Amity's POV
"Ano? Sasama ka ba? May night out tayo with the girls later tonight," anyaya sa akin ng kaibigan kong si Charlie na kausap ko sa kabilang linya.
"No, I won't go tonight," I refused to come while looking at Pancho na naglilinis pa rin hanggang ngayon dito sa may likod bahay namin na matagal nang napabayaan kaya kulang ang isang araw niya para ayusin.
"But why?! Nasa bahay ka lang naman buong maghapon, bukas busy ka na sa exhibit—"
"May iba na akong pagkakaabalahan," tipid kong sagot at ngumiti habang nakatitig sa pawisang katawan ng binata mula rito sa kinatatayuan kong balkonahe ng silid ko.
Lumapit ako sa barandilya at inihawak ang isang kamay ko habang pinapanuod ko ito kung gaano ito kasipag.
"At ano namang pagkakaabalahan iyan, aber? Sigurado tapos mo na ang painting kagabi pa—"
"Charlie, I have a question." I cut her off.
"What is it?"
"Have you ever... experienced the unexplainable attraction towards the man you have just newly met?" I seriously asked.
Sandali itong natigilan pero agad din namang nakasagot. "Yeah, lalo na kapag type ko iyung guy na nakita ko, pero iyung atraksyon na ganiyan, hindi rin nagtatagal."
"Bakit? May gusto ka nang lalaki?" Hindi man kami magkaharap alam kong naniningkit ang mga mata niya sa akin.
"Something like that," I simply said and being honest and grinned and I heard her gasped because of shock.
"But I am against what you have said... ang atraksyon na ganito hindi magtatagal? Well, duda ako diyan." Pagak pa akong natawa dahil alam ko sa sarili ko na...
...hindi lang panandaliang atraksyon ito.
"Who's that lucky man, b*tch?" Tumawa ito. "This is the first time you seriously attracted to someone!" She giggled excitedly.
Hindi ko pa pala nasasabi, muka lang ako marami nang karanasan pero bihira akong makagusto ng isang lalaki, and people who knew me usually called me a high standard woman.
Pero kung malalaman nila na hardinero ito, for sure they'll get dissapointed lalo sa dinami rami ng lalaking gustong sumubok ligawan ako, I kept myself untamed.
I don't know, at the age of 27 I'm still not interested in going into a relationship but sometimes I am hooked up with men but, temporarily. And no planning to get into a serious commitment.
Even how rich the man is.
Tapos malalaman lang nila na attracted lang ako sa isang bagong hardinero namin dito sa bahay?
Pagak akong natawa. Sigurado ako, huhusgahan nila ako based on his occupation, but who cares?
Instead of answering her question who's the man I am attracted to, I just ended the call without saying goodbye.
At itinuon ko na lang ang tingin ko sa baba, kay Pancho na ang sipag-sipag.
Napapangiti ako habang pinapanuod siya hawak niya ang pang-hakot niya ng lupa na may gulong at pabalik-balik siya habang pinapala ang lupa para ilagay doon.
Pero natigilan siya sandali nang maramdaman na niya may nakatingin sa kanya mula rito sa kinatatayuan ko sa itaas habang tahimik na pinapanuod ko siya.
Nag-angat siya ng tingin dito sa itaas, at pagkatingala niya ay nagtama ang aming mga mata, I have 20/20 vision which is why I can see the every drops of his sweat on his handsome face down to his fine wine body with a little bit of dirt on it.
Ipinatong ko ang isang bisig ko sementong barandilya, ang isang libreng siko ko naman itinuon ko rin dito and I lean forward to make him see me even more that I'm watching him from up here, hindi ako nahihiyang makita niyang nanunuod sa kanya.
"Senyorita," may kalakasan ang boses niyang tawag sa akin batid na anong ginagawa ko bakit pinapanuod ko siya.
