CHAPTER ONE
Amity Safa Fuentez's POV
Nagising ako sa nililikhang ingay ng nagtatabas ng damo sa may hardin dahil ang balkonahe ng silid ko ay nasa bandang likod bahay kaya rinig ko.
Pupungas-pungas akong nag-mulat at bumangon kahit inaantok pa pinili kong silipin sa may bintana nang lumapit ako, bahagya kong hinawi ang kurtina, doon nakita ko nga ang isang... lalaki.
Silaw pa ang mata ko at kagigising lang pero natanaw kong malaking tao ito, makatawan pero isinawalang bahala ko lang, bumalik ako sa kama at naupo sa paanan.
Napuyat ako dahil tinapos ko pa ang painting na isa-sumbit ko sa exhibit halos madaling araw na akong natapos kaya muli akong napahiga sa kama sapo ang masakit kong ulo.
Nagmulat ako at nilibot ng tingin ang kwarto kong makalat dahil sa mga pinaggamitan ko sa pagpipinta, ipalilinis ko na lang mamaya.
Muli na nga akong bumangon para magtungo sa banyo, naligo na ako at nag-bihis.
Wala akong gagawin ngayong maghapon, bukas pa naman ang art exhibit, tinapos ko lang talaga ang painting ko dahil nasa mood ako kagabi para na rin makapahinga ako ngayon buong araw at makapagliwaliw.
At ako nga pala si Amity Safa Fuentez, I'm sorry, I forgot to introduce myself. The Amity is for peace, and the Safa is for clarity, which is... opposite to who I am.
My name is about calmness, solemnity, and peace, while the owner is chaotic and full of trouble that needs to be troubleshooted.
How I wish I am really peaceful the way my name is. Funny, isn't? But no, it's not funny at all.
Lumabas na ako ng kwarto na bihis na, I'm wearing a pambahay white short, and black backless top spaghetti tucked in at dala ang laptop ko.
I used to wear this sexy ootd kapag nasa bahay lang naman ako dahil wala naman ibang titingin.
Pagpasok ko ng dinning room naabutan ko si Manang Flora, ang mayordoma ng bahay na nag-alaga rin sa akin since I was a little until this present time.
Sakto kahahanda lang ng agahan para sa akin, pero napansin ko bakit may isa pang plato? May kasalo ako sa lamesa?
"Magandang umaga, Amity! Halika na kumain ka na." Ipinaghila pa ako ng silya ng ginang pero ang tingin ko nasa isang platong nasa harapan ko, katapat ng akin.
"Kanino ang platong iyan?" tanong ko imbis na bumati pabalik. "May bisita ba tayo?" Tiningnan ko siya nang makaupo ako.
"Ah, para sa bagong hardinero ho natin—"
"Bagong hardinero?" Pagak akong natawa hindi dahil sa hardinero ito kundi bakit sasabay ito sa akin?
"Remove that plate, sa labas niyo pakainin," may kagaspangan kong sinabi kaya medyo natigilan ito.
"Inutos ni Sir William na isabay na sa inyo ang hardinero sa agahan at hindi pa kasi kumakain iyung tao kaya—"
"At ano ngayon kung hindi pa kumakain??" Napataas ang boses ko. Hindi maganda ang gising ko so I'm in a bad mood right now.
"My point here is." Mariin pa akong napapikit. "Yaya, bakit isasabay sa akin ang lalaking nagtatabas lang sa likod bahay? Sino ba iyan!" Asar ko siyang tiningnan.
And what? Pinasabay sa akin ni Daddy?
What is he? VIP gardener?
I laughed a bit feeling pissed.
Nahampas ko pa ang lamesa kaya nanlaki ang mata nito sa akin.
"Amity!" Napataas din siya ng boses na ikinatiim bagang ko sa pananaway niya.
"I want a peaceful breakfast, Yaya... and don't ruin it." Gaano kahirap intindihin na ayokong may makasalong estranghero?
And why would I eat with a f*cking hardener na hindi ko pa naman nakikila?? For Pete's sake, people in this house aren't thinking.
"Now, get rid of that plate so I can eat peacefully—"
"Manang?"
Natigilan ako sa pagsasalita nang may lalaking pumasok ng dinning room buhat ng malalim at baritonong boses kaya napadako ang tingin ko sa direksyon nito.
At hindi ko napigilang pagmasdan ang itsura ng lalaki. He's wearing a dirty white but clean tshirt along with his dirty maong loose jeans na may talsik pa ng lupa and dirty brown boots.
But his face... damn, I'm stunned.
I think... he's one of the examples of... TDDH.
Tall... dirty... dark... and... handsome.
I swallowed hard at the sight of him.
Nagmadali naman si Manang pigilan ang lalaking ito na nagngangalang Pancho. So his name is Pancho pala, huh? Pancho the Macho?
I chuckled inside my head.
"Ah, Pancho! Sandali pasensya na at ililipat ko itong plato mo at pagkain mo roon sa may kubo sa labas at kakain si Senyorita gagamitin niya ang lamesa—"
"Let him eat with me," biglaang putol ko sa kalagitnaan ng pagsasalita ni Manang na nanlaki ang mga mata sa akin.
"Akala ko ba ayaw mo—"
"Nagbago na ang isip ko, hayaan niyo para may makasabay ako kumain, naisip ko ang lungkot palang kumain mag-isa."
Naguguluhan na tiningnan ako ni Manang Flora pero ngumiti lang ako kaya sa huli ay binigyan niya ako ng isang malisyosang tingin at pagak na natawa sa akin.
Binalingan niya ang binata. "Upo ka na raw, hijo. Sabayan mo na si Ma'am ganda," tuwa na ngang inanyayahan ni Manang Flora ang binata na ngayon ay nakatingin na sa akin at iniwan na kami ng ginang.
Bakit ganito siya makatitig? Ang lagkit.
Hinawi ko naman ang buhok kong nakatabon sa harapan ng dibdib ko at inilagay sa likod, bigla akong binanas kaya tumikhim ako nang batiin niya ako.
"Maganda umaga, Senyorita," medyo may pagaalinlangan niyang bati sa akin nang lumapit na siya sa pahabang lamesa at naupo na sa katapat kong silya.
"I didn't know may bago kaming hardinero. And because of you, my peaceful sleep was disturbed. Alam mo bang puyat ako?" saad ko na may katarayan na agad niyang ikinahingi ng pasensya.
"Pasensya na, Senyorita. Maingay ba ang pagtatabas ko kanina?" saad niya na may tanong buhat ng nagaalalang nagising ako dahil sa kanya.
"Yeah." I rolled my eyes and started to eat holding a pair silver spoon and fork and my eyes focus on my plate but my mind is on him.
"Pasensya na, hindi naman ho kasi ako p'wede magtrabaho na hindi nalikha ng ingay," rason niya matapos humingi ulit ng dispensa.
"Alam ko," lamig kong sinabi habang humihiwa ng tocino. "And I understand, because you are a hardener, gardener or whatever you are, basta taga-tabas ng damo."
"Salamat, naiintindihan niyo." Ngumiti siya pero naroon ang tinging humihingi siya ng paunmanhin.
"By the way, saan ka nakuha ni Daddy?"
"Agency?" I followed up a question.
"Na-recommend ako sa kanya ng dati kong pinagtatrabahuhan na ngayon nasa ibang bansa na," sagot niya kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.
"They vouched for you... I see." Tumango-tango ako. "Bukod sa pagiging hardinero, anong mga bagay pa ang kaya mong gawin bukod sa magtabas?" Ngumisi ako at binitawan ang kubyertos, itinuon ko ang braso ko sa lamesa para tingnan siya.
Kita ko naman natigilan siya sa mahinahong pagkain at nag-angat din ng tingin sa akin kaya nag-tama ang aming mga mata.
"Marami," tipid niyang sagot.
I noticed that he's not the kind of man na pala-ngiti. He's kinda cool, pero parang tubig na kaya kang sabayan sa agos na gusto mo... I don't see him as a playful one, but I think he can if he wants to.
Those are my first interpretations and impressions of him the way I look at his careful movements especially seeing his mesmerizing brown eyes with a touch of grey...
"Gaya ng?" Naghintay ako ng kasunod na sasabihin niya.
Natawa siya. "Mahirap ho idetalye, Senyorita basta marami akong kayang gawin." Ngumisi pa siya.
I don't know why I feel turned on. Kakakita ko pa lang sa kanya ngayong umaga but I feel interested.
Maybe because... first attraction, attracts?
I'm an artist which is why I easily appreciates beautiful things that eyes can see, especially beautiful humans...
...and he's one of them.
"Mag-isa lang ho ba kayo palagi dito na si Manang lang ang kasama?" Pag-iiba niya na ng usapan nang libutin niya ng tingin ang buong paligid ng dinning room na may kalakihan.
Umiling ako. "Madalas ako wala rito sa bahay dahil dumadalo ako ng art exhibits, madalas out of the country kaya hindi," sagot ko.
"You paint?" His face looks surprised.
The way he asked me he sounds natural using the language kaya napataas din ng bahagya ang isa kong kilay. Hardener with an accent, huh? Taray. I chuckled a bit.
"Yeah, do you want to be my model?" I asked with a hint of humor. I'm just kidding but what he answered I didn't expect.
"P'wede ho ba?" he said with confidence.
Aba, aba, aba... kakasa?
Hayagan ko siyang tiningnan. He has confidence, palibhasa alam niya rin sa sariling gwapo siya.
"P'wede..." I chuckled. "But I will only accept you as my model in one condition." I grinned.
"Anong kundisyon?"
"I want you naked."
Natigilan siya kaya natawa ako.
"You know, Pancho I only paint naked bodies... and take note. MEN WITH SEXY BODIES..." I said with emphasis and bit my lower lip and smiled at him.
"Maghuhubad lang naman pala."
Nanlaki ang mata ko. Game siya?
Ako naman ang natigilan at napalunok.
"A-Are you sure you want to be my..."
"Wala namang problema, isang karangalan maipinta ng magaling na artist na tulad niyo kaya hindi ko ipagkakait ang katawan ko."
Napakurap ako at napaawang ang bibig. If I am going to paint him naked, and once I get finished I won't display it to public, period.
My father will surely kill me once he sees me going to paint the new hardener naked body, but deep inside I feel the fireball, and he will surely be a great art because he's beautiful.
Ngayon pa lang, I appreciate this man not just because of his looks but also because he gave me his trust so I have painted him the way how beautiful he is...
Pero sa kauna-unahang pagkakataon nakaramdam ako bigla ng pressure. Kaba. Why does this man suddenly have a huge trust in me?
Tiwala pa siyang ipakita ang katawan niya...
Napalunok ako. "H-Hindi mo pa nga alam kung magaling ba ako pero pumayag ka ipakita ang katawan mo—"
"Dahil nararamdaman ko magaling ka, Senyorita." Ngumiti siya at siyang bilog naman ng mata ko.
He believes in me even though this is the first time he encountered me? I can sense he's a fan of art too, hindi naman siya papapinta kung hindi.
"S-Salamat." Nahiya ako bigla at napaiwas ng tingin. Kung kanina nagagawa ko pa siya laruin, biruin pero hindi ko inaasahan kakasa siya at seryosong bagay ito para sa akin.
Hindi ko naman alam na papayag talaga siya. H'wag lang talaga ako papahuli kay Daddy kundi baka ma-fire pa ito sayang.
"Willing ka ba makita ko ang lahat sa iyo?" seryoso kong tanong nang tingnan ko siya muli.
Tumango siya at ngumiti. "Hindi naman ho ako papayag kung hindi." Tumawa pa siya.
"P'wede niyong titigan, pero bawal niyo nga lang hawakan," pilyo pa niyang sinabi kaya gano'n na lang ang panginginit ng mukha ko.
Anong akala niya sa akin, manyakis?!
"Ang feeling mo Mister sa isiping hahawakan ko iyan! Bakit? Malaki ba iyan??" Hindi sadya na mapataas ako ng boses at hindi na naisip ang ibinuka ng bibig ko kaya ganoon na lang ang hiya ko nang mapagtanto ang sinabi ko.
Nakakahiya ka, Amity!
But he's the one who said I can't touch it na para namang hahawakan ko?
Lalo na ng napahalakhak siya. "Depende sa titingin." Tumawa pa siya. "Mahirap namang mag-buhat ng sariling bangko, Senyorita kaya to see is to believe tayo."
Hindi ko alam na hahantong sa ganitong klaseng usapan ang paguusap namin ng hardinerong ito.
Pero nga naman, to see is to believe kung malaki nga, edi malaki, wala naman ako balak hawakan kapal ng mukha niya.
"Que malaki iyan, o ga-hinliliit lang, ako na bahala palalakihin ko na lang sa painting."
Tumayo na ako at narinig ko pa siyang napahalakhak. Tawang-tawa? Gusto na mag-asawa? Pairap ko siyang binalingan nang magsalita siya nang sanang aalis na ako sa hapag kainan.
"Kailan niyo ho ba ako ipipinta?"
"Maghintay ka kapag maluwag na ako."
Nangunot ang noo niya. "Kapag maluwag na kayo?" Sa tono ng salita niya ang dumi ng utak niya.
"Kapag maluwag na schedule ko!" paglilinaw ko pero pagalit kaya natahimik siya pero halatang natatawa.
"Sasabihan na lang kita, okay? Habang wala pang schedule, magtabas ka muna ng damo diyan."
Inirapan ko siya at iniwan sa hapag kainan. Pero saktong talikod ko lihim ako napangiti.
Pasalamat ka gwapo ka, kung hindi, I won't even allow you to eat at one table with me, bastard.