CHAPTER FIVE

2144 Words
Amity's POV "Anong oras ka naiuwi ni Pancho kagabi?" tanong sa akin ni Daddy kinabukasan na ikinabigla ko pa. Today is Sunday but it's a miracle na nandito siya naabutan ko sa lamesa, samantala ang tagal na noong huli ko siyang nakasabay halos hindi ko na matandaan. Wala akong imik na naupo sa pwesto ko at saka ako sumagot ng tipid. "8:00." And I hold the pair of fork and spoon. Tumikhim siya. "How's your sleep, princess?" Uh, huh? He's in the mood to talk to her daughter, huh? "Better," tipid kong sagot ulit. Kaya narinig ko siyang napasagitsit. "Look, Amity..." He seems like guilt is taking over him. "Sorry if you haven't seen me even though we are in one house, I just really got busy on a business trip, alam mo naman ang kapatid mo tini-train ko na siya because anytime soon mag-re-retire na ako—" "Wala akong pakialam, Daddy," malamig kong sinabi kaya siya natigilan at mula sa plato nag-angat ako ng tingin sa kanya. "I am just here in this house because you... say so." Tiningnan ko siya ng rekta. "Matagal na sana ako nakabukod kung hindi niyo lang ako pinipigilan." Bumakas naman ang lungkot sa mukha niya. Me and my father are not in good terms since he cheated on my mother years ago with his young secretary na halos anak na niya, matanda lang sa akin ng isang taon. Alam ko naman na hindi talaga siya busy sa business namin dahil parati kong kausap ang nakakatanda kong kapatid, sinasabi nito na nandoon raw si Daddy sa mistress niya, at doon lang naglalagi. And my Mom? I scoffed. She cheated back on Daddy, gumanti, and now she lives with her new man, na mas bata rin kumpara sa edad nila. Kung kailan mga tumanda, hindi ba? Ang kwento nila, they're just a victim of arranged marriage, nabuntis lang daw si Mommy ni Daddy kaya nabuo noon si Kuya Lucas at ilang taon, nasundan at ako na ang lumabas. Noong nakikita na nila lumalaki at nagkaka-isip na kami, they admitted they already planned to separate, kahit nga noon inanak ako gusto na ni Daddy ng seperation ayon kay Mommy at iyon na nga, Daddy fell in love with his f*cking b*tch secretary leaving my mother devastated. And because of pain, when my mother realized that she really loved Daddy, her life almost wrecked and I witnessed how stressed and depressed she was. And for her to cope up, she looked for a young man too, to get revenge on Daddy and then she go along with another f*cker. B*llsh*t, right? "You know what, Dad..." I smiled bitterly at him. "You don't have to hide kasi wala na rin naman kayong itatago, if you really want to be with your secretary, go on. Walang ni isang pumipigil sa amin sa inyo." "Kaya nga gusto ko nang bumukod, para hindi na kayo mahirapan, so you can bring home your mistress here," I sarcastically said letting them be. "That's not what I wanted, Amity—" "Then what, Dad? What do you want then, huh?" I cut him off and looked at him directly. "Alam niyo na kahit ano pang gawin niyo, hindi na magbabago ang naging tingin ko, pinili niyo ang panandaliang kaligayahan kaya sana pinandigan niyo na lang." Tumayo na ako at nawalan ng gana pero bago ako umalis sa hapag kainan muli ko siyang hinarap kaya kita ko ang emosyong nagkukubli sa mukha niya kaya sa loob-loob ko nanghina ako. He's still my father after all. Sino bang may gusto ng ganito? Palagay ko wala. And everybody wants a happy family but I think it doesn't belong to us since nilabas ako sa mundong ibabaw kasi parehong may tama eh. "Meron pala kayo isa pang magandang nagawa bukod sa akin na maganda niyong anak. Salamat sa pag-hire ng bago nating hardinero." Ngumiti ako. Kapag talaga si Pancho bigla-bigla nagiibang tao ako. "That man is so kind, h'wag niyo siyang tatanggalin, okay? Because once you do it I won't hesitate to leave this house." Iyon lang at umalis na ako sa harapan niya at lumabas na ng dinning room. Pero tumigil din ako at nawala ang ngiti ko nang mapag-isa ako at matapos makausap ulit ito ng ganoon na sa tuwing nakikita ko ang Tatay ko nahahabag ang pakiramdam ko sa kabila ng mga nagawa niya. He's a good father, but not a good husband. Iyon lang. Huminga na lang ako ng malalim at pilit kong pinagaan ang nararamdaman ko at naisip ko nasaan kaya si Pancho? Kailangan ko makita si Pancho, tama. Nasaan na ba ang lalaking iyon? Parang hindi ko siya nakita kanina sa likod paggising ko? Sakto naman lumabas ng kusina si Manang Flora kaya tinawag ko. "Manang!" Agad akong lumapit dito kaya natigilan siya at nilingon ako. "Oh? Amity, tapos na ba kayo kumain ng Daddy mo—" "Nasaan si Pancho? Bakit hindi ko siya nakikita?" Imbis na sagutin siya si Pancho ang hinanap ko. "Ah! Nasa bahay nila, linggo ah? Wala siyang trabaho day off niya," imporma niya sa akin kaya natigilan ako. "Day off?" Nagsalubong ang dalawa kong kilay. "Magkasama kami kagabi wala man lang nabanggit sa akin?" May himig ng pagdamdam sa boses ko. Kaya natawa naman si Manang Flora. "Eh, bakit niya naman sasabihin sa iyo? Ano ka ba niya?" Nanlaki ang mata ko. "I'm his boss!" Tumawa siya. "Hindi ikaw ang nag-hire kaya hindi ikaw ang boss! Ikaw, Senyorita noong isang araw pa ako nakakahalata, mukang may gusto ka kay Pancho—" Agad nanginit ang mukha ko. "Shut up, Manang. I don't like him!" I denied. Talaga ba, Amity? Kahiyaan na lang kaya mo tinatanggi pero ang totoo... Pati sarili ko pinagalitan at sinaway ko at inis kong tiningnan si Manang. "I just want to be friends with him, that's all," I explained with a period. Pero kagaya noong nakaraan, binigyan niya ako ng makahulugan at malisyosang tingin sabay tumawa. "Kung hindi ako nag-alaga sa iyo simula maliit ka pa baka napaniwala mo ako nak," panunukso pa niyang biro kaya lalong uminit ang pisngi ko kaya napatiim bagang na lang ako. "Gusto mo ba siya puntahan? Ipahahatid kita sa kanya sa driver—" "H'wag na ho. Ang dumi ng utak niyo, masiyado kayong advance." Inirapan ko siya sabay tinalukuran ko na ito pero napangiti ako. Itinatanggi ko sa ngayon dahil ayokong makarating kay Pancho na galing sa ibang tao, maganda iyung siya mismo makakaalam at gusto ko ako mismo ang magpakita sa kanya. Ngingiti-ngiti ako habang nakatanaw sa labas ng bintana ng umaandar na sasakyan, inutusan ko si Mang Kanor na ihatid ako kung saan ang bahay ni Pancho. Yes, I volunteered. Nagpahatid na ako matapos kong maligo at mag-bihis. Dumaan kami sa maputik na kalsada kaya medyo nahirapan ang sasakyan, itong lugar medyo hawig sa probinsya but not totally a province. Hanggang tumigil kami sa isang loteng may bakod, sa loob nito may mga pananim at sa gitna may bahay na gawa sa kalahating kawayan, kalahatin semento. Bumaba na ako habang nakatingin sa tirahan niya, maganda naman, maayos malinis tingnan. Sinabihan ko si Mang Kanor na tatawag na lang ako sa kanya kapag papasundo na ako pauwi at iniwan na nga niya akong nakatayo sa harapan ng labas ng bakod ng tirahan ni Pancho. So... this is his home. Sakto lang ang laki ng bahay, mukang preskong manirahan dito, payapa kung pagmamasdan. Dumako ang tingin ko sa bakod na nagmistulang may gate, bukas ito kaya pumasok na ako sa bakuran niya nang walang paa-paalam. Nandito kaya siya? Luminga-linga pa ako sa paligid baka nagdidilig lang siya o nagiigib pero wala. Baka tulog pa? Naglakad ako patungong bahay niya pero bago pa lang ako lalapit sa pinto ang bigla nang bumukas ang pintuan at laking gulat ko nang may babaeng lumabas kasunod siya. "Salamat, Pancho sa uulitin." Halatang satisfied ang babae at akmang sasagot na sana si Pancho natigilan siya nang makita ako na titig na titig sa kanila ng babae. Ang akala ko ba, walang girlfriend? Hilaw at pagak akong natawa. "Senyorita? Anong ginagawa niyo rito?" Bakas ang gulat sa mukha niya na makita ako. Ngumising aso ako at humalukipkip. "Akala ko ba walang girlfriend? Eh sino ito?" Turo ko sa babae na hindi ko iniaalis ang pagkakahalikipkip ko. Nangunot ang babae, tiningnan ako mula ulo hanggang paa, bumaling kay Pancho buhat ng nagtatanong na tingin. "Sino siya, Pancho?" nalamyos ang boses nito na halata namang iniipit lang para magmukang malambing. "Ikaw ang sino ka, babae?" Hindi ko na napigilan mag-taray at bahagyang magtaas ng boses dahil sa iritasyon nang bigla naman pumagitna si Pancho at tumawa sa akin kahit wala naman nakakatawa rito! "Senyorita, hindi ko siya girlfriend, kaibigan lang ho. Siya si Teresse, nakatira diyan sa may kabilang bayan." At bumaling naman siya sa babae. "Teresse, si Senyorita anak ng boss ko sa mansyon na pinagtatrabahuhan ko ngayon," pakilala naman niya sa akin dito. "Oh, tapos na ang introduction paalisin mo na iyan at muka namang tapos na kayong magbanatan sa loob," padaskol kong sinabi na walang preno-preno kaya si Pancho gulat sa tabas ng dila ko ganoon din ang babae. "Ano pang tinitingin-tingin mo? Alis na!" Ako na ang nagtaboy sa babae na parang aso kaya dali-dali na itong nagpaalam kay Pancho. Hanggang makalayo ang sama ng tinging ipinunukol ko rito saka ko ibinalik ang tingin ko sa binatang mukang katatapos lang magtanggal ng bara sa tubo. "Senyorita, hindi niyo siya kailangan itaboy ng ganoon, kaibigan ko si Teresse—" "Kaibigan mo lang, hindi ko kaibigan." Tumaas ang isa kong kilay siyang sapo niya naman ng noo niya tila biglang sumakit ang ulo at nagpamaywang na hinarap ako ngunit halatang nagkukubli ang iritasyon. "Ano hong pakay ninyo at pumarito kayo? Day off ko, Senyorita... wala akong trabaho ngayon." "Hello? Kaya nga ako andito kasi nga day off mo." Batid kong nasaan ang common sense. "Sinadya talaga kita rito dahil naiinip ako sa bahay at baka sakaling gumanda ang araw ko kapag pumasyal ako pero hindi ko alam iinit lang pala ang ulo ko sa maabutan ko." Inirapan ko siya kaya tumawa lang siya. Muli niyang nahilot ang noo para bang hindi alam ang gagawin sa akin pero tiningnan pa rin niya ako na hindi ito nagugustuhan. "Bakit naman ho iinit ang ulo ninyo?" Natawa pa siya. "Mag-ano ho ba tayo?" Para akong nanigas sa kinatatayuan ko at nanlamig ako bigla sa narinig. Napakurap ako sa hindi ko malamang isasagot. "Sa pagkakaalam ko, Senyorita... anak lang naman kayo ng boss ko pero ang puntahan ako sa araw ng pahinga ko at magalit dahil may naabutan kayong babae sa bahay ko hindi ho ba parang..." Pinaningkitan pa niya ako habang ako hindi nakaimik. Idinadaan niya ako sa biro pero parang gusto kong kainin ng lupa sa kahihiyan. Para akong sinampal at binuhusan ng malamig na tubig at nagising, napatanong kung ano nga ba ang ginagawa mo rito, Amity? "Pero dibali, Senyorita nandito na rin lang naman kayo tara sabayan niyo na akong mag-agahan—" "Tapos na kanina pa, pasensya ka na kung naabala kita." saad ko nang mapagtantong mali ito. You're not like this as low, Amity... Nakakahiya ka. Tumalikod na lang ako para maisalba ang natitira kong kahihiyan. Gusto ko maiyak sa inis ng rektahin niya ako. Hindi dahil mali siya kundi mali itong ikinikilos ko. Mali ako. You have no right, and you have to know your place, Amity. Ikaw ang nagpunta sa bakuran niya, pero nang may nakita kang babaeng lumabas sa bahay niya na obvious nanakasiping niya you questioned him like a nagger! Nabara ka tuloy! Akmang lalakad na ako paalis dito dahil sa kahihiyan bigla nagulat ako nang hawakan niya pulsuhan ko at pinigilan ako sa pag-alis. "Saan ka pupunta?" tanong niya kahit alam niya namang uuwi na! Hindi ko siya hinarap, nanatili akong nakatalikod. "Uuwi na, I have no reason to be here." Sinubukan ko alisin ang kamay niya pero hindi niya binitawan. "Why?" Narinig ko na naman siya sa lavish accent niya. "Sinabi ko naman na hindi ko siya girlfriend—" "Oo, sinabi mo nga pero hindi ako dapat manghimasok sa personal mong buhay, and you are right, I'm just the daughter of your boss so I should keep my distance—" "Wala naman akong sinabing dumistansya ka, Senyorita," biglang lumambot ang boses niya na may bahid lambing dahilan para manlambot ang mga tuhod ko. "Pasensya na sa nasabi ko—" "No." I cut him off at umiling. "I'm the one who needs to apologize for invading someone else's privacy," I said toughly. "And I'm the one who should know my place, hindi ikaw." And there I pulled my hand away from him na binitawan na rin niya at lumabas na ako ng bakuran niya. You should hold on to yourself, Amity. Nakakahiya ka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD