Their beginning

3362 Words
Nahuli si Haven sa pagbaba ng hagdan papuntang unang palapag ng gusaling iyon. Nasa ikalawang palapag kase ang kanilang room ng may maulinagan syang mga boses ng ilang mga kababaihan sa isang naka kubling parte ng pasilyo. "Hoy! Anu ha? Ibibigay mo ba o hindi?" tanung ng isang babae sa isang maliit at payat na lalaking kapwa nya estudyante. Kung hindi sya nagkakamali, isa itong freshmen at may ngalang Patrick base nadin sa nakasulat sa kanyang name plate. "Ano na? Sagot??" Tanung ng isa ding babae na ngumunguya ng bubblegum. "Wwala po talaga ppasensya na...sakto lang pong pamasahe ko ang natira sa allowance na binigay saakin ni Mama. Kinita nya lang ito mula sa paglalako at paglalabada sa gabi kung ibibigay kopa ito sa inyo tiyak na wala na akong pamasahe pauwe!" nanginginig na sagot ng lalaking tila takot na takot. "Oh! Edi maglakad ka! Hindi ka naman pilantod ah! Atsaka hindi naman namin tinatanung kong paanu ka nagkaroon ng baon! Pakialam ba namin jan! Tsaka malay ba namin kung anung nilalako ng Mama mo? Baka nga katawan nya pala nilalako nya eh!" Sagot padin ng babae sabay tawanan ang mga kasama nya. Humigpit ang pagkakahawak ng lalaki sa strap ng kanyang bag mula sa narinig, naisin man nyang ipagtanggol ang kanyang ina ay wala syang sapat na lakas ng loob. "Pasensya na pero hindi ko pwedeng ibigay sa inyo ang natitira kong pera." Pilit na sagot ni Patrick. "Ahh ayaw talaga ha? So gusto mo talagang matamaan ha?!" Balik tanung ng babaeng nag babubblegum habang naka tingin na tumatawa lamang ang mga kasama pa nitong babae. Uumbayan na sana nya ng sapak sa ulo ang pobreng lalaki ng biglang sumigaw si Haven mula sa kanilang likuran. "Hep! Stop! Look! And Listen!" Unti unti syang naglakad papalapit sa kanila habang tinitignan at nagbubulungan naman ang mga kababaihang bullies. "Sino ka naman?" Maangas na tanung ng babaeng tila leader ng grupo. "Ang tamang tanung jan ay kung anung ginagawa ninyo? Hindi bat alam naman ninyong bawal na bawal ang bullies dito sa school at kahit kailan ay hindi naging tama ang pam bubully!" Sagot ni Haven. "Ows talaga? And so?" Halukipkip ng babaeng leader nga nila. "Gusto din ata neto masampolan eh!" Nakangising turan ng babaeng kanina pa ngumunguya ng bubblegum. "Hep! Sige subukan nyo kung anu pa man yang iniisip nyo! Tignan ko lang kung hindi kayo makick out at tiyak akong mahihirapan kayong makapasok sa ibang school dahil walang tatanggap sa inyo once na nag viral kayo!" taas kilay na sagot ni Haven. "Anu? Ibig mong sabihin vinevideohan mo pa pala kami?" asik ng babaeng nang corner sa kawawang estudyanteng si Patrick. "Oo bakit? May problema kaba doon ha? Ang yayabang ninyo! Unang araw palang ng school year pero pinapakita nyo na kagaspangan ng mga ugali ninyo! At sa freshmen nyo pa talaga inapply? " pagtataray ni Haven. Akmang aagawin sana ng babae ang kanyang cellphone ngunit mabilis namang naiiwas ni Haven ang kanyang kamay na may hawak nito. Agad nya itong inilagay sa jacket nyang de zipper ang bulsa. "Aba! Mukhang may gustong sumubok sayo Mary ahh!" Ngingiti ngiting asar ng babaeng ngumunguya. "Nagtatapang tapangan eh! Akala mo naman kaya nya ako!" Maangas na sagot ng babaeng lider nila na may ngalang Mary pala. "Oh come on!Mary pa pala pangalan mo! Pero bulok naman ng ugali mo! Alam nyong piliin kung sino ang ibubully ninyo dahil alam nyong hindi siya papalag at alam nyong hindi nya kayo kaya! Galeng!Pero alam nyo, matapang lang kayo kase madami kayo! Pero in reality mga bahag din lang mga buntot ninyo!" Pagtataray na sagot ni Haven. "Ah ganun! Sige one on one tayo gusto mo? Sige lika dito! Tignan natin yang tapang mo!" Yaya ni Mary. "Ay wait! Oist! Ikaw! Halika dito iwanan mo yang mga bullies na yan!" Tawag ni Haven kay Patrick na kanina pa isinisiksik ang sarili sa kanto ng pader. Agad namang tumakbo si Patrick at nagtago sa kanyang likuran. "Abah! Kita mo nga naman! So ikaw ang knight in shining armor ng bansot na yan!" Pang aasar ng babaeng nang corner kay patrick. "Sige na, mauna kana siguradong hinihintay kana ng Mama mo, derecho uwi ha!" Utos ni Haven kay Patrick, ramdam nya kaseng nangangatog ito sa takot at nakita nya ang ga butil na pawis nito. Lalo tuloy syang naawa sa kapwa nya estudyante. "Ssalamat! Maraming salamat po ate!" Alanganin man syang iwanan ang kanyang taga pagtanggol ay napilitan syang umalis gaya ng utos nito. "Hoy! Hindi pa tayo tapos!" pahabol na sigaw ng matabang babae na nilalaro ang bubblegum sa loob ng kanyang bibig. "Pabayaan nyo na yung bata! Ang payat payat na nga at halatang takot na takot sa inyo tapos ayaw nyo pang tigilan! May naidudulot bang maganda yang ginagawa ninyo ha?" tanung ni Haven na naiinis sa mga taong nasa harapan nya. "Alam mo? Pabida karin eh nuh? Anu kaba nun ha? Girlfriend kaba nya? Ate kaba nya? O baka naman gusto mo lang magpasikat at nagtatapang tapangan ka ha?" sunod sunod na tanung ni Mary. "Una hindi ko sya kilala. Pangalawa hindi ako nagpapasikat dahil matagal na akong sikat dito sa campus! Ewan ko ba at hindi nyo ako kilala to think na hindi naman kayo baguhan sa school na to or siguro dahil ngaun lang kayo pumasok at panay escape or absent pinag gagagawa ninyo kaya naman siguro hindi kayo informed kung sino ako! And lastly matapang talaga ako because I cannot stand people like you! Ang aangas ninyo at feeling nyo entitled kayo! You feed your pride in expense of those below you! You think you're great by doing that? Pwes para sabihin ko sa inyo nagmumukha lang kayong mga tukmol!" Mahabang litanya ni Haven. "Aba't! Ang yabang mo ha! May pa english english kapa! Hindi ka naman amerikana! Pweh!" ani Mary. "Duh! Required ba maging American to speak english? Universal language yun noh! O baka naman hindi mo naintindihan kung anu yung sinabi ko sa language na iyon? Matapang kalang pala pero ang bobo mo naman!" Pang aasar ni Haven. "Abat! Talagang ginagalit mo ako ha!" pikon na tanung ni Mary. "Hawakan mo nga ito Jane!" utos nito sa kasamang kanina pa ngumunguya sabay abot sa hinubad nyang jacket. "Walang makikialam! Pinepersonal ako neto eh!" "Whatever!" subalit ay walang anumang sagot ni Haven. Hindi naman sumagot si Mary, agad na tinawid nito ang kakapirangot na distansya nila ni Haven, ngunit nabigo sya dahil naka ilag ito mula sa akmang pag sapak nito sa kanya. "Tsk! Dika lang pala bobo! Ang slow mopa!" Haven smirked, her eyebrows lifted and she wrapped her arms. "Cheap wanna be's!" pahabol pa nito sabay tingin ng pababa at pataas sa mga ito. "Walang hiya