Chapter 2

1825 Words
Zoe Takot na takot ako nang may humarang sa akin sa may madilim na eskinitang pinasok ko. Hindi ko alam kung ano ang gusto nila, basta ang alam ko ay may masamang balak ang tatlong lalaki na iyon sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na ito. Kung malupit ang mundo na ginagalawan ko sa puder ni Tiya Berta ay mas malupit pa pala ang mundong madadatnan ko sa labas. Akala ko ay madali lang ang lahat ng ito. Nagkamali ako! Tumakbo akong palayo sa kanila! Natakot ako ng sobra nang malamang sinusundan nila ako. Pilit ko silang tinatakasan ngunit talagang mabibilis rin ang kanilang takbo na tila sanay na sanay na sa ganitong sistema ng buhay. Walang direksyon ang patutunguhan ko. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Basta ang nais ko lang ay ang matakasan sila. Ang gusto ko lang ay lumayo sa masasamang nilalang na iyon. Natatakot ako para sa sarili kong buhay ngunit kailangan konv lumaban. Kailangan kong magpakatatag kung gusto kong lumaban sa buhay at manatiling nakatayo sa mundong ito. Halos madapa ako sa bilis ng pagtakbo ko upang hindi lang nila ako mahabol. Halos kapusin ako ng hangin dahil sa pagtakbong ginawa ko. "Bilisan nyo! Kailangan natin syang mahabol! Mukhang maraming lamang pera ang bag nya!" Narinig kong sigaw ng isang lalaki. Kung gayon ay mga magnanakaw sila. Balak nilang kunin ang bag ko? Kung alam lang nila na ang tanging laman ng bag ko ay mga damit at ang larawan ng aking mga magulang. Mali ang iniisip nila sa akin. Wala silang mapapala sa paghabol sa akin. Natatakot ako na kapag nahuli nila ako at malamang wala silang mapapala sa akin ay baka mas matinding parusa ang ibigay nila sa akin. Baka sa sobrang galit nila dahil nauwi sa wala ang paghahabol nila sa akin ay maisipan nila akong patayin? Nagbutil ang pawis sa aking noo at natakot ng husto ang puso ko. "Tigilan nyo na ako dahil wala akong pera!" Sigaw ko Ngunit hindi sila tumigil sa paghabol sa akin. Ganito pala kadelikado ang totoong mundo para sa isang batang katulad ko. Masyadong magulo! Masyadong maraming mapang-abuso! At kung hindi ka marunong lumaban ay paniguradong talo ka! Kung hindi ka madiskarte ay hindi ka mabubuhay ng normal dito. Dahil hindi ko kayang lumaban sa kanila ay mas pinili kong takasan ang mga masasamang loob na ito kagaya ng pagtakas na ginawa ko kay Tiya Berta. Mas malupit pa pala kay Tiya ang maabutan ko sa totoong mundo na tinahak ko. Nakakatakot! Hingal na hingal akong sumuot sa may isa pang eskinita. Nang makakita ako ng tambak ng basura at ilang pirasong drum ay isiniksik ko doon ang aking sarili. Nagtago ako sa marumi at mabahong lugar na iyon. Tiniis ko ang amoy ng mga basuta dahil mas gusto kong takasan ang mga lalaking humahabol sa akin. Wala na akong pakialam kung halos yakapin ko ang mga basurang iyon maitago ko lang ang sarili ko. Tinakpan ko ang aking bibig upang hindi ako makagawa ng ingay. Halos hindi ako humihinga upang hindi gumalaw ang mga bagay na pinagtataguan ko. Ingat na ingat ako upang hindi nila ako mahuli. Halos ilang libong beses akong nagdasal sa diyos na sana ay matapos na ang paghihirap kong ito. Rumagasa muli ang luha sa mga mata ko. Sana ay bigyan pa ako ng Diyos ng sapat na lakas para magpatuloy sa buhay. Gusto ko lang naman na mamuhay ng maligaya at maramdaman na may nagmamahal sa akin pero bakit parang ang hirap nitong maabot? Bakit parang mailap sa akin ang kaligayahan at puro na lamang problena at dagok sa buhay ang nararanasan ko? Bakit? "Saan sumuot ang babae?" Galit na galit na tanong ng lalaki "Ang babagal nyo kasing tumakbo kaya nakatakas!" Sambit pa ng isa. "Nagtatago lang iyon sa paligid! Imposibleng bigla na lang syang nawala!" Sabi ng isa Kinabahan ako ng husto sa mga sinabi nya. Pagmulat ng mata ko ay kitang kita ko ang isang lalaki na papunta sa direksyon ko. Patungo sya sa tambak ng mga basura na syang pinagtataguan ko. Nakangisi sya habang lumalapit sa puwesto ko. Mukhang alam na nyang dito ako nagtatago. Mawawalang saysay nga ba ang taimtim kong pagdadasal kanina? Talaga bang katapusan ko na ngayon? Pagsisisihan ko ba na tumakas ako sa kamay ni Tiya Berta? Nanginginig ang kamay ko na syang nakahawak sa aking bibig. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mukhang katapusan ko na talaga ngayon! Pigil pa rin ang aking hininga. Hindi pa rin ako gumagalaw sa aking pwesto. "Nandito sya mga Pre! Kung susuwertehin nga naman tayo!" Parang demonyo ang tinig ng nagsalitang lalaki. Naramdaman ko ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko. Wala akong ibang nagawa kundi ang magdasal pa ng taimtim dahil baka sa pangalawang pagkakataon ay dinggin ng Diyos ang panalangin ko. "Lord, gabayan nyo po ako. T-Tulungan nyo po ako!" Sambit ko sa aking sarili Isang malakas na halakhak ang narinig ko. "Hello Baby Girl!" Sigaw ng lalaki. Inalis nya ang drum at nahuli nya akong nagtatago roon. Nanginginig ang buo kong katawan ng nawala sa ang drum na syang nagtatakip sa akin. Parang huminto sa pagtibok ang puso ko. Nakatitig ako sa mga pula nyang mga mata. Mistula syang demonyo sa paningin ko na handa akong sugurin anumang oras. Pakiramdam ko ay dito na magtatapos ang mundo ko. Dinig ko ang malakas nilang halakhakan na animo'y nakuha na nila ang kanilang gusto. Nais ko lang namang makatakas kay Tiya Berta. Gusto ko lang namang takasan ang kalupitang ginagawa nya. Pero ito ang kinahinatnan ng pagtakas na ginawa ko. Mas tripleng kapahamakan pala ang sasalubong sa akin sa totoong mundo! Ano ba ang nagawa kong kasalanan? Bakit ba ako pinahihirapan ng ganito? Wala akong maalala na naging matinding kasalanan ko sa mundo. Pumikit ako at handa ko nang tanggapin ang aking kapalaran ngayon. Ilang saglit lang... "Ayun ang mga batang hamog!" Narinig kong may sumigaw mula sa di kalayuan. Ang lalaking tila demonyo na nakangisi sa akin ay bigla na lamang kumaripas ng takbo papalayo. Sumunod sa kanya ang dalawang lalaking kasama nya kanina. Sunod-sunod ang paghinga na ginawa ko. Tila ba nabuhayan ako ng kahit kaunting pag-asa nang masaksihan ko na tumatakbo na silang palayo sa lugar na ito. Ligtas na ba ako? Maya-maya pa ay may mga pulis na ring tumatakbo at hinahabol sila. Nakamasid lang ako sa mga taong nagtatakbuhan upang mahabol ang mga batang hamog na iyon. Umingay ang paligid dahil sa kumusyong nangyari. Nanatili ako sa tambak ng basurahan dahil natatakot pa rin akong lumabas. Ayokong may makakita sa sitwasyon kong ito. Napakagulo sa lugar na ito. Ayokong manatili dito. Kaya naman nang makasiguro ako na wala na silang lahat ay nagsimula na akong maglakad palayo sa lugar na iyon. Gusto kong pumunta sa lugar kung saan ligtas ako at hindi masyadong magulo. Ngunit saan naman ang lugar na iyon? Hindi ko alam-- wala akong ideya. Sa paglalakad ko ay nakakaramdam na ako ng gutom. Paano ko bubuhayin ang sarili ko kung wala akong pera? Napakahirap na mag-isa sa buhay. Lalo na sa murang edad ko na hindi alam kung paano ba kumita ng pera. Tila nawawalan na naman ako ng pag-asa. Kumakalam ang sikmura ko pero wala akong magawa. Kailangan kong tiisin ang gutom kong ito. Ngunit hanggang kailan? Maaari akong mamatay kapag hindi ako kumain at