Kier "Sabihin mo sino 'yong babaeng 'yon?" tanong ni Minchi na akala mo nanggigil pa. Payapa akong natutulog dito sa lamesa ko hanggang sa dumating sila. Sila nina Ahra, Ada at Minchi. Ginulo nila ang pamamahinga ko tapos ngayon sila pa ang may ganang umasta ng gan'yan? "Anong sinasabi mo? Marami akong babae kaya hindi ko alam kung sino ang sinasabi niyo." pagbibiro ko. "Huh? Hindi naman mga babae mo ang tinatanong ko. Ang ibig kong sabihin is 'yong babaeng kasama ni Dash kanina." ngiwi niyang sabi na akala mo nandidiri sa sinagot ko. Napaisip ako sa sinabi niya saka ko naalala ang nangyari kanina. "Ahh, si Lexi Mendoza. Grade 12 'yon." "Bakit kilala niya si Dash?" napalingon naman ako kay Ada ng siya naman ang magsalita. "Nitong mga nakaraan palagi raw siyang sinusundan no'n tapos

