CHAPTER SIX

1147 Words
THIRD PERSON'S POV "Manang," tawag ni Pancho na may pagaalangan kay Manang Flora nang magdala ito ng meryenda sa kanya ng umagang iyon. Ibinaba niya ang hawak niyang pangbungkal ng lupa. Pawis-pawisan siyang hinarap ng ginang at hindi niya malaman kung paano ba niya itatanong kung nasaan ang Senyorita. Dahil simula noong magpunta ito sa bahay niya at napahiya dahil napagsalitaan niya ng hindi kaaya-aya may isang linggo nang halos hindi niya ito nakikita. "Bakit, Pancho? May kailangan ka pa ba? H'wag ka mahiya mag-sabi." Pala-kaibigan na ngumiti ang ginang sa kanya. Nakagat niya ang ibaba niyang labi at napahagod sa batok hanggang hindi na nakatiis magtanong. "Si Senyorita, ho? Hindi ko nakikita." "Ah, si maldita ba kaya pala hindi ka makali." Tumawa pa ito kaya natawa rin siya. "Nasanay ka na kaagad sa pagiging makulit niya, ano?" may himig panunukso nito. "Kaya hinahanap-hanap mo na." Napatawa siya. "Hindi naman, Manang. Nagka-atraso lang ho ako hindi lang maatim ng konsensya ko kaya ho naitanong ko kung nasaan siya ngayon," tapat niyang sagot. "Ganoon ba? Tungkol ba ito sa nakaraang pagpunta niya sa bahay mo nang walang pasabi?" panghuhuli nito. Hindi siya nagsalita, hindi siya um-oo, hindi rin niya itinanggi kaya huminga ng malalim ang ginang saka siya nginitian. "Wala siya, nasa condo niya at doon muna umuuwi ngayon." Natigilan siya. Kaya pala hindi niya nakikita. Ngumiti siya at tumango na lang siya. "Kaya ho pala." Pakiramdam niya, umiiwas na nga talaga ito. "Sige ho, balik na ako sa trabaho." Kinuha niya na lang ulit ang pang-bungkal ng lupa at tumalikod na rito pero natigilan siya nang magsalita pa ito. "Alam mong gusto ka ng alaga ko, hindi ba, Pancho?" may panunukso at panghuhuli sa tono ng tanong nito. Hindi siya humarap. Nanatili siyang nakatalikod ni hindi rin siya sumagot. "At gusto mo rin siya, ramdam ko at hindi kayo makakapagtagong dalawa sa akin, palaging tayo ang magkakasama noon nagdaang mga araw." Nanatili siyang walang imik, nasa kawalan ang tingin. Wala siya sa posisyon sumagot. "Nakikita ko kung paano mo hagurin ng tingin ang dalaga namin, at ganoon din naman siya sa iyo kaya mabilis lang malaman." Natawa siya pero walang tuwa roon. "Sabihin na natin na tama ho kayo," may tatas niyang sinabi buhat ng seryosong mukha at boses. "Pero hindi ho ako pwede sa kanya." Natigilan naman si Manang Flora at bumakas ang lungkot sa mukha nito dahil alam niyang naiintindihan nito ang ibig niya sabihin. "Kung ligawan ko man ang alaga niyo, palagay niyo ba papasa ako?" Sarili na niya ang ininsulto at hinamak niya kaysa ibang tao pa. "Hindi naman ho sa pagiging mataas ang ambisyon pero kung sakali, magkaiba ang buhay naming dalawa, wala ho siyang kinabukasan sa akin." "Bakit ganiyan ang pananaw mo, hijo?" bakas ang labis na pagkadismaya ng ginang, na parang ito ang nasasaktan para sa kanya. "Pero umamin ka, gusto mo ba si Amity?" Umigting ang panga niya at naikuyom ang dalawang kamao. Napapikit siya at sariling paghinga hindi nagpapantay. Umiling siya. "Marami pa hong lalaki diyan, marami pa ho siyang makikilalang mas higit pa," saad niya nang hindi sinasagot ang tanong ng ginang na lalong nadismaya sa kanya. Umiiwas lang siya sa posibleng mangyari kapag hindi siya nakapagpigil dahil mukang isang aya niya lang sa babae, kayang-kaya niya na itong makuha. Kung sira ulo lang talaga siya baka naikama niya na agad ito noong napapansin niya ang kakaiba nitong interes sa kanya. Sadyang alam niya lang kung saan lang siya dapat lumugar. Hindi rin siya p'wede maging kabilang sa mundong kinabibilangan ng babaeng kagaya ni Amity. Mahirap na. Samantala, nakailang punit na ng papel si Amity dahil sa frustrations kaya nasabunutan niya ang sarili dahil hindi siya makapag-paint sa pang-110 na sanang artwork na bagong i-re-release niya next, next week. Natapos ang auction exhibit nitong nakaraan, na-sold ang Safa Art 109 through bidding kaya tiba-tiba siya pero hindi niya magawang maging masaya. Her mind is messed up. Puro pinta na ang kamay at braso niya pero paulit-ulit lang din siya sa pagsasayang ng pintura at papel... Binasa niya pa ang ibaba niyang labi at tumingala sa itaas ng kisame ng silid ng condo niya. Alam niya kung saan may mali, kung kanino may problema at walang iba kundi sa kanya. After that scene where she embarrassed herself in front of Pancho nag-umpisa na siyang magkaganito, she feels frustrated and she can't control her emotions. Sa kauna-unahang beses napahiya siya ng ganoon... minsan na nga lang siya magkaroon ng interes sa lalaki, ganito pa ang nangyari. Napasinghal na lang siya at bumaling ang tingin sa gilid niya kung nasaan ang phone niya na nag-ring kaya bagot niyang kinuha, tiningnan kung sinong tumatawag. It's her father. She hissed but she still answered the call. "Yes." But her tone has no energy. "Amity, kailan ka ba uuwi ng bahay?" tanong nito kaya nahilot niya ang noo niya. Kapag umuwi siya, makikita niya lang si Pancho, ayaw naman niya ipatanggal ito kawawa naman mawawalan ng trabaho, hindi naman siya ganoon kasama. Pero ayaw niya rin naman makita siya nito dahil abot-abot pa rin ang kahihiyan niya. Hindi naman siya galit sa binata... masiyado lang talaga siyang nahihiya sa inasta niya at ayaw niya rin na isipin pa nito na siya ang nag-fi-first move kahit kitang-kita na. "I don't know, Dad... baka dito muna ako sa condo ko mag-stay. Ayoko muna umuwi—" "Dahil ba ito sa naging paguusap natin noong nakaraan? You're mad at Daddy—" She immediately cut him off too. "No, it's not about you, Dad." Mariin pa akong pumikit. Kundi dahil sa hardinerong na-hire mo kaya parang nasisiraan ako ng bait! Pero hindi niya na lang isinatinig. "I just need... peace," I lied. "But nakakapag-paint ka naman dito sa bahay—" "I said I need peace, Dad!" Hindi sinasadyang nakapagtaas siya ng boses at alam niya natigilan ito sa pagkabigla dahil natahimik ang kabilang linya. Muli siyang napapikit at nahilot ang noo and suddenly she feels guilty. "Sorry... Daddy. I'm just stressed right now..." she apologized with hissed while trying to calm herself. "Saka wala naman kayo parati sa bahay kaya dito muna ako sa condo ko, I have my friends here so... I'm okay here. Uuwi na lang ako kapag gusto ko." There, she ended the call without even saying goodbye and she put back her phone on the floor beside her at napahiga na lang din sa sahig at tumingin siya sa itaas kisame. You should have fixed yourself, Amity... You can't be like this just because of a poor man... na muka naman hindi ka gusto, hindi rin interesado sa iyo, sinasakyan ka lang din sa mga trip mo kahit labag naman talaga sa kalooban nito. At pinakikisamahan ka lang naman dahil anak ka ng boss niya, bukod doon wala na. So you have to get rid of this f*cking feelings for him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD