Pagkatapos ng photoshoot namin sa bahay ni Quinn, dumiretso na kami ni MJ sa Red Star Entertainment (RSE). Inihatid niya ako sa trabaho katulad ng napagkasunduan namin. At dahil hindi naman ako regular na empleyado rito, talent ang turing sa ‘kin katulad ng mga artista, walang fixed schedule ang pasok ko. “Sigurado ka bang kaya mo nang pumasok?” tanong ni MJ paghinto ng kanyang sasakyan sa harap ng RSE building. “Pwede rin naman kitang samahan sa loob. Kahit maging personal bodyguard mo ‘ko walang problema.” Ramdam ko ngayon ang malakas na kabog ng dibdib ko. Sobrang kinakabahan ako pero alam kong ‘di ko ito dapat ipakita kay MJ para ‘di na siya mas mag-alala pa. “Oo naman. Dimagiba nga ako ‘di ba?” pabiro kong saad. Tumawa pa ‘ko ng mahina upang makumbinsi siya. Nakita kong tipid n

