THIRD PERSON'S POV Nanatili pa ng ilang araw si Amity sa condo, binibisita naman siya ng mga kaibigan niya kaya kahit papaano nalilibang siya, tanggal bagot. But today, she needs to go home. Uuwi siya dahil darating ang nakakatanda niyang kapatid kasama ang kababata nila, kadarating lang lang nito mula sa States, si Amir, hindi nalalayo sa edad ni Lucas. At sa bahay nila tutuloy ang mga ito, inaasahan nilang nandoon siya para salubungin sila bukas. "Sa wakas umuwi ka nang bata ka!" Sinalubong siya agad ni Manang Flora at niyakap siya ng mahigpit hindi pa man siya nakakapasok ng bahay at kabababa niya lang ng sasakyan. Natawa siya. Akala mo naman ang tagal niyang nawala, ilang linggo lang naman siyang hindi umuwi. Gumanti naman siya ng yakap dito hagod ang likod nito. "Ganoon niyo

