Beatrice Manuel “Senyorita Bea, gising na po? Papasok na po kayo sa mall ngayon?” Narinig ko si Ate Mina mula sa labas ng pinto kasabay ng mahihinang katok. Ayaw pang bumukas ng mga mata ko dahil ramdam ko pa ang antok. Pero hindi ako gigisingin ni Ate Mina kung hindi na sobrang late para gumising. Baka nag-alala na ito. Dahan dahan ko munang in-open ang mata ko at tumambad sa akin ang dim na kwarto. May liwanag nang nagmumula sa siwang ng kurtina ko. Parang nagising ako mula sa isang panaginip na ayaw ko sanang matapos. Craig… Muling tumawag si Ate Mina sabay katok kaya mabilis kong itinaboy sa isip ang pangalan ng boyfriend ko. “Nand’yan na, Ate!” Sigaw ko pa. Ramdam ko pa rin ang bigat ng katawan ko nang pupungas pungas akong bumangon at naglakad papunta sa pinto para silipin ang