ka! Lagot ka saakin!" banta ulit ni Mary. Akmang sasabunutan sana niya ito ngunit agad namang nahaklit ni Haven ang kanyang braso saka nya ito mabilisang pinihit papuntang likuran nito. Napangiwi sa sakit ang lider ng mga bully ngunit may biglang humablot ng mahabang buhok ni Haven mula sa kanyang likuran. "Oh? Akala koba walang makikialam? Diba one on one to?" Tanung niya habang bakas sa kanyang mukha ang kirot. "Get off!" Malalim ngunit seryosong tono ng boses ng isang lalaki mula sa kanilang likuran. Agad namang binitawan ng matabang babae ang buhok ni Haven ng makita kung sino ang nag salita. "Yvez?" Manghang tanung ni Haven. Hindi sumagot ang binata ngunit kinuha nito ang kanyang kamay at hinila upang mapalapit sa kanya. "Ayaw kung makita o marinig ulit na may binubully kayo kahit na sino pa mang poncho pilato! At higit sa lahat ayokong nilalapitan ninyo ang babaeng ito para lang hamakin o hamunin o awayin! Nagkaka intindihan ba tayo?" tanung nya sa mga ito. "Ppero!" mahinang bulong ni Mary ngunit hindi na nya maituloy ang sasabihin dahil tinapunan sya ng masamang tingin ni Yvez. "Okay!" sang ayon nalamang nito. "Kelangan kopa bang ulitin ang mga sinabi ko?" Paninigurado ng binata. "Hhindi na! Gets na namin, hindi na kami mambubully ng kahit sino! Promise!" Taas palad ni Mary sa kanya. "At?" Subalit ay tanung ulit nito. "At hindi namin sya aawayin!" Tila maamong tuta na sagot ulit nito. Hindi na muling nagsalita si Yvez, tinignan nya ng seryoso ang mga ito at tumalikod na habang inaalalayan si Haven maglakad pababa ng hagdan. Nakaka ilang hakbang palang sila ngunit tila sasabog na ang puso ni Haven sa sobrang kaba at bilis ng pintig nito. Kinikilig sya ng maglaro sa isip nyang tila isa syang kawawang prinsesa ngunit biglang dumating ang kanyang prinsipe upang syay iligtas. Naamoy nya din ang halimuyak ng gamit na pabango ni Yvez na nagpa pikit at nagpakagat ng kanyang mga labi. "Wag kang feeling na kung anu-anu ang naiisip!" bulong nito sa kanya na syang nagpa simangot bigla sa dalaga. Nang masiguradong wala na sila sa paningin ng grupo ni Mary ay agad nyang itinulak si Yvez at dumistansya dito. "Okay lang naman ako, kaya kung maglakad! Hindi naman ako nasaktan!" "Alam ko!" subalit ay hindi nya inaasahang sagot nito. Kinagat ni Haven ang pang ibabang labi, hindi na ito naka tiis sa pag susuplado ng binata sa kanya. "Look! Salamat sa kung anu mang naitulong mo kanina saakin. But that doesn't mean na pwede mo akong pagsupladuhan! Okay na ako sa treatment mo na para akong isang hangin, sanay na ako doon,mas hindi ako komportable pag pinapansin mo ako. Kung sanay kang mag isa at maging cold sa mga taong nasa paligid mo pwes ako hindi! Salamat at pasensya kana kanina kung kailangan mopa akong pag aksayahan ng panahon. Sa susunod wag ka na lang magtangkang makialam para hindi ka napeperwisyo!" "Ang daldal mo!" sagot lamang ni Yves at hinila nya nito palapit sa kanya. "Pero ang cute mo ding magalit! Paanu nalang kaya pag naging girlfriend kita?" Hindi namalayang sabi nito sa dalaga na ikinagulat nito. "A-anong sabi mo?" pag uulit nyang tanung pagkat hindi ito makapaniwala sa narinig. Subalit ay bigla syang binitawan ni Yvez ng marinig ang papalapit na boses ng kanyang mga kaibigan. "Aray naman!" ngiwi ni Haven na nasa sahig. "Sorry!" maikling hinging paumanhin ni Yvez dito. "Ang labo mo din eh nuh! Kanina lang-!" "I'll go ahead!" Putol ng binata sa mga iba pa sanang sasabihin niya. Iniwan nyang naka tulala ang mag kakaibigan habang naka tingin sa papalayo nyang bulto. "Anyare?" tanung ni George na takang taka sa nangyari. "Hmp! Ewan ko dun! Ang lakas mantrip! Iba din pala saltik nun! Akala ko pa naman pamisteryoso lang, nakaka loka!" simangot ni Haven. "Anu ba nangyare kase?" usisa naman ni Marianne habang tinutulungan syang pagpagin ang kanyang damit. "Mejo mahabang kwento,pero ikukwento ko padin!" walang anung sagot ni Haven. Habang naglalakad sila papunta sa bagong bukas na Cafe na kanilang sadya ay ikinuwento ni Haven ang nangyari kanina lamang ngunit hindi na nya binanggit ang huling pangyayari kung saan ay may hindi inaasahang nasabi sa kanya si Yvez. "Ows! Talaga? Ang cool naman nun! Para syang knight in shining armor mo!" kinikilig na wika ni Marianne. "Pero nakaka pag taka lang bakit ganun nalang ang reaksyon nung mga bully na yun kay Yvez diba? Ang weird!" subalit ay tanung ni George. "Ewan kodin eh! Pero diba sikat naman si Yvez sa school dahil una sa looks nya! Hindi naman natin maidedeny na gwapo yung tao! Malakas talaga ang karisma nya hindi ba? Kahit nga mga tiga ibang school dumadayo pa dito sa school natin para lang makita sya! Second matalino sya, lahat ng competition in or out of the school eh naipapanalo nya kaya there is no doubt na hindi siya kilala nung mga bully na yun!" sagot ni Haven. "May point ka naman doon! Pero basta! I find it weird padin!" ani George. "Hayy nakuh! Ang importante sinave nya tong kaibigan natin mula sa mga bullies na yun nuh! Kung hindi ay baka nasira na yung magandang fezlak ng kaibigan natin! Pambato pa naman natin to!" kumento naman ni Marianne. "Ay wait! Diba sabi mo nakunan mo ng video yung mga babaeng yun? Patingin nga!" "Ahh oo! Saglit! Tinago ko yun dito sa bulsa ng jacket ko eh! Buti nga at may zipper ito atleast na super safe hindi basta basta mahahablot nung kambing na babae!" "Kambing na babae?" Takang tanung ni Marianne. "Ahhh! He he! Yung babaeng ngumunguya ng bubble gum kanina. Yung may katabaan at may pagka singkit." paglalarawan ni Haven habang iniaabot ang cellphone sa kaibigan. "Oy maya na natin yan tignan tatawid na tayo oh!" Paalala ni George habang naka kapit sa braso ni Haven at ganun ding naka kapit si Marianne kay Haven na pinapagitnaan nila. "Ay bongga ng Cafe nato! Labas palang pak na pak na!" Natutuwang sambit ni George. "Tara pasok na tayo!" Yaya ni Marianne at sumunod na tumango naman si Haven. "Wow! Ang ganda! Ang cute ng ambiance!" excited na kumento ni Haven ng makapasok ang mga ito. "Tignan mo to oh! Ang cute cute! Uy! Picturan nyo naman ako dito oh!" pakiusap nya sa mga kaibigan habang naka upo sa isang sofa na may ombre bluish pink na leather cover at sa pakorte nito ay may mga nakapalibot na fur. "Oh sige pagkatapos mo ako naman ha!" sagot naman ni George habang inilalabas ang kanyang cellphone. "Sige game!" naka ngiting sagot ni Haven at nagsimulang magpose. Pagkatapos niya ay si George naman ang kanyang kinuhanan ng litrato ganun din si Marianne. "Ay! Antaray ng pose ko dito sissy!" ani George habang pinagmamasdan ang mga litrato nito sa cellphone. "Ito bongga! Ang fierce mo jan teh oh! Pak pang profile!" sabay pitik ng ng kanyang bewang. "Uhmmn! Pwede!"Sagot ni Haven. "Oi! Order na tayo ano sa inyo?" Tanung ni Marianne habang naka tingin sa menu na naka lapag sa mesa. "Hmn... wait lang!" Nag iisip na sagot ni Haven. "Ito saakin, itong blue berry frappe with salted butter pangalan palang mukhang masarap eh!" sagot ni George. "Anu naman kayang lasa nyan? blue berry? Tapos salted butter na may frappe?" kunot noong tanung nito. Kibit balikat na lamang ang sagot ni George. Maya maya pa ay may nagpatong ng kulay ombre pinkish blue na inumin sa harap ni Haven. Agad namang iniangat ng dalaga ang kanyang mukha at nakita kung sino ang nagbigay nito sa kanya. "Yvez? Anung ginagawa mo dito? Bakit ka nandito? Anu to?" Sunod sunod na tanung nya sa labis na pagtataka. "Malapit saakin ang owner nitong Cafe and it happened that I passed by so. At iyan naman ay "Unicorn super delight" mairerecommend kung drinks sayo yan since mahilig ka sa matamis at sa mga happy colors." sagot nito. "Ahhh... napansin mo pala yun?" Subalit ay hindi inaasahang sagot ni Haven sa kanya. "Ahhh...well! Napansin kolang kase tsaka yun naman ang trending nowadays diba?" tila kinakabahang sagot ni Yves. "What about me Yvez? What do you recommend for me?" Pa beautiful eyes na tanung ni George dito. "Ha? Ahhh... I think you should pursue kung anu yung sa tingin mo ay masarap, well anyway masarap naman lahat ng drinks dito including yung mga finger foods." "Aheh! Mesherep be telegeh?" Malanding tanung ni George ngunit tinanguhan lang sya nito at umalis. "Haist! Ang suplado talaga! Hindi umuubra ang beauty ko sa kanya!" maktol ni George. "Sira kaba? Bakit mo naman tataluhin yung kaibigan natin?" nguso ni Marianne kay Haven. "Ha? Ako? Anung kinalaman ko jan?" subalit ay maang na tanung nito. "Ay sows! Kunyari kapa jan! Oo na sayong sayo na si Yvez! Ayaw ko din lang sa mga taong boring! Baka pag kami nagka tuluyan maboring lang ako sa kanya at maipagpalit ko lang sya sa ibang mas ma adventure! Oh diba? I'm saving myself from being a cheater if ever!" pameywang ni George sa kaibigan. "Asa ka!" maikling sagot lamang ni Haven. Matapos ang kulang isang oras na pagtambay nila sa Cafe na iyon ay nagpasya na silang umuwi. Hinatid muna ni George at Haven ang kaibigan nilang si Marianne sa sakayan nila bago sila nagpunta sa kanilang sariling terminal upang sumakay nadin ng pampublikong sasakyan. Makaraan ang ilang minuto ay nagpaalam na sila sa isat-isa. May apat na bahay sa pagitan ng mga ito at nasa unahan lamang ang kina George. Pareho silang nasa iisang subdivision ngunit hindi masasabing sila ay mayaman. Sapat lang. "Oh? Bat ngayon kalang dumating? First day of class palang ah?" Tanung ng ina nito na nasa sala at nagpapahinga. " Oo nga anak magdidilim na ah!" sang ayon ng kanyang ama na galing sa kusina at naka sout pa ng apron at may hawak na sandok. "Eh sorry po Ma,Pa nagkayayaan kase kami nila Marianne at George kase may bagong bukas na Cafe malapit sa school. So nag decide kami to visit the place." "Abah! Anak mayaman! Visit the place kapang nalalaman jan!" ngiwi ng kanyang ina. "Ma naman!" tanging sambit ni Haven. "Sige na anak pumanhik kana sa taas at magbihis ng makapag pahinga ka. Maya maya naka luto na ako ng hapunan natin!" nakangiting yakag ng kanyang ama. "Okay Pa! Kaya love na love kita eh!" Pasigaw na bulong ni Haven saka nagtatawang umakyat pataas ng hagdan. "Yan! Sige sanayin mo yang anak mo!" ani Aling Helena. "Bakit? May masama nanaman ba sa ginawa ko?" takang tanung ni Mang Nestor. "Ah ewan ko sayo! Bahala nga kayo jan!" bulyaw nito saka humarap sa tv. Kakamot kamot naman ang kanyang asawa na bumalik sa kusina upang magluto. Pagka bihis ni Haven ay agad syang nahiga sa kanyang kama ipipikit na sana nya ang kanyang mata ng mag ring ang kanyang cellphone nagtaka sya dahil unregistered number ang nag appear sa kanyang screen gayun pa man ay sinagot padin nya ito. "Hello?" tanung nya habang kunot ang kanyang noo. "Hi!" Nag aalangang bati ng nasa kabilang linya. "Sino po sila?"derechong tanung ni Haven. "Si Yvez 'to. Uhmn.. sorry naistorbo ba kita?" sagot niya. Agad nanlaki ang mga mata ni Haven gayun ding biglang kumabog ang kanyang dibdib. Sinampal nya ng mahina ang kanyang sarili to check if nasa realidad sya. Nang masiguro na hindi sya nananaginip ay tinignan ulit nya ang kanyang cellphone at inulit nyang tinanung kung sino ang nasa kabilang linya. "Its Yvez Kiel Reyes your classmate, are you deaf?" subalit ay yamot nitong sagot. Hindi inalintana ni Haven ang sinabi ng binata dahil kilig na kilig ito sa isiping tumawag sa kanya ang kanyang long time crush. Pinilit nyang ikalma ang sarili at tanungin ulit ito. "Uhmn.. sorry! Bakit ka pala napatawag?" "I called just to say sorry. I want to apologize kase bigla kitang binitawan kanina. I hurt you didn't I?" sincere nitong paghingi ng tawad. "Ha? Ahh yun ba? Ahmn.. okay lang naman yun. No worries." Abot tengang ngiti nito kahit hindi sya nakikita ng kausap. "That's a relief then." simpleng sagot ng binata. Nakangiti parin si Haven habang nakadapa at nakataas pa ang kanyang dalawang paa ngunit ilang segundo na ang nakakalipas ay walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Awkward. "Uhmn.. san mo pala nakuha yung number ko?" tanung nalamang niya upang may mapag usapan sila. Ayaw din naman nyang sayangin ang pagkakataon na makausap ang kanyang crush. "I have my own ways. Besides hindi naman ganun kahirap kunin ang number mo." "Ahh! I see! Sabagay smart ka nga pala.. you find ways!" Biro ng dalaga sa kanya sabay tawa ng mahinhin ngunit hindi naman ito nagets ng kanyang kausap kaya wala ding epekto. Nagmukha lang syang timang. "Uhhh.. anyways curious lang kase ako. About kanina dun sa mga bullies. Bakit ang dali mo lang silang napa sunod? Tapos parang takot na takot pa sila sayo? Nakakapagtaka lang kase." Pag iiba ni Haven sa topic upang makabawi sa waley nyang joke. "Oh that! Wala naman... It just happened na I knew who their parents are. Maybe natatakot silang baka isumbong ko sila that's why." Tumango tango naman ni Haven mula sa narinig. "Uhmmn.. another question pwede ba?" hirit nito. "What?" tila tinatamad na sagot ng binata. "Can you be my textmate?" nakangiwi at alanganing tanung ni Haven habang naka cross finger. "What??" hindi makapaniwalang tanung naman ni Yvez na napatayo pa mula sa kanyang higaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD