Dash Lumipas ang araw simula ng hindi na naman ako kausapin ni Princess Ashanna hanggang ngayon na inagahan na ako. Pero gising na gising pa rin ang diwa ko habang nakatulala sa kisame ng bahay ko. Simula kahapon na nagkita kaming dalawa sa court ay hindi na niya ako pinansin. Ang mga chat ko sa kanya ni hindi man lang niya binabasa pati sa text ko wala siyang reply. Mabuti na lang at walang pasok ngayon kaya hindi ko kailangang obligahin ang sarili ko na kumilos dahil nalulumay talaga ako sa mga nangyayari. Hindi pa rin nagsisink in sa isip ko ang mga sinabi ni Clark kahapon na hindi ko pa nakukumpirma kay Princess Ashanna dahil ayaw niya akong pansinin. Maya-maya bumaling ang atensyon ko sa pinto nang may magdoor bell dito. "Sino 'yan" tanong ko. "Pinakagwapong lalaki sa buong mundo.

