CHAPTER THREE

1524 Words
THIRD PERSON'S POV "It's beautiful, but it looks sad and painful," namamanghang bulong-bulungan sa loob ng exhibit large room kung nasaan ang mga mayayamang clients and buyers na nag-vi-view ng art works. Pinalibutan ang artwork ni Amity, isang uri ng trauma vintage art kung saan forte niya ang gumawa ng ganito. Her passion is to paint whatever she feels... and her every work is the reflection of her life, her mistakes, her pain and her pride. The painting itself, a woman standing full of fire scars on her arms and she's in the middle of nowhere. The theme and settings were in the middle of the dark blue night under the beautiful bright full moon with a loosing leaf tree beside her. The painting mixed with dark brought by darkness of the night and fire symbolizing her strength on her body from her pain and lastly the brightness behind her coming from the full moon symbolizing hope. Habang pinagmamasdan niya ang sarili niyang painting, hindi niya lang maiwasan makaramdam ng pamimigat sa dibdib. Her life seems perfect outside, but it is not. She smiled at her art work, at napabulong. "You still look perfect even if you're defenitely imperfect." She chuckled at herself habang nasa gilid lang siya at nakahulikipkip na nakasandal sa haligi ng exhibit room. Hinahayaan niyang pagkaguluhan ang painting niya. She sighed and just smiled. Siguro masasabi niya na ang isang artist na katulad niya nakakagawa ng magagandang obra depende rin sa pinagdadanan nila. The more you experience pain, the more your artwork shines as a brilliant diamond, the more it will become expressive. And even how dark the painting was, once people appreciate it, they would love it, "Who's the artist? I wanna pay her double," narinig niyang sinabi ng isang buyer kaya kaagad nanlaki ang tainga niya. Saktong kausap nito ay ang may-ari ng museum na pinagdadausan ng exhibit na si Mr. Conrad kaya kaagad siya nitong tinawag, kinawayan mula sa likod ng kumpulang mga tao. Agad naman siyang tumalima at lumapit sa kinaroronan nila at ipinakilala na nga siya sa mga nakakagusto ng painting niya. "You have a fantastic taste, Madam! She's Amity Safa Fuentez, the artist of Safa's art," ipinakilala siya ni Mr Conrad sa kanila in a formal way. Amity bowed her head slightly as respectful greeting. "Hello, nice meeting you," she waved her hand at them and smiled politely. "Ang ganda naman pala ng artist ng Safa Art 109!" bulalas nila kaya natawa siya at nahiya pa sa pagpuri sa kagandahan niya. Safa Art 109, lahat ng paintings niya tinatawag niyang Safa Art, at ang numero, iyon ang bilang nila kung pang-ilan na sila sa mga nagawa niya. And this art woman is on fire in the middle of the dark night under the moon, she's Safa Art 109, at pang 109 niya nang paintings ito, she's her latest artwork. "Hindi ka lang magaling mag-painting, ang ganda-ganda mo rin pala talaga sa personal! We're pleased to meet you, Darling!" saad ng nakilala niyang si Ma'am Eliza na mukang willing magbayad ng kahit magkanong halaga ng painting niya. "Salamat po, kayo rin ho ang gaganda niyo," balik niyang puri sa kanila na ikinatawa nila. They've talked a lot, diretso interview na rin tungkol sa paano niya bang ginawa o kung anong inspirasyon niya habang ginagawa niya ito. They even asked kung siya ba itong mismong ipininta niya but she denied, her paintings show her experiences but she's not literally in the painting. Sabihin na nating, it's just a reflection of her. They offered huge amounts for painting, gusto nang on the spot bidding ngayon na mismo and they even showed their cheques at nagpapalakihan ng amount but she shook her head saying they could buy it at auction. Yes, naka-auction ito and all the paintings here are just for promotions para maraming dumalo sa sa gaganapin sa event susunod na linggo dito rin mismo sa museum. At lahat naman ng mga naka-display rito ay ibebenta so she informed them to not worry, pero paunahan na lang talaga. Natapos ang maghapong event exhibit, naging masaya ang takbo ng event, ang painting niya ang naging main attraction kaya tuwa ang may-ari ng museum, lalo kaya na siya pang nag-pinta. "You have really a great hand and ideas, Amity! Palaging solid ang nilalabas mong artwork, yayaman ka talaga niyan!" bulalas ni Mr. Conrad nang nagsisi-labasan na ang mga tao. Tumawa lang siya. "Hindi naman, Mr. Conrad," she still acted humble even though she's really not and she put her hands inside her coat pockets. "Napaka-humble talaga." Humalakhak pa ito kaya muli siyang natawa. "Siya, paano? Gabi na rin at nagsi-uwian na ang mga clients at buyer natin. So ano, next week na lang, hm? H'wag ka mawawala sa auction day!" biro pang banta nito. Tumango si Amity. "Yes, Sir. Of course." She chuckled at hinatid na rin siya sa labas ng malaking museum center. "Did you bring your car?" tanong nito habang pababa sila sa batong hagdanan. Umiling siya. "No, I didn't. Pero on the way na rin ang driver ko, and he must be in his way." "Oh, alright. Ihahatid na sana kita pero may maghahatid naman na pala sa iyo pauwi, so paano? Next week na lang, huh? H'wag kang mawawala." Ngumiti ito at inakap siya bilang paalam. Gumanti rin naman siya ng casual na yakap dito at beso sa pisngi at saktong humiwalay na siya, siya namang tigil ng family car nila sa mismong tapat nila ni Mr. Conrad sa tabi ng kalsada. "Oh! Manong is here na! Bye Mr. Conrad!" She waved her hand saying goodbye to the kind, good looking and gentle man owner of the museum who also waved back. Nagpamulsa ito ng isang kamay. "Ingat, Amity, see you next week!" And he chuckled, he looked very happy every magkaka-auction dito sa laki ba naman ng perang iniaangkat din niya sa museum nito. And she's about to open the car door to get in nang matigilan si Amity nang bumaba bigla ang driver ng family car nila. At nagulat siya kasabay ng panlalaki ng mata nang makita kung sinong bumaba, hindi si Manong Kanor ito, kundi si... Pancho?? Nangunot ang noo niya kasabay ng pag-awang ng bibig nang mabilis itong nakalapit sa kanya at ito na ang nag-bukas ng pinto para sa kanya. Kapansin-pansin din ang pagiging malinis nito ngayon, even he's just wearing a black plain cotton and fitted t-shirt, along with a khaki fitted pants and his pair of casual rubber shoes, he looks decent. Tumikhim naman bigla si Mr. Conrad dahil napansing bakas ang pagkabigla sa kanya. "Amity... who is he? Your boyfriend?" he asked her maliciously with a judging look nang tingnan nito mula ulo hanggang paa si Pancho. Bigla-bigla sa isang iglap uminit naman ang ulo ni Amity kung paano nito tingnan ang binata. Pero napakurap siya sandali hindi agad nakasagot kay Mr. Conrad nang muli niyang balingan si Pancho naabutan niyang nakatitig pala sa kanya ito pero hindi nagsasalita. But when she's about to speak up to say yes, to lie that he's her boyfriend bigla naman naunahan siyang kaagad ni Pancho na sumagot! "Hindi ho, napag-utusan lang ako na sunduin si Senyorita," tapat na sagot nito kaya hindi niya napairal ang sanang kalokohan niya. "Oh... ganu'n ba? Sige, sige, paki-ingatan na lang siya man, ingat sa pagmamaneho ah! Mahal iyan na hindi mo kayang bayaran." Kumindat pa si Mr. Conrad at ngumisi ng nakakaloko kaya biglang nagpanting ang tainga ni Amity sa kagaspangang ipinakita nito kay Pancho kaya automatiko sinamaan niya kaagad ng tingin ang lalaking nataong hindi nakatingin sa kanya kundi kay Pancho. What this f*cker said? She wants to hear it again. What is he talking about? Is it her value or the value of their family car? Automatikong tumalim pa ang tingin niya kay Mr. Conrad. At nakita naman agad ni Pancho iyon kaya ang binata, agad na sumagot na may ngiti sabay hila sa kanya sa kamay at inilagay pa siya sa likod para takpan siya na ikinabigla niya. "H'wag kayong mag-aalala, Sir... basta ako ang kasama ni Senyorita hinding-hindi siya mapapahamak, dahil ako muna bago siya," malamang sinabi Pancho habang nanatili itong nakahawak sa kamay niya, tinatago siya sa malapad nitong likod. Para siyang na-estatwa. Nakaramdaman siya ng kung anong mainit na humaplos sa kanya nang marinig niya ang sinabi ni Pancho. At nang humarap ito tumingin pa muna sa kanya saka mas nilakihan ang pagkakabukas ng pintuan ng passenger seat at tinuran na siyang sumakay na sa loob. "Sakay na, Senyorita at iuuwi na kita." And there he just gave her the sweetest smile she had ever seen before and his gaze showed assurance that he will drive her home hundred percent safely... Her heartbeat suddenly beats faster than normal. Pakiramdam niya muli lahat ng dugo niya sa mukha napunta. What's happening to her? This man does not have much money, he is just a hardener but his tongue... it's sweeter than sugar. P'wede ba niya sabihin dito na h'wag na siya sa bahay ng Daddy niya iuwi? Kundi sa bahay na lang nila kung saan man itong lupalop nakatira.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD