All these years, Quinn never mentioned anything about this secret haven. It’s the first time that I’ve heard of it and I have no idea what it looks like exactly. Kaya naman hindi ko inasahan nang makarating kami sa isang malaking 2-story house na nasa gitna ng malawak na lupain. May magandang hardin at fish pond din malapit dito. Para kaming nagpunta sa malayong probinsya kahit na hindi naman kami nakalabas ng Maynila. “So… this is my safe haven,” sabi ni Quinn pagpababa namin ng kotse. Nalaglag naman ang panga ko habang inililibot ang mga mata sa paligid. “Sa ‘yo ‘to?” Hindi makapaniwalang tanong ko. Akala ko’y kilalang-kilala ko na si Quinn sa tagal naming magkaibigan. Pero ngayon ko nalamang may mga bagay pa talaga kaming kailangang madiskubre sa isa’t isa. “Yez! Ito ang first maj

