Napasinghap din ako nang biglang may sumakit sa puson ko kasabay ng pagkahilo ko na ‘yon. Para bang bigla akong nilambot. Napakapit ako sa gilid ng display table para hindi matumba. “Ma’am Bea, Okay lang po kayo?” Bigla tuloy natanong ng isang saleslady na saktong napadaan at bigla akong nahawakan. “Oh, oo… S-salamat… Medyo nahilo lang ako.” Sambit ko matapos na umayos ng tayo matapos akong alalayan sa isang gilid. “Naku, Ma’am… Magpahinga muna po kayo at ‘wag maglakad lakad.” Ngumiti na lang ako sa babae at ilang sandali pa ay umalis na. Baka magkakaroon lang din ako menstruation. Bigla naman akong natigilan nang sumagi sa isip ang tungkol sa menstruation. Hindi ko maalala kung kailan ako huling nagkaroon. Pero parang ang tagal na ‘no’n. Napailing ako at baka side efects ‘yon ng i