Natawa ako habang nakikita kung gaano naglalandas ang pawis sa katawan niyang walang pang-itaas, kaya malaya ko siyang napagmamasdan mula sa pangawalang palapag na kinaroronan ko.
"Kumain ka na?" tanong ko na medyo nilakasan ko rin ang boses ko para magkarinigan kami.
It's already 3:30pm. He should eat his snack.
"Naghahanda na ho si Manang," sagot nito at ngumiti. "Kayo ho, kumain na?" balik na tanong nitong hindi ko inaasahan.
Umiling ako. "Hindi pa rin..."
"Baka gusto niyo akong sabayan?" pilyo nitong paanyaya sa akin kaya natawa ako.
"P'wede ba?" pilya ko ring sagot at tumaas ang dalawa kong kilay na naaaliw sa kanya.
"Isa hong karangalan." Nagawa pa niyang mag-bow na kunwari isa akong prinsesang kagalang-galang kaya napahalakhak ako.
Baliw...
"Fine, bababa ako kakain ako kasama ka." Ngumiti ako at halatang nabigla pa siya.
"Biro lang, Senyorita!" pigil niya sa akin.
Nangunot naman ang noo ko at napalis ang ngiti ko nang akmang aalis na ako para lang bumaba at muli ko siyang tiningnan sa baba.
"Hindi ako nagbibiro, I'll eat with you," seryoso at pinal kong sinabi. H'wag niya ako ipahiya.
"Nakakahiya ho, marumi at pawisan ako—"
"Eh, ano? Katawan mo ba kakainin ko?"
Natigilan siya at nakatitigan kami.
Doon, napatawa ako. "I won't mind if you're dirty, the food is the thing we eat, not your body baby boy, so relax." I chuckled and winked.
Umalis na ako roon at hindi ko na hinintay pa na magsalita siya pero nahagip ng mata ko na nagugulat siya sa inaasta ko, well I am just being natural. I giggled.
Lumabas ako ng kwarto at tinungo ang pasilyo ng palapag pababa ng hagdanan, saktong natanaw ko si Manang Flora na may dalang tray ng meryenda para kay Pancho at papunta na sana sa likod bahay.
"Manang," tawag ko kaya sandali itong natigilan at nilingon ako at agad akong lumapit.
"Bakit, Senyorita?"
"Is that for him?"
Tumango ito. "Oo, dadalhin ko na sa labas—"
"Ikuha niyo rin ako ng meryenda ko, kakain ako kasama siya," hayagang kong sinabi na walang pagaalangan na ikinaawang naman ng bibig niya sa pagkabigla.
Pero hindi na siya nagsalita pa, agad siya bumalik sa kusina para ikuha ako ng akin para pagsabayin na dalhin doon sa labas pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang palihim nitong malisyosang pag-ngiti.
Malisyosa. Natawa na lang ako sabay irap at nag-tungo na nga ako sa likod bahay namin kung nasaan ang makisig kong hardinero.
Yes, I claimed him that way. Bakit ba?
Naabutan ko siyang nasa may ilalim ng malaking puno ng mangga nakaupo na sa mahabang kahoy na bangko nagpapahinga na pero nanatiling wala siyang pang-itaas na suot.
Ang mga kamay nakatuon sa inuupuang bangkong kahoy sa magkabilang gilid niya, at pahilig na nakasandal sa hangin, habang nakatanaw sa malayo.
Tumikhim ako nang makalapit kaya siyang baling niya sa akin at napangiti nang makita niya ako.
"Senyorita." Natawa pa siya nang tumigil ako sa tapat niya pero hindi na siya nag-abalang umayos ng upo.
Nakatingala siya sa akin habang pinagmamasdan niya ako pero gayon pa man nakipagtitigan pa ako sa kanya kahit nakakailang ang ibinibigay na tingin ng mapupungay niyang mga mata.
"Talagang sasabay ho kayo sa aking mag-meryenda?" batid niya na hindi niya inaasahang sasabay ako sa pangalawang pagkakataon at lalapit ako sa kanya ng ganito.
Tumango ako. "Yes, ayaw mo ba?" Tumaas ang isa kong kilay kaya muli siyang natawa sa akin.
"Hindi naman ho. Pero hardinero ako, anak kayo ng may-ari nitong bahay. Hindi ba kayo naiilang sa akin? Natatakot?" Pinaningkitan pa niya ako ng magaganda niyang mga mata.
"Why would I?" I asked like there's no reason for me to feel afraid nor awkward with him. "I will eat with whoever I want with."
Amusement becomes more visible on his face. "Kayo hong bahala." He chuckled at napayuko, pero muli ring ibinalik ang tingin sa akin.
"Pero hindi ba kayo natatakot baka mamaya nangangagat ako?" Binigyan niya pa ako ng tila babala at makahulugang titig.
"I won't mind, nangangagat din naman ako."
Nagkatitigan kaming dalawa nang manaig ang katahimikan dahil sa sinabi ko, matagal pa bago siya nakapag-react kaya dinaan na lang namin sa tawa ang pareho naming pagiging tahasan.
"Pala-biro ka rin pala, Senyorita." Ngumisi siya.
Magsasalita pa sana ako nang dumating na si Manang Flora dala ang meryenda naming nasa pang-dalawang tray na kaya panabay naming nilingon ito.
"Ito na ang meryenda niyo." Magiliw nitong inilapag na sa kahoy ding lamesa ang mga pagkain namin na inayos din ang pagkakalapag.
Umalis din si Manang Flora pero nakita ko ang palihim niyang pag-kindat kay Pancho na ikinataas ng isa kong kilay. What was that for?
"Kain na ho tayo," anyaya na sa akin ni Pancho na tumayo na nauna nang lumapit sa lamesa kung nasaan may nakabukod na mga silya at naupo na.
Lumapit na rin ako at naupo sa silyang katapat ng kanya sa kabilang bahagi ng lamesa, pero bago kumain timingin ako sa langit na santing ang init.
"You don't have to work in this kind of hot weather after mo kumain," saad ko giving him rest hours.
Pero umiling siya. "Hindi ako binabayaran ng Daddy niyo para maupo lang," katwiran niya.
"Hindi ko naman sinabing maupo ka lang, ang sinasabi ko kung ganito kasanting ang init, h'wag mong pilitin magtrabaho sa ilalim ng araw, tan ka na nga, lalo ka pang iitim." Inirapan ko siya.
"Concern ho kayo sa balat ko?" Tumawa siya habang naguumpisa nang kumain. "Sanay ako sa mabibigat na trabaho, wala ho ito."
Tiningnan ko lang siya habang kumakain siya, cowboy siya ngayon kumpara kanina nang mag-sabay kaming mag-agahan, he eats now like he doesn't care who's around him. He seems comfortable now with my presence. I smiled.
"Okay... bagay naman sa iyo ang balat mo kahit brown ka." Ngumiti ako at nagumpisa na rin siyang sabayan kumain pero narinig ko siyang tumawa.
Tuna with pesto pasta ito, with garlic toasted breads on our plates, luto ni Manang Flora and this is one of my favorite foods she mostly serves.
Kumain na lang ako pero nang mag-angat ako ng tingin sa kanya nahuli ko siyang nakatitig sa akin habang may ngiting hindi maikubli sa mukha niya kaya naisipan ko siyang tuksuhin.
"Masiyado ba akong maganda para titigan mo ako ng ganiyan, Mister Hardinero?" I asked him while my one eyebrow raised which made him chuckled.
"Kung sasabihin kong oo... sasabihan niyo ba akong bolero?" rekta niyang sagot pero imbis na matawa ako nanginit ang mukha ko.
Idinaan ko lang sa tikhim at tumuwid ng upo. "Palagay ko bolero ka nga." Tumawa lang ako.
Nakaramdaman ako bigla ng ilang at hiya sa kauna-unahang beses at sa lalaking ubod pa ng simple.
"Nagtanong ka, Senyorita... sinagot lang kita." Ngumisi pa siya at sinubo ang pastang nasa tinidor nang hindi niya iniaalis ang tingin niya sa akin.
Oo nga, pero parang ginigisa ko ang sarili ko sa sarili ko ring mantika. This man... I found him... hot. F*cking hot.
Kaya pinili kong ibahin ang usapan. "How old are you?" Wow, Amity curious? P'wede kong ipa-check ang background niya pero mas gusto ko alamin galing sa bibig niya.
"30."
"Married or in a relationship?"
"None of the above." He chuckled.
Oh... he's... single. I grinned.
"At your age... why do you still have no girlfriend? Aren't you planning to have your own family?" I asked again with curiosity this time.
I know I'm asking too many personal questions but I can't help it. Buti na lang hindi suplado ito, mabilis kausap marunong at alam lumugar.
"Wala pa ho akong ipakakain," sagot niya na rekta, puno ng pagiging praktikal na ikinatigil ko. "Kita niyo naman kung ano lang ang trabaho ko, Senyorita."
Tumagal ang tingin ko sa kanya.
"Scared of responsibility?" My eyebrow arched. Isang maling sagot lang laking dismaya ko na.
Umiling siya at natawa. "Hindi ako takot sa resposibilidad... takot akong makatagpo ng babaeng hindi ko kayang ibigay ang lahat," malaman niyang sagot na lihim kong ikinahigit ng paghinga.
He even becomes more serious.
"Paano kung ang makatagpo ko, hindi kaya makuntento sa kaya lang ibigay ng lalaking tulad ko?" I don't know if that's a question or a statement.
Hindi ko alam hahantong kami sa ganitong seryosong usapan. Kasalanan mo kasi Amity at tanong ka kasi nang tanong. But there's a part of his words making me feel guilty about something.
Dahil siguro isa ako sa mga babaeng nasanay nang meron simula bata pa lamang, at ang makapangasawa ng binatang katulad niya ay siguro... unacceptable para sa iba.
"But... not all women are the same," I defended dahil babae rin naman ako.
And I know myself that whatever this kind of a man can provide maybe... I can accept him without any complains? I know my mind is getting too far, pero tutal napag-usapan naman na rin lang.
"Hindi naman lahat... ambisyosa, mukang pera," dagdag ko pa dahil bakit? Ayokong lumabas na kaya ko lang sinasabi ito may kaya ang pamilya namin.
Because me, myself isn't like that.
Natawa siya muli pero hilaw. "Marahil hindi kayo ganoon, iba-iba ang tao, pero paano nga ho kung matapat ako sa ganoong klaseng babae?" Ngumisi siya.
Hindi ako nagsalita.
"Kaya bago ko pasukin ang pagaasawa, kailangan handa na ako at kailangan makita ko muna ang babaeng para sa akin na kaya akong pakisamahan sa hirap man o sa ginhawa."
Habang sinasabi niya iyon, nakatingin siya ng rekta sa akin habang napapalunok ako, at nakatitig din sa kanya.
"Dahil mahirap makatagpo ng taong kaya kang tanggapin ng buo, kung ano ka lang, Senyorita," malaman pa niyang dagdag at muling ngumiti sa akin.
"Kayo ba, may nobyo?" tanong niya naman sa akin.
Umiling ako. "Wala pa, hindi pa rin ako ready."
Tumango-tango siya. "Mabuti, pareho pala tayo." Pagak pa siyang natawa kaya natawa na rin ako.
Kahit hindi ako natutuwa.
"H'wag na h'wag kayong papasok sa relasyong hindi niyo muna pinag-iisipan... dahil sa oras na nandoon ka na, hindi ka na makakalabas pa."