Ash Agad akong lumabas ng matanggap ko ang chat ni Dash pero paglabas ko sa tapat ng apartment ay hindi ko siya nakita. Itetext ko na sana siya ng may biglang kumalabit sa akin kaya nilingon ko 'yon saka naman may daliring tumama sa pisngi ko. Si Dash 'yon na nakangiti sa akin. "Na miss kita." sabi niya. Ngayong nakita ko siya at nakangiti siya sa akin para bang gumaan na ang loob ko. Nakahinga ako ng malalim at naalis ang tinik sa dibdib kong dinala nitong ilang araw na nagdaan. /// Kier Paalis na kami sa court ng makita kong nakaupo sa isang bench si Clark. "Una na kayo may dadaanan lang ako." paalam ko sa tatlo kaya kinawayan na lang nila ako saka umalis. Nang mawala na sila lumapit na ako kay Clark saka umupo sa tabi niya. "Clark, ano okay ka lang?" tanong ko. "Sus, ako pa ba

