Dash "Dash, 'wag kang magugulat..." pangbibitin sa'kin ni Kier. "A-ako raw ang gusto niyang makadate." Sa sinabi niya para huminto ang mundo ko at tumigil ang oras. Pati si Fren at Aldi natahimik sa sinabi ni Kier hanggang sa humagalpak siya tawa. Pinagttripan na naman niya ako! Walang anu-anong sinunggaban naming tatlo si Kier kaya napahiga siya sa kama ko habang panay ang suntok namin sa kanya ng mahina. Tuloy-tuloy lang kaming gano'n hanggang sa makuha na ni Fren ang cellphone ko kay Kier. "Gagi!" bulalas niya kaya agad akong napalingon sa kanya. "Akin na nga 'yan!" abot ko roon pero nilayo niya kaagad. "Akin na rito dali!" sigaw naman ni Aldi kaya agad na binato sa kanya ni Fren ang cellphone ko. Sinusumpa ko talaga kapag nakuha ko na ang cellphone ko isang linggo silang banned