uminom. Sa paglalakad ko ay nakarinig ako ng mga tinig na tila kumakanta. Ang kanilang mga boses ay tila mga anghel sa langit. Napakasarap sa pandinig ang kanilang awitin. Ang mga boses nila ang syang nagpapagaan ng kalooban ko. Bahagya na ring nandidilim ang paningin ko dahil sa gutom. Sinundan ko ang tinig ng mga kumakantang iyon at dinala ako ng aking mga paa sa isang malaking parke. Nasaksihan ko doon ang pitong kabataang lalaki na masayang kumakanta at sumasayaw sa gitna ng parke. May tatlong tao ang nanonood sa kanila habang ang iba ay dinadaanan lamang sila. Maya maya pa ay umalis na rin ang tatlong tao na nanonood sa kanila. Ngunit ang pitong kabataang lalaki ay pinagpatuloy lang ang kanilang ginagawang pagsayaw at pagkanta na tila ba ang daming nanonood sa kanila. Buong puso pa rin silang umiindak habang umaawit kahit walang nanonood sa kanila. Lumapit ako ng bahagya sa kanila at naupo ako sa gitna ng damuhan. Naging maligaya sila ng masilayan nila akong nanonood sa kanila. Napakagaling nilang magbigay aliw, kung meron sanang nanonood ay tiyak na magugustuhan din ang kanilang mga ginagawa. Ang ganda ng kanilang kinakanta na tila ba orihinal nila itong awitin dahil ngayon ko lamang iyon narinig. Ang dedikasyon nila sa kanilang ginagawa ang mas higit na nangingibabaw. Kahit alam nilang wala namang nanonood sa kanila, basta nais lang nilang ipakita ang kanilang talento ay sapat na sa kanila iyon. Napukaw ang aking atensyon ng lalaking nasa likuran dahil sa mga nakakatuwa nitong reaksyon at galaw. Sa tingin ko ay masayahin syang tao. Sa totoo lang, sya ang pinakamagaling sumayaw sa kanilang grupo. Bawat kilos nya ay nabibighani ako. Bawat indak nya ay napapagalaw ako. Ang nga ngiti nya ay nagbibigay ng pag-asa sa akin. Para syang sunshine sa buhay ko na nagbibigay liwanag sa madilim kong mundo. Sino kaya ang lalaking iyon? Gusto ko syang makilala. Gusto kong mapalapit sa kanya. Pero alam kong imposible. Aaminin ko, lahat sila ay may angking kagwapuhan na tila ba mga artista sa telebisyon. Kaya naman tuwang tuwa ako habang pinapanood ko sila. Nagmistula akong numero uno nilang taga-hanga habang masaya ko silang pinapanood. Libreng libre lang ang concert nila sa parkeng ito ngunit sayang talaga dahil hindi naman sila pinapansin ng mga tao. Kapag sumikat sila balang araw ay pagsisisihan ng mga taong walang pakialam ang araw na ito. Malamang na pagkakaguluhan sila balang araw at sobrang mahal na ng mga tickets sa concert nila. Mabuti na lang at nagkaroon na ako ng pagkakataon na makapanood dito dahil alam kong wala akong kakayahang makabili ng ticket nila balang araw. Ngunit tila hindi na kinakaya ng aking katawan ang pagod at gutom na aking nararamdaman. Unti-unting sumara ang talukap ng mga mata ko. Unti-unting nawalan ng hangin ang dibdib ko. Ang huling naalala ko ay bumagsak ako sa damuhang kinauupuan ko. Ang mga huling narinig ko ay... "Grayson! Kumuha ka ng pamaypay bilisan mo!" "Bakit ako Rocky?? Saan ako kukuha? Hindi ko alam! Ano ba?" Natatarantang sigaw nito "Napakaduwag mo talaga Grayson kahit kailan! Hunter, kunin mo yung karton na pinag-upuan mo kanina. Kailangan nya ng hangin. Kailangan nya ng tulong--" Tuluyan na akong nawalan ng malay. Hindi ko alam kung ano ang ginawa sa akin ng pitong naggagwapuhang lalaki na ito nang mawalan ako ng malay. Basta ang alam ko ay ligtas ako sa kanilang tabi. Basta ang alam ko ay mabubuti silang tao. Basta ang alam ko ay hindi nila ako kayang saktan. Sino nga ba sila? Ano ang magiging parte nila sa buhay ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD