“Uhmm…” Hindi ko alam kung ano ang ire-respond ko. Parang bigla akong nawalan ng katinuan sa simpleng sinabi niya. My ghaddd! Sa dinami dami ng lalaking nagsasabi sa akin ng salitang ‘yon ay bakit iba ang epekto sa akin na nanggaling ‘yon sa isang single daddy na hindi ko nga alam kung ilang taon ang age difference namin. “Ibig kong sabihin… May trabaho ka pa. O baka ang pamilya mo. Baka hanapin ka nila!” Biglang pagbabago ng tono rin niya sabay iwas tingin. Mukhang nabigla lang siya sa sinabi niyang maganda ako. Parang nadulas lang siya. Pero wala nang bawian ‘yon! Narinig ko na, eh. Basta sinabi niya na maganda ako. Period. Bago pa ako makasagot sa sinabi niya ay biglang umungol ang batang nakahiga sa kama at pareho kaming napatingin doon. “Daddy…” Mahinang sabi ng bata pero sap

