Nanlamig ang kamay ko ramdam ko ang bigat ng tensyon sa hangin nang tumama ang tingin ko kay Corrine. Nakatayo siya sa may likod ni Ate Krista. Hanggang sa humakbang pa ako ng palayo kay Craig. Hindi naman kami caught in the act pero ang gulat sa mukha namin ay sure na pinagtatakhan ni Ate Krista. Mas niluwagan pa ni Ate Krista ang pinto at doon ko tuluyan na nakita ang outfit ni Corrine na humakbang sa tabi ni Ate Krista. Naka-blazer at pencil skirt, parang sumadya talagang magpa-impress. Pero ang mas nakaka-asar, hindi ako ang tinitingnan niya— si Craig. Kitang-kita ko kung paano dumulas ang tingin niya mula ulo hanggang paa ng lalaki. Parang sinisipat niya ang bawat detalye. Mula sa plain white shirt ni Craig hanggang sa braso na ma-alon ang muscle. At ‘yung ngiti niya? Diyos ko. ‘Yun

