As an RSE events coordinator, I’m also in charge with pre-event activities like promotions. Parte ng trabaho ko ang pagsama sa mga artista sa pag-promote ng kanilang events sa iba’t ibang media channels tulad ng television, radio, at online. Ngayong wala pa akong event na hawak dahil kakabalik ko lang sa trabaho, at ayaw ko rin namang manatili sa area ko dahil sina Luigi at Eunice lang ang makakasama ko, pinuntahan ko na lang ang mga promotions na nasa listahan ng binigay sa ‘kin. Alam kong pinapasahan lang ako ni Luigi ng trabaho. Pero kung sa tingin niya’y nautakan niya ‘ko, pwes nagkakamali siya. I accepted his list because I think doing his job can somehow help me get back on track. Gusto ko lang ulit maging productive katulad ng dati imbes na isipin ko ang kaliwa’t kanang iskanda

