Chapter 8

1520 Words
Teka lang naman! Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway. Ni hindi man lang ako binigyan ni Brent ng pagkakataon na umalma. Kaya ngayon heto, nandito kami sa isang convenience store para bumili ng sinasabi kong condom. "What flavor do you want?" tanong nito habang isa-isang tinitingnan ang mga ito. Nanlaki pa ang mga mata ko sa narinig dahil wala man lang siyang kahihiyan na magtanong ng ganon. Kaagad akong tumalikod nang magtinginan ang mga estudyanteng nasa tapat ng cashier. Naroon din kasi ang pilian ng mga condom. Lalo pa akong nagtago at tinungo ang hygiene section. Hinawakan ko iyong femenine wash at balak kong bilhin. Literal na hindi ako handa ngayon. Kung alam ko lang. Sana pala ay naghilod ako at nagbabad sa gatas. Kanina pa ako pinagpapawisan ng malagkit. Sa buong hapon na nagdaan, tuliro ako at hindi makausap nang maayos. Hindi ko na nga nalamayang gabi na. Nagsiuwian na ang mga tao sa building niya. Kung hindi pa nagpaalam si Renzo na uuwi na rin siya ay hindi ko mapapansing nakalubog na pala ang araw. Ito na ang itinakda. Hindi ko rin akalaing sa unang araw ng pagiging personal assistant ko ay siyang unang araw din ng pagiging personal slave ko kay Brent. Hindi ko iyon in-expect, pero bakit hindi? Sa simula pa lang, iyon naman talaga ang trabaho ko sa kaniya. "Gusto mo 'yan? Sabay mo na." Rinig kong boses sa gilid ko, sinundan pala niya ako. "Mauna ka na. Bilhin mo na 'yon." Lumayo ako nang kaunti kahit alam kong wala naman nang tao banda rito. Pero syempre ay kita pa rin kami sa malaking salamin na nakasabit sa sulok nitong convenience store. Nahihiya akong malaman ng mga tao rito na ako ang kasama ng lalaking ito. Baka iniisip nilang pakarat ako— oo, 'yun naman talaga ang totoo, pero may kahihiyan pa rin naman ako. Lalo pa na ang layong tingnan ang agwat naming dalawa. Nasa twenty nine na si Brent, though hindi naman siya mukhang matanda. Kaya hindi siya mukhang sugar daddy. At lalong hindi rin naman kami mukhang magkasintahan. "Ano nga ang gusto mo roon? Hindi ko alam kung anong bibilhin dahil hindi naman ako gumagamit no'n," baritonong pahayag niya, hindi malabong dinig iyon sa kabilang aisle. "Withdrawal ako." Namula ang pisngi ko. Kanina pa nag-iinit ang katawang lupa ko dahil sa kahihiyan, pati na itong ulo ko dahil kay Brent. "Chocolate," mahina kong sinabi para matapos na itong pag-uusap namin. Kaagad akong nag-iwas ng tingin at bumaling ulit sa harapan. Madali namang kinuha ni Brent ang hawak kong feminine wash, saka siya dumeretso sa cashier. Pinagtitinginan pa rin siya ng mga tao, paano at sobrang agaw pansin niya. Ang tangkad kasi, hindi rin biro ang tindig niya bilang isang businessman. Kitang-kita iyon sa itsura niya. Kung hindi ko siguro siya unang nakilala ay baka na-indimidate na ako sa kaniya. Nauna na akong lumabas ng convenience store, na dapat nga ay ako ang bumibili ng mga bagay na gusto niya dahil isa akong PA niya. Pero malay ko bang tapos na rin ang trabaho ko bilang PA niya? Ah, alam ko na. Assistant niya ako sa umaga, slave sa gabi. Ganoon ba iyon? Gamit na gamit ang pagkatao ko sa lalaking iyon. Mukhang susulitin niya ang pagpapasahod sa akin. Lumanghap ako ng sariwang hangin. Sa labas ko na siya hinintay. Hindi rin naman nagtagal nang makalabas siya, hawak nito sa isang kamay ang brown paper bag. Nagkatinginan kaming dalawa. "Saan tayo?" Nakangiti siya ngayon, parang kagagaling lang sa tawanan mula sa loob ng convenience store. "Ahm... sa hotel?" Saan pa ba? Imposible namang mag-check in itong si Brent sa mumurahing motel o inn. "Saan ka ba dinadala ng mga naging customer mo?" malamig niyang tanong, pero halata namang nang-aasar lang. Inirapan ko ito. "Huwag mo nang ungkatin ang mga dati kong lalaki." Tumitig siya sa akin, matagal, animo'y tinatantya ang emosyon ko. Isang irap ulit ang iginawad ko rito. "Dalhin mo na lang ako kung saan mo gusto," dagdag ko pa at mabilis ding nag-iwas ng tingin. Tinalikuran ko siya, kapagkuwan ay nauna na ring tinungo ang kotse nitong nakaparada lang sa tapat. Mayamaya lang din ay sumunod naman siya. Sabay kaming pumasok sa loob ng kotse. Maigi kong ikinabit ang seatbelt ko. Knowing Brent, kaskasero siyang driver. Pero laking gulat ko nang maging smooth ang biyahe naming dalawa. Hindi nagmamadali. Relax lang din kung magmaneho si Brent. "Kaya mo naman palang magdahan-dahan sa pagmamaneho," pagpuna ko rito. "Iniisip ko lang na baka hindi tayo makaabot sa papupuntahan natin. You know, literal na sa langit ang bagsak natin." Mahina siyang natawa, saka siya saglit na lumingon sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Humalukipkip ako sa pagkakaupo ko at piniling tumanaw sa labas ng bintana. Pareho na kaming tahimik. Payapa ang gabi, pero grabe ang kabog ng puso ko. Para na iyong lalabas sa dibdib ko. Oo, kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari mamaya. Kulang na kulang pa iyong kaalaman ko pagdating sa kama, hindi sapat iyong video na napapanood ko at mga payo ni Tanya. Ano bang una kong gagawin? Isusubo ko ba muna iyong kaniya? O deretso na? Halos sumigaw ako sa utak ko. Tarantang-taranta ako, ni hindi ko namalayang nakahinto na pala ang kotse. Nagulat pa ako nang bumukas ang pinto sa gilid ko, dinungaw ako ni Brent. Ang isang kamay niya ay itinukod nito sa bubungan ng kotse. May multo ng ngiti sa kaniyang labi na pilit din niyang itinatago. "Shall we go, Miss Lalaine?" pormal niyang saad, napaismid ako. Hirap akong lumunok bago marahang bumaba ng kotse. Pakiramdam ko'y madadapa ako habang naglalakad kami ni Brent palapit sa entrance ng napili niyang hotel. Kaagad siyang nag-book ng kwarto sa babaeng nasa front desk. Nasa elevator kami pareho, kaming dalawa lang. Ewan ko ba kung dinig nito ang kumakabog kong puso. Kitang-kita ko kung paano umangat-baba ang dibdib ko mula sa reflection ko sa elevator. Hindi na rin ako makahinga nang maayos. Bumukas ang pinto ng elevator. Iniluwa kami nito sa tamang floor. Pinauna ko si Brent na maglakad, nakayuko lang ako habang sinusundan ang mga yapak niya. Literal nang wala akong masabi. Hindi ko na maramdaman ang mga paa ko, maging ang kaluluwa ko. Tila nabingi rin at wala akong marinig. Hindi ko napansing nakahinto na pala si Brent, rason para bumangga ako sa likod niya. "Kumain na muna kaya tayo?" madali kong sinabi bago pa man siya makapag-react. Tiningala ko siya na ngayon ay nakaharap na sa akin. Nasa tapat na pala kami ng kwartong nirentahan niya. Tamang-tama, hindi pa kami kumakain. Sakto pa nang kumalam ang tiyan ko. Narinig iyon ni Brent. Todo pasalamat ako nang tumango siya bilang pagsang-ayon. "What food do you like?" aniya, kapagkuwan ay inumpisahan nang buksan ang pinto ng kwarto. "Marami... gutom na gutom ako." "Baka bigla kang mahimatay sa sobrang busog?" Nagtaas siya ng kilay sa akin. "O kaya ay mawalan ng gana sa kama?" Grabe ang utak niya. Alam kaya niyang pinapatagal ko lang ang oras? Alam ba niyang kinakabahan ako ngayon? "Ikaw naman ang gagalaw, hindi ako." Umawang ang labi niya sa pinaghalong gulat at pagkamangha. Matagal niya akong pinagmasdan habang naroon pa rin kami sa hamba ng pintuan, tila hindi siya makapaniwala sa katauhan ko. Mayamaya ay natawa na lang siya, nailing sa kawalan at nauna nang pumasok. Malakas akong bumuntonghininga. Ako na ang nagsarado ng pinto, dahan-dahan pa na para bang naghihintay ako ng tao na magpipigil sa aming dalawa. Narinig kong may tinawagan si Brent gamit ang telepono ng hotel, panigurado'y o-order ng pagkain. Tinanaw ko ito mula sa gitna, bahagya niyang tinupi ang sleeve ng pangloob niyang white polo. Wala na iyong tuxedo niya, iniwan na sa kotse. "Mauna na akong maligo," paalam ko rito. "Habang hinihintay iyong pagkain." "All right. Susunod ako." Ngumiti ito. Hilaw naman ang naging ngiti ko. Patakbo akong nagpunta sa banyo. Nang makapasok ay doon ko pa lamang pinakawalan ang hininga kong kanina ko pa pinipigilan. Halos yakapin ko iyong paper bag sa dibdib ko. Ikinalma ko muna ang sarili. Nang tingin ko'y kahit papaano ay okay na ako, naghubad na rin ako. Pumailalim ako sa shower head at nag-umpisang maligo. Sinigurado kong nasabunan lahat ng katawan ko, kiniskisan ko lahat ng balat ko gamit ang mesh foaming net. Mabuti at kompleto ang toiletries dito sa hotel. Nakita ko kaninang mayroong dalawang toothbrush sa lababo, talagang pinaghanda para sa mga guest nila. Ginamit ko na rin iyong feminine wash ko. Sa totoo lang ay mayroon naman nito sa bahay, pero bihira ko lang gamitin dahil ang sabi ay hindi maganda na palaging gumagamit nito. Pero ngayon, mukhang mapapabaon ako nito araw-araw. Nang matapos maligo ay nag-toothbrush na rin ako. Nakalimutan kong kakain pa pala ako, hindi bali na, uulitin ko naman mamaya. Abala ko na ngayong sinusuklay ang buhok ko habang suot ko ang puting roba na galing sa hotel. Mayamaya nang marinig ko ang pagpihit ng pinto sa likod ko. Bigla iyong bumukas at bumungad sa akin si Brent, wala na itong pang-itaas na damit. May nakasabit ding tuwalya sa kaniyang balikat. "Brent!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD