“Tiffany, what time is it?” tanong ni Alexa. Nakapikit kasi siya ngayon dahil nire-retouch ang kanyang makeup. Akala ko nga’y nakatulog na siya dahil simula nang bumalik sila galing dinner ay panay na ang paghikab niya. Tumingin naman ako sa phone ko para masagot siya. “It’s almost midnight.” Mukhang siya ang huling artist na sasalang sa show ngayong gabi kaya inabot na kami ng alanganing oras. Hindi naman na ito bago sa ‘kin lalo na kapag may promotion sa late-night talk show na ito. Bukod kasi sa late nang dumating ang host nito madalas, pre-recorded shoot ito kaya walang hinahabol na oras katulad ng live show. Kaya nga kahit isa ito sa pinakasikat na shows ng RSE, hindi lahat ng artists gustong mag-promote dito unless sila ang unang sasalang. Hindi rin naman lahat pinapalad mabigyan

