Amity's POV
"Why did you stop me when I was about to defend you to that f*cker? Didn't you hear how he insulted you?" pagalit ko rito kay Pancho na mukang relax na relax lang.
Nasa sasakyan na kami nasa back passenger seat ako at siya nagmamaneho habang nasa daan ang tingin at sinulyapan ako sa upper mirror kaya kita niya ang iritasyon sa akin.
Maybe I am overreacting right now na ako itong nagagalit dahil ininsulto siya ng ibang tao sa harapan ko gayong napag-utusan lang naman siyang sunduin ako?
I regretted that I complimented that assh*le Mr. Conrad about he was kind, hindi naman pala matapos nito kutyain ang hardinero ko.
"Kumalma lang kayo, Senyorita. Wala ho sa akin iyon." Nagawa pa niya akong nginitian at pagak na natawa dahil sa nakikita niyang hilatsa ng mukha ko at ibinalik na niya rin ang tingin sa unahan.
Humalukipkip ako at tumanaw na lang sa labas ng bintana ng sasakyang umaandar. Para bang ang haba-haba ng pasensya niya... samantalang ako.
"Ininsulto ka na, nakakangiti at nakakatawa ka pa diyan." Inirapan ko siya at huminga ng malalim para kumalma na.
"At bakit nga pala ikaw ang inutusan ni Daddy na sunduin ako? Nasaan na si Mang Kanor?" pag-iiba ko na lang ng usapan.
"Nagkasakit daw ho iyung anak kaya nagpaalam na hindi kayo masusundo at nakisuyo sa akin si Sir William na ako na ang sumundo sa inyo," sagot naman niya ng malumanay.
"Buti marunong kang mag-drive? Akala ko pagtatabas lang at pagpapala lang ng lupa ang alam mo, you can drive pala." Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa labas ng bintana.
Muli siyang natawa. "Sinabi ko naman ho sa inyo na marami akong alam gawin," saad niya na pasimpleng nagmamalaki.
Tumikhim ako at umayos ng upo para dumungaw ako sa unahan, ilapit ang sarili at mukha ko sa headrest ng kinauupuan niya kaya nagulat siya nang dungawin ko siya.
Ako naman ang natawa. "Kumain ka na?" malambing kong tanong. "Ako hindi pa." Nginitian ko pa siya ng ubod ng tamis.
Tumikhim siya na tila ba may bagay na nagpahirap sa kanya nang makita niyang sobrang lapit ng mukha ko sa headrest ng driver's seat, at malapit sa pisngi niya na iisipin mo nanakawan ko siya ng halik.
"Hindi pa rin ho ako kumakain, kakain na sana pero napakiusapan sunduin kayo," sagot niya na ikinalawak ng ngiti ko.
"Kain tayo? Saan mo gusto? Sagot kita!" excited kong anyaya sa kanya na siya namang ikinatawa na rin niya.
"Sa bahay na, Senyorita. Gabi na rin ho. Hinihintay na kayo ng Daddy niyo at ako uuwi na rin at nang maaga makapahinga," hindi niya pagpapaunlak sa akin kaya nawala ang ngiti ko.
Tumingin ako sa suot kong relo kasabay ng pangungunot ng noo ko. "Its already 6:30 pm pa lang, Pancho!" Sinimangutan ko siya.
"Ikaw na nga inaaya at ililibre ayaw mo pa?"
"Hindi ako sanay na babae ang gumagastos tapos ganiyan pa kaganda," rason niya na ikinatigil ko at napatulala sa kanya.
Pakiramdam ko muli niyang napaakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko sa pangawlang pagkakataon.
Kaya napatitig ako sa mukha niyang seryoso at naka-side view habang nasa harap lang ang tingin, wala pang bahid biro sa sinabi niya.
"I-I said my treat! Okay lang sa akin kahit ako ang—"
"Hindi ho, Ma'am. Nakakahiya." Natawa pa siya pero alam ko seryoso siya tinatanggihan ako.
"Ano na lang sasabihin ni Sir William kapag nalaman sa labas kayo kumain kasama ang bagong hired niyang hardinero, hindi ho iyon matutuwa," dagdag pa niya kaya napatiim bagang ako.
"Wala siyang pakialam dahil pera ko naman ang gagastusin ko. At ano namang masama to dine with you?" Umarko ang isa kong kilay.
Huminga siya ng malalim tila ba nauubusan ng rason para tumanggi. "Ganito na lang ho, Ma'am."
Napaayos ako ng upo at nakinig pero nanatiling nakadungaw ako sa kanya.
"Sige, papayag ako kumain kasama kayo pero ako ho ang manlilibre at kahit saan ko kayo dalhin na kaya lang ng pera ko, h'wag kayo magrereklamo?" tila ba kundisyones iyon dahil ako itong mapilit.
Lumiwanag muli ang mukha ko at lumawak ang pagkakangiti "Sure! Saan ba iyan?" tuwa kong pagpayag at natawa siya.
Hindi niya ako sinagot, nakangiti lang din siya katulad ko, nagmaneho siya papunta kung saan at nag-stop over kami sa isang... food park dito sa Manila na may tindang kung anu-anong street foods?
Napakurap ako habang nililibot ko ng tingin ang paligid nang makababa kami, nag-park lang siya sa isang parking lot diyan sa tabi at iginaya niya na ako sa street food park. It's a river side food park.
"Dito lang kita kaya dalhin sa ngayon, Senyorita. Kaya pagdamutan niyo na sana," nakangiti niyang sinabi habang nakatingin siya sa mukha kong nililibot ng tingin ang paligid na maraming casual na tao.
Binalingan ko siya at ngumiti. "Ayos na dito."
Nabigla pa siya at napatitig sa akin nang makita niya totoo ako nang sabihin kong ayos lang na dito niya ako dinala.
"I won't force you to afford something that you couldn't buy. And in fact, ako naman talaga ang nag-aya, napilitan ka lang and because of your pride ayaw mo palibre kaya dito ang naging ending natin," dagdag ko pa na may pagak na pagtawa.
"Sawa na rin ako sa pagkain sa fine dinning, kaya p'wede na rito, at least I can try foods that I haven't tasted yet." I smiled at him so sweetly at hanggang ngayon nakatitig pa rin siya sa akin.
I don't know why I'm doing this kahit alam ko sa sarili ko na hindi ako nakain sa ganitong lugar o umaapak man lang but look at me now? I scoffed at myself.
And also I wanted him to feel comfortable with me the way I'm comfortable with him...
Silly, right? I know right.
"I know that I'm more beautiful than a beauty queen, Pancho pero h'wag mo akong tingnan ng ganiyan na parang gusto mong tunawin ako at kainin," biro ko at doon na para siyang nagising mula sa pagkakatitig sa akin at dinaan niya lang ako sa tawa.
Dahil kapag ako ang gumawa niyan baka ikaw ang una kong makain. Nakagat ko pa ang ibabang labi ko at natawa na rin pero sa sarili ko.
"Nakakatunaw ba akong tumingin?" tanong niya na parang hindi siya aware pero halata naman nagpipigil ng ngiti.
"Pasensya na, hindi ko lang mapigilan, Senyorita... masiyado lang siguro akong namamangha."
"Namamangha? Saan naman?" Clueless pa ako at nagumpisa na kaming mag-ikot para pumili ng kakainan at habang naglilibot patuloy ko lang siyang kinakausap.
"Huy! Tinatanong kita anong sinasabi mo nakakamangha?" Natatawa kong ulit dahil ang tagal niya namang sumagot.
"Ah, ayun! Mukang masarap, oh!" turo ko nang mahagip ng mata ko ang parang pusit na may harina. "Ito, Calamari ba tawag dito?"
Nahawakan ko pa siya sa braso para sana hilahin siya at ipakita sa kanya.
Pero paglingon ko sa kanya sa tabi ko nakita ko hindi naman siya sa itinuturo ko nakatingin kundi... sa akin.
Natigilan ako at ngumiti siya.
"B-Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" Napahawak tuloy ako sa pisngi ko at bigla akong na-concious sa harapan niya.
Umiling siya. "Akalain niyo nga naman na ang tulad niyong mayaman papayag sumama sa tulad ko na hindi kayo kaya dalhin sa mamahaling lugar. Iniisip ko kung gaano ako swerte, Senyorita."
"Mapalad ako at nakakahanga na sa kabila ng estado nating magkaiba, willing kayong makipag-kaibigan sa akin."
Nanginit ang magkabilang pisngi ko.
Nakikipag-kaibigan? Ako?
Iyon ang tingin niya?
"Hindi kayo nahihiya kahit simpleng tao lang ang kasama niyo, hindi ka nangangamba sa sasabihin ng iba kung makita man kayo ng mga nakakakilala sa inyo," dagdag pa niya.
Iyon pala ang iniisip niya... kanina pa.
Pagak akong natawa at humalukipkip sa harapan niya. "Kung iniisip mo na mabuti akong tao, Pancho... nagkakamali ka."
"Hindi basehan ang pagsama ko sa iyo rito."
"At paano kung sabihin ko sa iyo..." Natawa pa ako at malagkit ko siyang tiningnan. "I'm not here to make friends with you?"
Hindi siya nagsalita.
"Let's say... hmm... more than that."
He looks stunned pero mabilis siyang nakabawi at nagpamulsang umayos ng tayo sabay seryosong tinawag ako.
"Senyorita..." Napasagitsit siya at nahagod ang sariling baba niya. "Nakukuha ko ang ibig niyong sabihin." Sabay ngumisi kaya ngayon ako naman ang natigilan.
"Pero ako na ang nagsasabi sa inyo, h'wag niyo nang subukan," babala niya na hindi ko alam kung biro ba iyon o... ano na ikinapalis ng ngiti ko.
"And who do you think you are to tell me what to do, huh?" I chuckled but deep inside I am starting to feel anxious because of the way he stares at me...
His eyes are giving me something flammable.
"At ano naman gagawin mo kung subukan ko gawin ang gusto ko sa iyo?" may hamon kong tanong at sa pagkakataong ito naging hayagan na ako.
Dinaan niya lang ako sa tawa, tawang walang bakas ng tuwa kaya nawala ang ngiti ko at nagtataka ko siyang tiningnan.
Yumuko siya hawak ang sariling baba niya, ang isa namang kamay nasa bulsa. Unti-unti muli siyang nag-angat ng tingin sa akin pero sa pagkakataong ito, sumeryoso siya.
"Baka magsisi kayo, kayo rin." Sabay ngisi.
"Kung ako sa inyo hindi ako maglalaro kung hindi ko kayang tapusin," may babala pa niyang dagdag sabay tinalikuran na ako at nauna na siyang maglakad.
At ako? Naiwang natulala sa malapad niyang likod na nauuna nang maglakad papalayo sa akin.
What the f*ck did he... say?