5

1941 Words
Beatrice Manuel “Pero, Ate, paano kung totoo?” mahina kong tanong. Kahit ako mismo ay nagulat sa tanong ko. Ako ang tipo ng tao na hindi naniniwala sa sabi sabi. Dapat kapag may akusasyon ay may ebidensya. “Wala nga raw ebidensya. Tsismis lang. Kung may mali siyang ginawa, siguradong matagal na siyang tinanggal dito sa mall. Hindi basta-basta ang HR at security natin.” Unang araw ko pa lang na narito sa mall na ito ay napuno na ng intriga ang stay ko. Nagkibit balikat na lang ako. “Hmm,” tiningnan ako ni Ate Krista na parang sinusuri ang bawat galaw ng mukha ko. “Ewan ko, Bea… parang natagal na ang usapan natin sa kanya. Don’t worry ramdam kita. Ganyan talaga karamihan at sobrang crush ‘yan si Papi Craig. Halika na at ililibot na kita para makauwi ka na rin. Tumingin naman ako sa wrisrtwatch ko bago muling binaling kay Ate Krista. “Siguro, Ate, next time na lang. Uuwi na ako… Marami naman kasing oras pa na mamalagi ako dito.” “Oh, sure. Ihahatid na kita.” “Hindi na, Ate… I can manage. Dadaan na rin ako sa supermarket para mamili ng iba kong toiletries. One of this day ay dadalaw ako sa inyo. Ha?” Ngumiti naman si Ate Krista sa akin at matapos ay yumakap muli sa akin. Tinanggap ko na lang ang yakap niya at agad akong bumitaw. Iniwan ko na si Ate Krista. Ewan ko ba kung bakit naging malikot pa ang mata ko at tila may hinahanap sa loob ng department store. ‘Yong Craig na baka bigla kong makasalubong habang papalabas. Nawala na nga siya sandali sa isip ko nang nililibot ako ni Ate Krista ay kung bakit pa kasi nakita kita ko pa siya. Pero at least ay normal feelings lang itong nararamdaman ko. Sabi nga ni Ate Krista, halos lahat ng narito sa mall ay may crush doon. May nadaanan akong boutique at bumili ng ilang formal wear para naman ganap na ganap ang pagiging trainee ko sa mall. Pagkatapos sa boutique ay tumungo na ako sa supermarket para bilhin ang mga ibang personal ko pang kailangan. Umuwi na rin kami ni Mang Leo pagkatapos. Pagkauwi ko mula sa mall ay nagpahinga na ako sa kwarto ko at hinintay na lang ang tawag ni Ate Mina para sa pagkain. Ang haba ng naging araw ko. Nag-enjoy ako sa company ni Ate Krista at siguradong mag-eenjoy rin ako sa mga susunod na araw. Pero sa kabila nang lahat ay sumisingit singit ang mukha ni Craig sa isip ko. Gosh! Ano ba itong nangyari sa akin? Bakit kasi ang hot niya? Tanong ko na naman sa isip. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses kong tinanong ‘yon sa isip ko. Ilang sandali ay nag-ring ang cellphone ko kaya nawala ang pag-iisip ko doon kay Craig. Nang tiningnan ko ang phone ko ay nakita kong si Daddy ang tumatawag. Napangiti ako bago sinagot ang tawag. “Hello, Dad.” sagot ko. “Bea, how are you there? How’s the mall?” Tanong ni Daddy sa usual nitong seryosong tono. “I’m fine, Dad… Maayos din sa mall. Nilibot na ako ni Ate Krista. Kayo po? Nasa bahay na po ba kayo o still working?” “I’m already home, hija. Napagod ka ba sa paglibot mo?” “Medyo, Dad,” tipid kong sagot. Hindi ko masabi na mas pagod ang utak ko kaysa katawan. “You must rest, hija. Masasanay ka rin sa environment ng negosyo. Remember, darating ang araw na ikaw ang hahawak ng ilan sa mga kumpanya natin. At higit sa lahat, kailangan mong maging handa sa responsibilidad bilang asawa ni Adrian.” Natigilan naman ako sa sinabi ni Daddy. Gano’n siya madalas para lagi akong i-remind na taken na ako. Hindi ko alam kung bakit bigla kong naisip si Craig sa gitna ng pagbanggit niya kay Adrian. “I know, Dad. I promise, I will make you proud.” Sambit ko na pilit na ngumingiti. “You should be, Bea… Ngayon pa lang ay proud naman na ako sa’yo, anak. Masunurin kang anak at alam kong matutupad lahat ng pangarap mo.” “Pangarap mo, Dad” Singit ko sa isip ko. “Thanks, Dad.” pero ‘yon ang lumabas sa bibig ko. “Tito!” Biglang salita mula sa background sa kabilang linya. That’s Corrine, ang anak ni Tita Amanda na girlfriend ni Daddy. Bigla tuloy akong napasimangot. “Ah, Bea, anak… I’ll call you tomorrow. Mag-iingat ka d’yan, ha? I love you.” Mapait naman akong napangiti. “Okay, Dad… Bye. I love you too.” Sagot ko. Napailing ako. Nasa bahay ‘yung Corrine na ‘yon at kasama si Daddy. Tsk! >>>>“What the hell!” Sigaw ng isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD