Beatrice Manuel “Good morning, Ate Krista.” Nakangiting bati ko nang makapasok ako sa office ni Ate. “Bea, kamusta?” Bigla siyang napatayo at sinalubong ako. Sinabi ko naman sa kanya ang mga nangyari nang makauwi ako. “Okay naman, Ate Krista… Mabuti at stable na ang labas ng bata. Makakalabas na rin siya ngayong araw. Salamat sa Diyos at naagapan siya.” Nakita ko naman na nabawasan ang pag-aalala ni Ate Krista sa ekspresyon niya. Ilang sandali ay nagpaalam na ako kay Ate Krista na pupunta na sa mini office at doon magtatrabaho. Pagkapasok ko naman ng office ko na nasa storage ay hindi ko rin naman magawang mag-concentrate. Nakatitig lang ako sa laptop at walang pumapasok sa isip ko. Hanggang sa lumipas pa ang ilang oras. Nang alam ko nang oras na ng pagpasok ni Craig ay lumabas ako

