Nasapo ko ang pisngi ko at mabilis na tumulo ang luha ko. Ramdam ko ang sakit mula lakas ng pwersa ni Daddy. Wala pa siyang sinasabi kung bakit niya ginawa ‘yon ay ramdam ko ang galit niya sa malutong na sampal na ‘yon. Ang sakit. Parang nabingi ako. Pero ang mas masakit… first time niya akong pinagbuhatan ng kamay. Ngayon lang niya ako sinaktan at sa harap pa ng mga taong kinaiinisan ko. Nakasabog na agad ang ang buhok ko sa mukha ko. Pinilit kong lingonin si Daddy kahit parang nabali ang leeg ko. Mas nakita ko ang galit sa mukha niya. Hindi ko kinaya na tumingin sa mata nuya kaya nagbaba ako ng tingin at nakita ko pa ang nakakuyom niyang palad na parang gustong manuntok. Kung lalaki siguro ako ay bugbog sarado na ako sa ama ko. Ngayon pa lang ay parang alam ko na ang dahilan kung baki

