataas ang elevator ay dito ko lang siya nagawang harapin. Binukas-sara ko naman ang mga mata ko. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa mukha niya at sa phone ko bago ko siya pinaningkitan. Pinagdudahan kong siya si MJ dahil ang simple ng suot niya: black shirt at jeans. My best friend wouldn’t dare wear anything as simple as this. Mahilig kasi siya sa mga stand-out clothes. Kaya hangga’t maaari, he wears clothes with vivid colors and heavy designs. Basta ‘yung kakaiba na mapapalingon ka talaga sa kanya. Hindi ko alam kung nakikita ko lang ba ang kaibigan ko ngayon sa kanya dahil nakainom ako. Kaya naman bahagya kong sinampal ang pisngi ko. Nang ‘di pa nakuntento ay sinubukan kong ikumpara ang height ng lalaking kaharap ko sa best friend ko. I’m five feet and seven inches tall and MJ’s supposed to be six feet and one inch. Tumayo ako nang maayos sa kanyang harapan at pansin kong hindi naman nagkakalayo ang height namin. Lumapit pa ako sa lalaking katabi ko. Sa bandang leeg niya, mas inilapit ko ang mukha ko at dito’y suminghot. I sniffed. Yes, I sniffed him three times. My best friend is very particular about grooming, so he smells great all the time. Nang maamoy ko ang pabangong ng kaibigan ko sa lalaking kaharap. Kumpirmado ngang si MJ ito! “Are you high? Anong ginagawa mo?” Humalakhak si MJ bago pinisil ang pisngi ko. Agad ko namang pinalis ang kamay niya dahil alam niyang ayaw na ayaw kong hinahawakan ang mukha ko ng kahit sino! Sigurado na talaga akong siya si MJ dahil ito ang madalas niyang gawin na kinaiinit ng dugo ko! Hindi ako makapaniwalang magpupunta si MJ sa condo ko ngayong gabi! “Marami ka bang nainom—oh sh*t!” Agad ko siyang pinaghahampas gamit ang mga kamay at bag ko. “Aray naman! Ito na ba ang pinalit sa welcome hug ngayon?!” reklamo niya habang sinusubukang protektahan ang kanyang katawan. Napairap naman ako sa kawalan pero ‘di pa rin tumigil sa ginagawa. “Why would I welcome someone who made a constant decision to bail on his friends just because life gets hard?” untag ko. “Okay! But if you can’t welcome me, at least don’t kill me.” He chuckled, as though I was joking. “Hindi ka nagpakita kanina tapos nasa EDSA ka lang pala!” sigaw ko pa. “Ah! Lumabas na pala ‘yung billboard! Maganda naman? Teka lang, taympers!” Aba’t talagang nagawa pa niyang hingin ang komento ko. Sa totoo lang ay naiinis ako ngayon dahil akala ko sobrang busy niya kaya ‘di siya makapunta sa mga labas naming magkakaibigan at ‘di niya nasasagot ang mga text messages at tawag namin sa kanya. Noong una naman ay naiintindihan kong may pinagdadaanan siya. Naisip kong baka ‘di madali para sa kanya mag-open up. Ganuon din naman kasi ako kapag may pinagdadaanang mabigat. Mas gusto ko hangga’t maaari ay sarilihin na lang muna hanggang sa maghilom ang mga sugat ko. Pero noong nakita ko ‘yong billboard, naisip kong talagang may panahon pa siyang maging modelo? Nakapag-photoshoot na siya’t lahat kahit wala naman itong kinalaman sa kumpanya nila pero ang simpleng pag-text lang ay hindi niya magawa? Tapos nagpakita pa siya ngayon dito sa condo ko na para bang walang nangyari. Hindi nga niya kami sinipot sa bar kanina kaya anong pumasok sa isip niya’t naligaw siya rito? Huminto ako sa ginagawa at huminga nang malalim. “You’ll be my cause of death,” sabi ko pa kay MJ na nakakaloko pa rin ang ngiti habang inaayos ang sarili. “Then your death will be meaningful,” kumindat siya pero ‘di ako natuwa. “Ayaw mo talagang nagpapatalo ‘no?” Mistulang napaisip sa tanong ko, ilang segundo ang lumipas bago siya sumagot. “Depende sa sitwasyon tsaka sa kasama.” Umangat ang isang dulo ng kanyang labi. At dahil sa tagal naming magkaibigan, kahit papaano ay madali ko nang mabasa si MJ. Alam kong may kakaiba na namang ibig sabihin ang sagot niya kaya tinapik ko siya sa braso para magtino. Tawang-tawa naman siya. “Para saan na naman ‘yon?” Saktong bumukas ang pinto ng elevator. Lumabas na ako rito dahil pakiramdam ko masa-suffocate ako. Tuloy-tuloy ang lakad ko papunta sa unit ko. Pinakinggan ko naman ang mga yabag ni MJ habang nakasunod sa akin. “Akala ko ba busy ka? Bakit may panahon ka pang mag-photoshoot?” tanong ko habang naglalakad. "Iyon nga ang isang pinagkaabalahan ko.” “Akala ko busy ka sa Valderrama Corporation,” mariin kong saad. Mukhang ‘di kasi malinaw ang naging tanong ko. “Yes. I was busy working for our company.” “Was? Bakit? Hindi ka na ba busy ngayon? Ano ba talagang nangyayari sa ‘yo, MJ?” Nabuksan ko na ang pinto ng unit ko bago ko siya hinarap. “Let me tell you my story.” Tumikhim siya at seryoso naman akong nakinig sa kwento niya. “Once upon a time, in a faraway land, there lived a man named MJ—” “Umayos ka nga!” I snapped at him. Puro kasi kalokohan. Humalakhak naman siya. “It was just a one-time project. I needed money and so, I worked for it.” “Marami naman kayong pera, why do you need more?” Isa ang mga Valderrama sa pinakamayamang pamilya sa Batangas. They own a lot of properties, mostly resorts, and are currently expanding. Kaya hindi ko alam kung bakit kakailanganin pa ni MJ ng pera galing sa labas ng kanyang pamilya. Pansin ko namang naging seryoso ang ekspresyon ng mukha ni MJ. Isinuot niya ang dalawang kamay sa bulsa, yumuko at huminga nang malalim bago nagsalita. “I got banned.” “Banned?” “Hindi ako pwedeng magpunta sa kahit na anong property ng mga Valderrama.” “So, that means you lost your job?!” “Nope. The job lost me.” Sinamaan ko siya ng tingin dahil nagiging maloko na naman ang sagot niya. “Okay lang naman sana dahil bored na rin ako sa trabaho ko. Pero dahil wala akong trabaho, wala rin akong source of income. Nakalimutan kong may koneksyon nga pala ang trabaho ko sa pera.” “Hindi ka kasi nauubusan ng pera kaya ganyan ang mindset mo,” sabi ko naman dahil sa pagkakaalam ko, sa kanilang magkakapatid ay siya ang pinakamaluho at easygoing. Petiks lang siya sa buhay. “My parents also had my credit cards frozen. Kaya savings ko lang ang gamit ko ngayon. Paubos na rin ito kaya tinanggap ko na ‘yung offer sa ‘kin mag-modelo ng damit. Bukod sa matagal na kasi silang nangungulit, maganda rin ang bayad kaya pinansin ko na.” Pumalakpak siya ng isa. “So, that pretty much sums up the reason why I need money.” Hindi naman ako makapaniwala sa mga sinabi niya. “Bakit ginawa ‘yon sa ‘yo ng mga magulang mo?” “Sinabi ko kasi sa kanilang wala akong balak magpakasal. I don’t believe in marriage and commitment.” Pinaningkitan ko siya ng mga mata. “Don’t tell me you used my lines?” Marami kasi akong linyahan sa tuwing sinasabi ko sa kanilang ang opinyon ko tungkol sa kasal. “Yup. And look what they did to me. Kaya kargo mo ‘ko ngayon.” Ang bilis nitong mambaliktad kaya tuloy kinurot ko siya sa tagiliran at napasigaw na lang siya sa hallway. Nanlaki naman ang mga mata ko sa ingay ni MJ. Sa takot na may maabalang ibang tenants ay hinila ko na siya papasok sa loob ng unit ko. Sinarado ko agad ang pinto at sinandal si MJ sa likod nito. Hinubad ko ang sapin ko sa paa at inilagay sa shoe rack. Isinabit ko na rin ang jacket at bag ko bago muling hinarap si MJ. Napairap na naman ako sa kawalan nang makitang yakap-yakap ni MJ ang sarili niya, para bang umaarteng takot na takot sa akin. “’Wag po,” ani niya. “Please don’t take advantage of me.” “Not in a million years.” Nagkunwari akong masusuka at mukhang naniwala nga siya kaya agad niyang kinuha ang sapatos ko para ipansapo. “Bakit sapatos ko?!” “Malamang! Alangan namang sapatos ko?” Natawa na tuloy kami pareho dahil sa kalokohan ng isa’t isa. Muntik ko na siyang hampasin ng sapatos. Papasok na sana siya pero tinaasan ko siya ng kilay kaya tumigil siya. Binaba ko ang tingin sa sapatos niyang balak niyang ipasok sa loob ng unit ko. Makuha na lang siya sa tingin dahil ilang beses ko na siyang binilinan tungkol sa bagay na ito. Ilang beses na siyang nakapunta rito kaya ‘di ko alam kung bakit ‘di pa rin niya matandaan ang protocol. Hinubad naman niya ang sapatos niya at inilagay sa tamang pwesto bago sumunod sa akin sa kusina. “So, bakit napadpad ka rito?” tanong ko naman. “Kasi pinapasok mo ako?” “Sasakalin kita dyan e. Tinatanong ko kung anong pinunta mo rito sa condo ko? ‘Wag mo akong hingan ng pera dahil alam mo namang marami akong gastusin. I could barely afford my monthly dues here.” “Oo naman. Hindi ako hihingi ng pera.” Nabunutan ako ng tinik sa sinabi niya. Kumuha ako ng bottled water sa ref. “Tubig o juice ka?” “Grabe ka naman. Napalayas lang ako pero tao pa rin naman ako!” “Ang corny mo! Ano kakong inumin ang gusto mo, tubig o juice?” “Tubig na lang. Basta ‘wag galing sa banyo.” “Ay sayang. ‘Yun pa naman ang specialty rito.” Inabutan ko na siya ng bottled water. Baka sakaling mahimasmasan at umayos ang mga sagot sa akin. Uminom na rin ako ng tubig. Dahil kay MJ ay parang mabilis nawala ang kalasingan ko. “Thanks. Nandito lang naman ako para makitira.” “Welcome! Ah ganun ba. Makitira lang pala… m-makitira?!” “Oo. Makitira sa condo unit mo.” “Anong punch line?” “Walang punch line.” “E kung suntukin ko kaya ang mukha mo. Anong makitira rito? Ang laki ng mansyon niyo sa Batangas. Sa lahat ng lugar sa Pilipinas, bakit dito pa ang napili mo?” “Let me tell you my story. Once upon a time— T-Teka lang!” Sinakal ko na siya gamit ang dalawang kamay ko dahil naubos na agad ang pasensya ko. Dito nagiging advantage ang height ko. Tuloy ay panay ang pag-ubo niya nang bitawan ko. “Magseseryoso ka ngayon o sa next life na lang?” “Oo na! Ito na nga!” Bumuntong-hininga siya at sumandal sa kitchen counter. Uminom siya ulit ng tubig bago ko nakitang magseryoso. “Bukod sa inalis ako sa trabaho, pinaalis din ako sa bahay namin. Kung hindi rin daw ako titino, mas mabuti pang ‘di na ‘ko maging Valderrama.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD