bc

My Love is a Superstar BOOK 5: GRAYSON

book_age18+
28
FOLLOW
1K
READ
billionaire
second chance
friends to lovers
comedy
twisted
ambitious
city
love at the first sight
seductive
like
intro-logo
Blurb

(THIS NOVEL IS DEDICATED TO MY HOPE AND MY SUNSHINE, J-HOPE ALSO KNOWN AS JUNG HOSEOK)

Ang akdang ito ay nagmula sa malikhaing isip ni Ka Puroy.

Si Grayson Lennox ang pinakanakakaaliw at pinakakwelang miyembro ng Bullet Proof Boys. Kahit na napakaraming negatibong komento ang lumalabas tungkol sa kanya ay nanatili syang positibo sa buhay.

Nang dahil sa kasikatan ng kanilang grupo ay mas pinili nya ang kanyang karera at nakipaghiwalay sa kanyang girlfriend na si Zoe Cohen.

Si Zoe ang isa sa mga sumuporta at sumubaybay sa kanilang grupo noong nag-uumpisa pa lamang sila. Kung kaya't ganun na lamang ang pighating idinulot ng pakikipaghiwalay sa kanya ni Grayson.

Paano nila haharapin ang isa't-isa pagkatapos ng dalawang taong pagkakawalay?

May puwang pa ba ang pagpapatawad sa puso ni Zoe? Maibabalik pa ba nila ang tamis ng kahapon na kanilang naumpisahan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Zoe Cohen POV Sampung taong gulang pa lamang ako nang mamatay ang mga magulang ko sa isang malagim na aksidente. Ang tiyahin kong si Tiya Berta ang kumupkop sa akin simula ng malagim na pangyayaring iyon sa buhay ko. Ang mga unang buwan ko sa pangangalaga ni Tiya Berta at nang kinakasama nyang si Tiyo Jose ay naging maayos naman. Ngunit sa paglipas ng araw ay unti-unting nagbago ang pakikitungo nila sa akin. Ang buong akala ko ay aalagaan at mamahalin nila ako na parang isang tunay nilang anak dahil hindi sila biniyayaan ng Diyos ng isang supling. Subalit isang malaking bangungot pala ang pagtira ko kina Tiya Berta. "Aray! Aray po!" Sigaw ko Piningot ng malakas ni Tiya Berta ang tenga ko dahil nasunog ko ang sinaing. Hindi ko kasi nabantayan ng maayos dahil nag-igib pa ako ng tubig sa may labasan. "Susunugin mo pa ang bahay ko? Wala ka talagang silbi. Hindi ka kakain ngayon dahil sa ginawa mo! Buti at nakita ng Tiyo Jose mo ang nasusunog na sinaing mo!" Galit na galit na wika ni Tiya Berta sa akin Parang bumagsak ang mundo ko sa mga sinabi nya. Hindi nya ako pakakainin? Gutom na gutom na ako. Lahat ng trabaho sa bahay na ito ay ako ang gumagawa pagkatapos ay hindi nya ako pakakainin? "Dapat isang linggong hindi pakainin yan dahil sa mga katangahan nya!" Dagdag pa ni Tiyo Umagos na lang ang luha sa mga mata ko nang marinig ito sa kanila. Kinuha ni Tiya Berta ang sunog na kanin at itinapon nya ito sa basurahan. Galit na galit sya ng gawin nya ang bagay na ito. "Kung gusto mo ay ito na lang ang kainin mo. Bagay naman sayo dahil mukha kang basura!" Sigaw nya Nasaksihan ko din na sinukbit ni Tiya Berta ang kanyang bag. Aalis sila? Iiwanan nila ako? "Sa labas na lang tayo kumain Jose, nakakawalang gana dito sa bahay!" Galit na wika pa ni Tiya Berta Kaagad na silang lumabas ng bahay. Dinig ko ang pagkalabog ng pintuan. Naririnig ko rin ang pagkalansing ng mga susi na hawak ni Tiya. Balak nya ba akong ikulong sa bahay na ito? "Tiya, huwag nyo po akong ikulong dito!" Sigaw ko sa may pintuan. Pinipilit kong buksan ang doorknob pero bigo ako. Buong lakas ang inalay ko para mabuksan ito pero mas malakas sina Tiya Berta at Tiyo Jose. Lalo lamang umapaw ang luha sa mga mata ko nang marinig ko ang yabag ng mga paa nilang papalabas na ng bahay. Tumakbo ako sa may bintana na napalilibutan ng mga grills. Sinilip ko sila mula roon habang kitang-kita ko na papalayo na silang naglalakad. "Tiya!" Muli kong sigaw Pero tila bingi sila sa mga sigaw ko. Napasandal na lang ako sa pader at doon lalong dumaloy ang luha sa mga mata ko. Pakiramdam ko ay nag-iisa na lang ako sa buhay. Pakiramdam ko ay wala nang nagmamahal sa akin. Pakiramdam ko ay malulugmok na lang ako sa kalungkutan habambuhay. Takot na takot ako habang mag-isa ako sa loob ng bahay na ito. Wala akong mahingan ng tulong. Wala akong masandalan sa mga ganitong sitwasyon. Sarili ko lamang ang inaasahan ko. Hindi ko namalayan na nakatulog ako habang yakap ko ang aking sarili. Nakatulog ako kahit napakasakit ng mga pinagdaanan ko ngayong araw. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Naramdaman ko na lang na may sumasakit sa bandang leeg ko dahil sa aking pwesto na nakayuko habang yakap ko ang aking mga tuhod. "Zoe!" Dinig kong may tumatawag sa akin Naalimpungatan ako. Pakiramdam ko ay nasa ibang daigdig na ako. Nang imulat ko ang aking mga mata ay bigla kong naalala na mag-isa nga lang pala ako sa bahay na ito. Ikinulong ako ni Tiya Berta dito dahil kinamumuhian niya ako. Bigla akong napahikbi nang maalala ang lahat ng ito. "Zoe" narinig ko na naman ang isang tinig. Kaagad kong pinahid ang mga luha sa mga mata ko. Sumilip ako sa bintana. Madilim na sa labas. Pagtingin ko sa orasan ay mag-aalas nueve na pala ng gabi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi sina Tiya Berta at Tiyo Jose. Maya-maya pa ay nakita ko si Aling Zenaida sa labas ng bintana. Parang sumibol ang pag-asa ko ng makita ko sya. Napakabait nya sa akin. Alam nya ang mga paghihirap na pinagdadaanan ko sa kamay ng aking tiyahin. "Zoe, heto ang pagkain. Kumain ka muna. Alam kong hindi ka na naman pinakain ng magaling mong tiyahin." Wika nya Kaagad kong kinuha ang pagkain na nakalagay pa sa styro. Talagang gutom na gutom na ako. "S-Salamat po Aling Zenaida! Salamat po!" Wika ko Nang maabot ko ang pagkain ay kaagad ko itong sinunggaban. Hindi na maipaliwanag ng tiyan ko ang nararamdaman nitong gutom. Halos mabilaukan ako sa paraan ng pagkain ko sa kanin at ulam na adobong baboy. Napakasarap nito. "Zoe, isusuplong ko na sa Barangay ang tiyahin mo. Hindi sya karapat-dapat na mag-alaga sayo dahil napakalupit nya!" Dinig kong wika ni Aling Zenaida Napatigil ako sa aking kinakain. Hindi ko gustong isuplong si Tiya Berta dahil wala na akong matutuluyan pa. "Aling Zenaida, wag nyo pong gawin yan. Nagawa lang po ito ni Tiya Berta dahil nasunog ko ang sinaing. Ito ang parusa nya sa akin. Pero maniwala po kayo, ayos lang po ako. Wag nyo po syang isusumbong. Maawa po kayo." Pagmamakaawa ko sa kanya Narinig ko ang malalim na buntong hininga nya sa akin. "Ikaw ang bahala Zoe. Hindi ko alam kung bakit napakabait mo pa rin sa kanila sa kabila ng mga ginagawa nila sayo." "Inalagaan naman po nila ako. Kapag may kasalanan lang po akong nagagawa ay saka lamang nila ako pinaparusahan ng ganito. Kaya wag na po kayong mag-alala. Maraming salamat po sa masarap na pagkain." Sambit ko Ipinasok nya ang kanyang mga kamay sa bintana at hinimas ang aking pisngi. Ramdam ko ang pag-aalala sa akin ni Aling Zenaida. Pero ayoko ng ideya nya na isuplong sa Barangay ang tiyahin ko. Kailangan ko pa rin si Tiya Berta. Hindi ko magagawang isumbong sya sa mga awtoridad. "Mag-iingat ka palagi Zoe." Wika nya Tumango ako sa kanya ng paulit-ulit. Malaki rin ang pasasalamat ko sa isang katulad nya na labis ang pag-aalala sa akin kahit hindi naman nya ako kadugo. -- Lumipas pa ang mga taon... Binalita sa akin ni Aling Zenaida ang plano nilang paglipat bahay sa kanilang probinsya. "Zoe hija, pasensya ka na. Kailangan na naming umuwi sa probinsya. Gustuhin ka man naming isama pero alam mo namang hindi pwede di ba?" Parang gumuho ang mundo ko sa mga sinabi nya. Paano na ako ngayon? Wala na akong masasandigan sa tuwing nalulungkot ako at aapihin ni Tiya Berta? Kailangan ko na bang magsisi dahil hindi ko sinunod ang payo nya isuplong na sa mga awtoridad ang tiyahin ko? Parang gusto ko na lang mawala sa mundong ito dahil sa balitang iyon. "S-salamat po sa lahat ng mga itulong nyo sa akin Aling Zenaida. Hinding hindi ko po kayo makakalimutan. Lagi kayong nasa puso ko." Mangiyak ngiyak na wika ko sa kanya. Napakasakit sa akin nung araw na umalis si Aling Zenaida. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng isang matalik na kaibigan. Simula noon ay naramdaman kong mag-isa na lang ako sa mundong ito. Simula ng umalis si Aling Zenaida ay tanging ang sarili ko na lamang ang kakampi ko. "Mabuti naman at umalis na ang mosang na Zenaida na yan. Salot yan sa buhay natin eh. Kung ano-anung maling balita ang ipinapakalat dito sa baranggay." Wika ni Tiya Berta sa kanyang asawa habang kumakain sila ng almusal. Nakikinig lamang ako sa kanila habang ipinagtitimpla ko sila ng mainit na kape. "Nasaan na ang kape?? Napakatagal naman?" Bulyaw sa akin ni Tiya. Dahil sa tindi ng takot ko na mapagalitan nya ay dali-dali akong tumakbo papunta kay Tiya Berta dala ang isang tasa ng mainit na kape. Ngunit hindi sinasadyang mapatid ako at natapunan ko ng kape ang dibdib ni Tiya Berta. Kinakapos ako ng hangin habang pinagmamasdan ko si Tiya at ang natapong mainit na kape sa kanya. "Aray! Hayop ka talagang bata ka! Papatayin mo talaga ako!" Sigaw nya Muling dumaloy ang luha sa mga mata ko dahil alam ko na ang susunod na mangyayari. Dumapo ang mabigat nyang palad sa pisngi ko. At kasabay nito ay sinabunutan nya ang buhok na para bang gusto nyang matanggal ang mga ito sa anit ko. "S-sorry po.." tanging nabanggit ko habang nakaluhod ako sa kanya at nagmamakaawang itigil na ang pananakit sa akin. Hindi sya nakuntento. Walang awa nya akong sinuntok sa tagiliran na syang naging dahilan nang pagkakasalampak ko sa sahig. Namilipit ako sa sahig at parang hindi ko kakayanin ang ginawa nyang iyon sa akin. Muli nya akong ikinulong sa madilim na kwarto at hindi ko alam kung hanggang kailan ako dito. Pagod na pagod na ako. Gusto ko nang sumuko. Pero may nagsasabi sa likod ng utak ko na lumaban ako at huwag mawalan ng pag-asa. Napayuko na lamang ako at doon ibinuhos ang lahat ng sakit at bigat sa dibdib na nararamdaman ko ngayon. Umaasa ako na malalampasan ko rin ang lahat ng ito. Lumipas ang mga araw... Wala nang tumutulong sa akin sa tuwing ikukulong ako ni Tiya Berta sa loob ng bahay. Mas lalo kong naramdaman na talagang mag-isa ko na lang tinatahak ang buhay kong ito. Paulit-ulit akong pinagmamalupitan ni Tiya Berta. Hindi sila naging kuntento sa parusa nilang hindi pagpapakain sa akin o ang ikulong ako sa bahay. Mas tumitindi ang kanilang mga ugali sa tuwing magagalit sila sa akin. Sinasampal nya ako, sinisipa, o kaya naman ay sinasabunutan sa tuwing makakagawa ako ng mali sa paningin nya. At ang pinakamalupit na ginawa ni Tiya ay nang hampasin nya ako ng kahoy sa aking mga paa. Nagawa nya iyon dahil hindi ko nagawa agad ang ipinag-uutos nya. May isa pa syang pinapagawa sa akin nang mga oras na iyon kaya hindi ko agad nasunod ang ibinilin nya. Naabot nya ang malaking kahoy na mula sa isang sirang upuan at iyon ang inihampas nya sa mga paa ko. Ilang ulit nya akong hinampas hanggang sa bumagsak ako sa sahig dahil sa namilipit na ako sa sakit. "Tama na po!" Iyak ko sa kanya Ngunit kagaya dati ay tila bingi sya sa lahat ng iyak at sigaw ko. "Yan ang bagay sa mga tatamad-tamad na katulad mo!" Sigaw nya Isang malakas na hampas ang naramdaman ko sa aking likuran na syang dahilan ng tuluyang pagsalampak ko sa sahig. Wala nang maramdaman ang buo kong katawan dahil tila namanhid ang mga ito. Hindi na yata matapos ang luha sa mga mata ko dahil sa pangyayaring ito. Dito ko napatunayan ang kalupitan sa akin ni Tiya Berta. Kaagad kong pinahid ang luha sa mga mata ko. Pinilit kong makatayo. Kahit paika-ika akong naglalakad ay pinilit ko ang aking sarili na magtungo sa aking kwarto. Nilakasan ko ang loob ko. Walang ibang tutulong sa akin kundi ang sarili ko lang. Wala akong ibang maaasahan kundi ang aking sarili. Sinara ko ang pintuan ng kwarto ko. Kinuha ko ang maliit na backpack. Isinilid ko doon ang iba kong mga damit at gamit. Panay lang ang daloy ng luha sa mga mata ko habang inaayos ang mga gamit ko. Panay din ang pahid ko sa mga ito. Matapang ako! Kakayanin kong mag-isa! Sawang-sawa na ako sa buhay ko dito sa kamay ni Tiya Berta! Tatakas ako! Tatakasan ko ang malupit na kapalaran ko sa bahay na ito! Bahala na ang Diyos kung ano ang inihanda nya sa akin sa labas. Gusto ko nang iwan ang malupit na mundo ni Tiya Berta!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

His Obsession

read
72.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook